If tatanggapin ni Koji 'yung alok sa kaniya, ibig sabihin photographer talaga s'ya? Hindi ko man lang alam? Ang alam ko lang mahilig s'ya kumuha ng random pictures? For sure naman matutuwa s'ya na may gustong mag hire sakaniya. Kaya siguro nagka-sundo sila ni Yvonne dahil dito?

Iniisip ko parin kung sino 'yung make-up artist na lalaki. May friend ba s'yang lalaki rito?

"This is hard.." I sighed as I looked at the banana milk and soda in front of me, struggling to make a choice. I also thought about buying some for Koji and visiting him, making the decision even more difficult. If I choose soda, then both should be soda. If it's banana milk, then both should be banana milk as well.

"Mahirap ba?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko na agad kong nilingon. Si Math pala.

"Damn, Math. You scared the shit outta me." Humangos ako at tumayo ng tuwid. Tinignan ko pa s'ya ng masama dahil tumatawa pa s'ya.

"Kanina ka pa kaya nakatayo d'yan, pinapanood kita sa labas." Natatawa n'yang sabi at saka kunwaring namimili sa mga chocolates.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko at saka bumaling ulit sa drinks section. Inabot ko ang dalawang banana milk habang tumitingin parin sa soda, banana milk nalang.

"I'm just human too, hungry i guess?" Sarkastikong sagot n'ya na inirapan ko nalang.

"May cravings ka nanaman, 'no?" Natatawa kong tanong dahil halata naman na may weird cravings nanaman s'ya. Nag lakad ako papunta sa mga biscuits at sumunod naman s'ya saakin.

"Hulaan mo cravings ko," nakangiti n'yang sabi saka dumiretso sa donuts.

"Donuts." Mabilis kong sagot dahil doon naman s'ya papunta. Humarap s'ya saakin habang binubuksan ang sliding door kung saan nakalagay ang mga donuts.

"Donuts na may?" Dagdag n'ya kaya napaisip ako habang nakatingin sa cheesecake.

"Donuts na may...may ano ba?" Tanong ko habang kumukuha ng dalawang cheesecake at sumilip pa sa donuts.

"May coke." Sagot n'ya. Napangiti ako dahil mukhang normal naman ang cravings n'ya. Kadalasan kasi sobrang weird talaga like..champorado na may kanin, e kanin naman 'yon. Chocolate flavored lang.

"Normal naman ah? Donuts and coke." Tanong ko ng dumaan s'ya sa likuran ko at pumunta ulit sa drinks section.

"Sinawsaw sa coke." Rinig kong sagot n'ya kaya napakunot noo ako at halos masuka. Tangina? Anong lasa non? Just imagining choco butternut soaking on coke then eat it makes me gagged.

"Eww." Nandidiri kong sabi at saka sumunod sakaniya sa drinks section at sinabayan s'yang kumuha ng coke. Mag co-coke parin ako, hindi naman makikita ni Koji 'to.

"Okay lang kahit may random cravings, kaysa sa bumibili ng snacks for someone." Tumawa s'ya at saka nag lakad sa counter at hindi ko na nahabol, sarap sikmuraan, ah?

"Pano mo nasabing for someone 'to?" Panunuri ko habang sumusunod sakaniya.

"Tignan mo nga mga binili mo, dala-dalawa. Hindi ka naman kumakain ng dalawang cheese cake 'no-thank you po." Sagot n'ya at saka ini-abot ang mga binili sa cashier para i-punch. Pumila naman ako sa likuran n'ya at marahan s'yang binangga kaya sinamaan n'ya ako ng tingin.

"Hindi ba pwedeng saakin 'to lahat?" Giit ko habang nakatingin sakaniya ng diretso. He smirked at me and shook his head as he grab his wallet from his pocket.

"Impossible." Maikli n'yang bulong at saka hinugot ang isang libo at ini-abot iyon sa cashier. Umirap naman ako at inilipat ang mga bibilhin sa kabilang kamay at kinapa ang wallet sa bulsa ko.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now