After that, we played the other song Ayaw kong tumanda by itchyworms, pinalitan na ni Taslan si Wesley sa mic, si Math naman ang pumalit sa drums at si Wesley na ang sa Bass. We played the song Akin ka na lang, and Halaga by Parokya ni Edgar. Ewan ko kung anong hugot ni Taslan sa mga kantang 'yan basta s'ya ang nag lista ng mga 'yan kanina.

"Ang galing n'yo talaga!" Si Envo na nakipag-banggaan ng balikat saakin nang matapos na kaming tumugtog.

"S'yempre naman," malumanay kong pagmamayabang, ngumiti s'ya saakin at saka bumaling kila Math. Binitbit ko ang gitara ko at tumingin-tingin sa paligid, nakaupo na kaya si kamahalan?

"Grabe 'yung kanta ni Taslan parang may aagawin, ah?" Biro ni Red saka bitbit n'ya rin ang gitara nilang dalawa n'ya at pangiti-ngiting nakipag-apir kay Envo.

"Ayaw ko mang-agaw, gusto ko saakin kaagad." Biro n'ya saka malokong ngumiti habang nilalaro ang drum sticks sa kan'yang kamay. Napailing na lang ako dahil for sure, para iyon sa crush n'yang hindi n'ya nakuha. Dito pa talaga nag emote, wala naman siguro 'yon dito.

"Ang astig ng vocal ni Wesley, naikwento rin ni Kole 'yan, e." Pagpuri ni Envo kay Wesley kaya nahihiya s'yang nag bow ng kaunti. Si Math naman ay inaayos ang gitara at ang effect pedal n'ya, masyado kasing maingat sa gamit.

"Sakristan tapos maganda pa ang boses." Singit ni Taslan at saka umakbay kay Wesley na agad ko namang nginitian, todo puri? Bini-baby nanaman si Wesley.

Habang abala sila sa pag kukwentuhan sa stage ay napagpasyahan ko ng makipag-siksikan sa mga taong gusto pang mag pa picture saamin, nauna na akong makipag-gitgitan sa mga taong 'to para lang mauna sa sa tabi ni Koji. Maraming humaharang kaya pilit akong ngumingiti sa camera at mabilis rin namang umaalis para blurred lahat ng kuha nila. Mas sikat pa yata kami sa mga night bars kaysa sa university, e.

Nang makaalis sa mga nagsisiksikang tao ay nakahinga ako nang maluwag, inayos ko ang suot kong polo at saka nag lakad papunta sa direksyon ng table namin. Masosolo na rin sa wakas.

But before I got close into our table, my shoulder seemed to have lost its energy and fell on its own because at what I saw. Why on fucking earth Erees and Elona were here? They don't like going to clubs, right?

Damn, for God sake! Saan ako uupo n'yan? Kabilaang side nakaupo ang kambal, idagdag pa si Taliah na nakikipag-kwentuhan na rin sakanila. I sighed very hard and continued walking towards them. Wala naman akong choice. Nakakabanas na talaga.

"Kenji!" Excited na sigaw ni Elona at saka hinawakan ako sa kamay at niyugyog iyon habang pangiti-ngiti naman saakin si Erees, si Taliah naman ay nakangiti lang din saakin., dapat lang. Subukan mong humawak rin sa kamay ko, lilipad ka talaga.

"Your band is so good!" Puri naman ni Elona.

"Yeah I agree! you look happy when you're performing." Si Erees naman na nakakapit sa braso ni Koji. Nginitian ko lang sila at iniisip kung..

Saan ako uupo?

"Ang galing mo talaga—" akma na sana akong yayakapin ni Taliah ng hilahin s'ya ni Taslan mula sa likuran ng damit n'ya. Brutal sa kapatid amputa.

"Hoy babae! Sabi mo mananahimik ka lang rito ah?" Nakataas ang kilay ni Taslan habang iginigiya ang kapatid na maupo sa sofa, malayo ulit saamin.

"Aray ha!" Singhal ni Taliah at saka marahas nasinipa ang binti ng kuya n'ya kaya napadaing si Taslan.

"Aray! Masakit boy! Pag ikaw sinipa ko— ay ewan ko na lang." Umupo nalang din si Taslan sa tabi ni Taliah at inis na pinitik ito sa tainga. I'm amazed, ang haba ng pasensya n'ya sa kapatid n'ya. Samantalang kami ni Koleen baka mag patayan talaga kami kahit saan.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now