Tinapik ni Math ang balikat ko at saka umupo sa tabi ni Taslan, umupo nalang din ako kahit nasa harapan pa iyon ni Koji at hindi sa tabi n'ya. Si Drei naman ay swabeng umupo sa tabi ni Taliah habang inaasar pa s'ya nito. Si Red naman ay tumabi kay Elona kaya mas malapit nanaman s'ya kay Koji.

"Himala yatang napadpad kayo rito? Anong sabi ni Tita Fei?" Halos pasigaw kong tanong kay Elona,  si Erees at Koji kasi ay may pinagtatawanan sa phone.

Ayos lang, basta hindi si Red.

"Sariling bar naman daw namin kaya okay lang, ayaw mo non? Baka matuto na kaming mag club!" Masaya n'yang sagot saakin, ngumiti ako kahit hindi ako masaya, ako sana katabi ni kamahalan d'yan.

"Ay Kenji!" Tawag ni Erees saakin na parang may na-realize. "'yung pictures?"

"Pictures? Aling pictures ba?" Kunot noo kong tanong habang kinakapa ang nakataling buhok at tumingin ng matagal kay Erees. Nakita ko pang tumingin  din saakin ng seryoso si Koji, malamang nasakaniya phone ko, e.

"Ano ba 'yan! Hindi ka kasi nag si-seen sa gc!" Tumayo si Erees at lumapit saakin kaya napatingin ako sa pwesto n'ya, my turn.

"Wala akong...phone." wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa espasyo sa tabi ni Koji.

"Bakit? Nasaan ba 'yung phone mo?" Niyuyugyog pa ako ni Erees pero hindi natitinag ang paningin ko sa kinauupuan n'ya kanina, gusto kong lumipat ng upuan. "Hoy!"

"H-Ha?" Lumingon ako sakaniya at binasa ang labi. "A-Ano ba 'yon?"

"Nasaan phone mo?" Pag uulit n'ya saka ipinatong ang braso sa balikat ko. "Nasira ba, nawala?"

"Hindi naman, na kay..." I was about to answer her when i saw Drei smoothly sat beside Koji. My mood ruined again. Damn, i want to punch everyone here. Gusto ko nalang umuwi, doon na lang ako! Kahit lagnatin nalang ako ron.

"Na kanino?" Makulit na tanong ni Erees. Napasandal ako sa sofa dahilan para mahulog ang braso n'ya sa ere. Tinignan n'ya lang ako ng matagal at saka namaywang. Itinuro ko si Koji gamit ang nakanguso kong bibig at saka umismid at tumingin nalang sa mga sumasayaw sa dance floor.

"Na kay Koji!?" Excited n'yang tanong na tinanguan ko lang. Mabilis s'yang tumakbo kay Koji na nakatingin saakin habang may binubunot sa bulsa.

"Can i have it for a sec?" Tanong ni Erees habang nakayuko kay Koji, si Elona naman ay nakatingin lang sakanila habang iniaabot ni Koji ang cellphone ko kay Erees. Bakit kailangan nilang magpaalam? Akin naman 'yon.

Tumakbo ulit pabalik saakin si Erees at iniabot ang phone ko na parang bata. Nakakapanibago hawakan, parang may nabago. Malinis na kasi, malamang sa malamang nilinisan ni Koji ang bawat sulok ng phone case ko.

"I-send mo sa gc ha!" Utos n'ya habang itinuturo pa ako, bumalik na s'ya sa pwesto n'ya kaya umusog ulit si Drei.

"Oo, ang kulit." Badtrip kong binuksan cellphone at dumiretso sa messenger, bakit kasi sa phone ko nag picture? Pupwede namang sakanila nalang? Naka iOs naman kami lahat.

My eyebrows knitted as i start to check my album, malabo ang mata ko pero alam kong halos pare-pareho ang mga photos doon. When i start to check it one by one, my face lighten up when i saw Koji's stolen picture on hanging hammock with Erees and Elona. I sighed when i remember it's Keith who taken this pictures.

"Ano 'yan? Ha?"si Math na nakikisilip kaya bahagya akong tumagilid para hindi n'ya makita ang mga photos. Umirap s'ya saakin at pabiro akong itinulak. "Porn yan! Gago."

I scoffed and bit my lower lips as i checked it one by one, Koji's smiling in every picture. May mga pictures din na nag tatakip s'ya ng mukha at may iilan na nasa dimples ang daliri n'ya at nakatagilid ang ulo n'ya. May mga selfie rin silang tatlo, mayroon ding kasama si Keith. May isa pang kasama kami na hindi namin alam, ang nakakatawa pa ay naka dirty  finger ang kambal habang si Koji ay nagtataka ang ekspresyon na parang nag aalala dahil sa hand gestures.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant