Nang dumating sila Red at Drei ay nagka-ayaan silang pumunta sa cafeteria at buti nalang hindi na nila ako inasar at may iba silang pinagkaka-abalahan. Hindi na rin namin inaya si Taslan dahil busy ang mga medical students ngayon.
Habang naglalakad papunta sa cafeteria ay rinig kong nagtatawanan sila Red at Drei sa likuran namin. They're talking about Avry at kaya sila nag-aya bigla na pumunta sa cafeteria dahil nga naandoon s'ya.
"Rinig ko sa mga ka-block mates n'ya she's there.." si Drei na parang kinikilig pa ang tono. Natawa naman si Red at sumagot.
"Stalker 'to." Pang-aasar ni Red saka hinampas si Drei, hindi ko alam kung saan n'ya hinampas dahil wala ako sa mood makipag-tawanan sakanila baka sila pa mahampas ko.
"Ay, Kenji!" Tawag ni Red kaya napairap ako.
"Ano?" Iritanong sagot ko habang hindi sila nililingon.
"'Yung advertisement natin, kailangan natin mag edit. Tapos kailangan din maganda ang pagkaka-kuha ng product." Hinabol n'ya ako at inakbayan kaya napailing ako. Ang hirap mag edit ng ganito, isama pa ang flyers. Ni hindi rin kami marunong mag edit, baka sa PhotoGrid pa kami mapadpad.
"Photographer ka naman, ah?" Walang emosyong kong sabi pero natawa lang s'ya. Ano bang nakakatawa sa tanginang 'to?
"Wala na 'yung camera ko, e. Basag."
Kumunot ang noo ko sinabi n'ya kaya mabilis ko s'yang tinignan at tinignan mula baba hanggang taas. Jino-joke time n'ya yata ako?
"Liar." I whispered. His eyes widened and his lips were parted as he convince me that he's telling the truth.
"Yo? I'm not lying!" Binunot n'ya ang cellphone n'ya mula sakaniyang bulsa at ipinakita saakin ang picture ng camera n'yang nawasak kaya napailing ulit ako. Hindi ko na rin s'ya tinanong kung anong nangyari sa camera n'ya.
"Business course pa kasi, e." Inis kong bulong na tinawanan lang nila. Sino nalang mag i-edit saamin? As if naman na papayag si Koji na maging photographer namin or editor man lang.
"Ikaw nalang mag edit, Kenji." Singit ni Drei kaya galit ko s'yang nilingon at binatukan. Gago, sa'kin pa talaga ipapagawa 'yang hayop na 'yan? Lagyan ko ng fish theme 'yan kapag ako nag edit.
"Kuys!" Rinig kong sigaw mula sa kung saan. Sabay-sabay kaming napalingon at nakita naming tumatakbo si Wesley papunta saamin.
"Himala't napadpad ka rito." Si Math na umakbay sakaniya, ginulo naman nila Red ang buhok n'ya kaya napayuko s'ya.
"Tatambay lang sana ako ang boring kasi sa building namin,e. Saan ba kayo pupunta?" Tanong n'ya. Inginuso ko ang cafeteria habang kinakamot ang batok.
"Oh? Badtrip ka yata?" Natatawang sabi n'ya nang mapatingin s'ya saakin kaya pilit ko s'yang nginitian.
"Hayaan mo s'ya, Wes. Tara na pupunta kami sa cafeteria!" Hinatak naman ni Math si Wesley papunta sa cafeteria at sumunod naman sakanila ang dalawa sa pagtakbo. Napailing nalang ako at saka tamad na tumakbo rin para sumunod sakanila. Wala na ngang energy 'yung tao, pina-takbo pa.
"Gusto mo kumain? Libre ko." Rinig ko pang aya ni Math kay Wesley na excited naman na tumatango-tango, mabilis silang pumunta sa counter at pumili ng pagkain. Bini-baby nanaman si Wesley.
Inilibot ko ang aking paningin at nagbabakasakaling nandoon parin si Avry at kasama si Koji. Tumigil ang paningin ko nang makita ko nga si Avry at kasama n'ya nga si Koji, pero...nandoon din si Poly.
Hold on. S'ya ba 'yung make-up artist? He's a make-up artist?
Maglalakad na sana ako ng lumingon din si Red sa direksyon nila at kumaway. "Koji!"
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 11
Start from the beginning
