"Ah, sige. Iyon lang ba?"
Maarte s'yang tumango kaya mabilis kong binuhat ang box at pinauna na s'ya sa paglalakad papunta sa cafeteria. Pabebe pa s'yang patinging-tingin saakin na iniiwasan ko naman dahil baka maduwal ako, maganda naman s'ya pero... ang gago lang! Pinuntahan n'ya ako para magbuhat ng box?
While walking, I just looked straight at the in front, even though my vision was almost covered by the box, I still didn't look back at Avry. I also don't want to talk have a long conversation with her.
I sighed. Gusto ko ng makita si Koji, gusto ko s'ya ayain mag lunch. Gusto ko na s'ya puntahan. But at least alam kong naririto lang s'ya sa university, kasama si Sir. Hindi ko na kailangan mag-alala na magisa s'ya sa unit.
"You're close with that photographer?" She asked out of nowhere. Nagkasalubong ang mga kilay ko at napaisip.
Si Red lang naman ang photographer sa circle ko. Pero hindi rin s'ya active at iilan lang ang nakakaalam noon.
"Si... Si Red ba?" Paghula ko, kumunot ang noo n'ya at napailing.
"No. The one who's..." Nag-isip din s'ya at napakamot pa sakaniyang ulo. "Short and pale white... pamangkin ni Professor Pogi.."
Napa-pikit ako ng mariin at nakagat ang aking labi. Is she referring to Koji? I know he loves photography pero hindi n'ya naman iyon trabaho. Sino naman kaya nag sabi rito na photographer s'ya?
"It's.." I gulped. "Koji?"
Nakangiti s'yang tumango kaya mas bumagsak ang balikat ko. Gago. Sino kayang nag reto kay Koji sa kaniya?
"What's with him?" Kuryusong tanong ko habang sinusuklay ang buhok habang ang isang kamay ay buhat ang box.
"Oh, Yvonne refer him to me." Maikli n'yang sagot kaya mas naguluhan ako.
Si Yvonne? Kilala n'ya? What a life. Ni-reto n'ya pa si Koji, respeto naman oh?
"For what?" Nakakunot noo kong tanong sakaniya pero ngumiti lang s'ya saakin habang nag lalakad at saka tinapik ang box.
"Photoshoot. Ipapasa ko sa isang company 'yung mga pictures. Mga damit nga 'yan nasa box." Sagot n'ya at saka tumingin ulit sa daan.
Tumango naman ako at napaisip na model pala si Avry kaya crush na crush ni Drei. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit close sila ni Yvonne?
"Close kayo ni Yvonne?" Kuryusong tanong ko at bumaling sakaniya ng saglit.
She crunch her nose and shook her head while swaying her hands. "No, friend lang s'ya ng make up artist ko and they both friends with... Koji."
Ang dami n'yang nababanggit, at medyo magulo na iyon sa utak ko. Make up artist?May mga naging friends na ba s'ya rito sa University?
Nang makarating sa cafeteria ay inalapag ko na ang kahon sa pinaka-unang table palang, ayaw ko na maglakad ng malayo. Isa pa, aalis din naman ako agad dahil pupuntahan ko si Koji.
Umupo ako saglit sa mesa habang hinahanap ni Avry 'yung kaibigan n'ya.
Napatayo naman ako ng tuwid nang maglakad s'ya pabalik sa direksyon ko. She shrugged her shoulder and pout.
"He's not here yet, s'ya 'yong make-up artist ko." He?
I nodded kahit medyo naguguluhan pa, inayos ko ang strap ng bag ko at saka tumingin sa paligid. "Wala ka na bang kailangan? Kasi I'll go ahead na."
Ngumiti naman s'ya at tumango sa akin habang inaayos ang box. "Yes, you may go. Thank you ulit Kenji!"
"It's fine." I forced a smile as I walked slowly away to head to the canteen and buy some food 'cause I'm hungry as hell.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 11
Start from the beginning
