Uncontrollably, i scoffed loudly and make them all turned in my direction. Shit. I quickly pulled myself together and cleared my throat, pretending there's nothing in my phone. Napatingin ako sa direksyon ni Koji, mukhang nag aalala rin s'ya sa mga tinitignan ko.
"Bro? You good?" Drei said with his accent again, i heard Taslan's laugh when he heard him.
"Brew? Yeged?" Pag-uulit pa ni Red kaya humagalpak si Taslan na nakapagpa-halakhak pa sa mga kasama namin.
"Baka may stolen shots d'yan ah!" Si Elona na mataray pang nakatingin saakin. Pabiro ko s'yang inismiran at mas itinagilid pa ang katawan na halos itaas ko na sa sofa ang isa kong hita dahil sa kasisilip ni Math.
"Patinging naman!" Siniko ako ni Math na hindi ko nalang pinansin.
Ipinag-patuloy ko ang ginagawa hanggang sa makarating ako sa isang picture na naiiba sa lahat. I squint my eyes again and widened afterwards, this one picture caught me off guard.
It's.... Koji's picture! From his screen?! It's a morning picture with his shoulder showing. Did I fucking take this from his screen? When? Or baka s'ya kumuha nito noong nasakaniya pa? Impossible! Dahil 'yung hoodie n'ya pa ang background ng phone sa kuha ko at mukhang hawak n'ya pa iyon, makikita rin sa gilid ang kamay ko.
Napalunok ako at halos dumulas na sa kamay ko ang cellphone habang pinipindot ang messenger sa sobrang kaba. He's freaking sexy on that picture. Nakakagulat lang kasi hindi ko maalala na kinunan ko 'yon. Am i drunk enough that night to be this pervert?
"Okay ka lang ba? Kenji?" Tanong ni Math na napapa-sulyap sa cellphone ko na pilit kong itinatagilid para lang hindi n'ya iyon makita. Binasa ko ang labi at saka tumango sakaniya na ngumingiti pa kunwari. Tumango nalang din s'ya na parang duda parin bago bumaling kay Taslan. I'm shaking when i started to select all the photos that they wanted me to transfer.
"Oh heto, beer!" Mabilis kong naibaba ang phone nang sumulpot nalang bigla si Envo sa likod ko habang may dala-dalang case ng beer at ice bucket. May kasunod pa s'yang bartender na lumabas pa ng bar counter para lang hatiran kami ng baso. Nag hiyawan ang boys habang marahang sumasayaw sa kinauupuan.
"Enjoy guys! Unlimited drinks!" Envo shouted when he finally put the beer on our table, Taslan eye's widened and his expression is what i expected him to react, he start doing a lazy wave on his seat and he looks excited just like how Drei and Red reacted earlier.
Parang nakikita ko parin 'yung picture ni Koji sa utak ko, parang nag pe-play ng kusa. Nakatulala ako sa table nang abutan ako ni Envo ng baso kaya kinuha mo naman iyon agad. Inabutan n'ya na rin ang iba, hinatak niya ang isang mono block sa tabi at umupo sa harapan namin.
"Tara, cheers!" Sigaw n'ya kaya bumalik ako sa ulirat. Napangiti ako at itinaas rin ang baso.
"Cheers!" Sigaw ko.
"Hindi ba may lagnat ka kanina?" Bago paman mag dikit ang mga baso namin ay natigilan na agad kami sa sinabi ni Koji.
"Bawal ka raw uminom sabi ni Taslan." Habol n'ya pa. Mabilis akong bumaling kay Taslan na tumatango-tango rin saamin, tanginang medic 'to kasi. Kina-career.
"Magaling naman na ako? 'di ba?" Giit ko habang itinuturo ang sarili at nag hahanap ng kakampi pero tumawa lang sila. Umiling-iling naman si Taslan kay Envo.
"Uh-oh, no beer for you tonight." Dahan-dahang hinila ni Envo ang baso mula sa kamay ko at hinayaan ko nalang iyon dumulas. Humangos ako at tinignan silang lahat, hindi ba joke 'to?
"Kawawa naman oh," Si Red na mapangasar nanamang nag panggap na naiiyak.
"Nakaka-awa s'ya oh," Drei copied what Red's doing. Humagalpak si Taslan na nakapagpa-halakhak nanaman sa lahat, kahit kailan talaga 'tong tawa n'ya baka umabot pa sa kabilang side. I just sighed and looked at Koji.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 9
Start from the beginning
