"Taliah!" Saway ni Taslan habang pinandidilatan ng mata ang kapatid.
"Ito naman!" Padabog na bumitaw saakin si Taliah at saka tumayo at umupo nalang malapit kay Math. Inaya na rin ni Drei si Taslan na umupo sa tabi n'ya.
"Kuys," napalingon ako nang may tumawag pa saakin. Si Wesley na nakikipag-fist bump saakin, medyo matagal ko s'yang napansin dahil hindi ko naman s'ya nakita sa entrance.
"Uy, upo ka!" Hinila ko s'ya sa tabi ko at inakbayan. "Kamusta school?"
Ngumiti si Wesley saakin at kinamot ang batok. "Medyo maayos naman, nakakapagod lang kasi graduating."
"Eh, si Kole? Kamusta academic performance n'ya?" Tanong ko ulit. Nakangiti n'yang binunot ang cellphone mula sa bulsa at kinalikot iyon, pumunta s'ya sa gallery at ipinakita saakin ang isang picture.
I squint my eyes as I'm trying to figure out what picture is that. "What's that?"
"Bulag ka talaga," he whispered and zoomed the photo, my eyes widened when i saw him with Kole holding a certificate. "Nanalo kami ng quiz bee kahapon!"
He excitedly bump my body with his shoulder so i quickly pulled my arms and tap his shoulder. "Good job man!"
I ruffled his hair and turned to Drei who was approaching us. He squeezed his body between us and he put his arm around Wesley's shoulder. Ubod talaga ng kapapansinan itong mga 'to.
"Good job Wessy! Sa susunod magpapa-cake tayo!" Ginulo rin ni Drei ang buhok n'ya at pinisil s'ya sa pisnge. I chuckled and looked at Taslan who was excitedly walking towards us.
"Ang galing, ah! Ako nag review d'yan!" Pinisil rin ni Taslan ang pisnge ni Wesley at saka umupo sa hita ni Drei.
"Review daw? Wala ka naman naitulong!" Pang-aasar ni Wesley kaya pabiro pinang-gigilan ni Taslan ang pisnge n'ya. I laughed and looked at Math direction who was filming us all along. Tinakpan ko ang mukha ko at pilit na iniiwas ang mukha sa camera kaya napadpad ang paningin ko kay Red at Koji na may pinag-uusapan, mukhang may sariling mundo 'tong dalawa, ah.
"Good evening ladies and gentlemen men!" Bati ni Envo sa harapan ng mini stage sabay sa paghina ng tugtog kaya natigilan kami at nakinig, mabilis na umupo lahat ng mga tao lalo na 'yung mga nasa dancefloor.
"For our night bar's opening, we want you to enjoy this night with a free drinks.." nakangiti n'yang sabi at naputol iyon dahil sa hiyawan ng mga tao, sa sobrang lakas nakita ko pang nagtatakip nanaman ng tainga si Koji.
"And a free concert!" Sigaw ni Envo kaya mas na excite ang mga tao sa loob at walang pakundangang humiyaw. Pumalakpak kami at napapapikit rin sa lakas ng hiyawan.
"Let's welcome..." May pa-suspense na sigaw ni Envo habang malawak ang ngiting nakatingin saamin. "First6 band!"
Taas noo naming pinakinggan ang hiyawan sa buong bar, mukhang mga party people talaga ang mga narito sa sobrang lakas ng ingay.
Nang tumayo na si Math sa kinauupuan n'ya ay hinablot namin ni Red ang mga gitara namin at sumunod kay Math sa paglalakad papunta sa unahan, si Taslan naman ay taas noong nilalaro ang drum sticks sa kan'yang kamay habang nakaakbay sakaniya si Drei. Naka-ngiti lang na naglakad si Wesley at saka pabiro pang kumakaway sa mga tao. Nang madaanan ko si Koji ay agad kong iniwas ang tingin ko bago ko pa s'ya makitang ngumiti, bakit hindi Red ang ngitian mo?
"Kenji!" Tawag ni Koji saakin kaya natigilan ako maglakad at dahan-dahang lumingon sakaniya. Tinatawag n'ya na ako ngayon sa pangalan ko, himala 'to.
"Hm?" Nag lakad ako pabalik at inilapit ang ulo sa mukha n'ya para mas marinig ko ang sasabihin n'ya. S'ya naman itong bahagyang napa-atras. "Ano 'yon?"
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 9
Start from the beginning
