"Anytime po, tito Vince." Mahinahon ko pang sabi.
"Thank you! Balita ko talaga magaling ang banda niyo." Tinapik pa ni tito ang balikat ko bago maupo.
Tinignan ko si Koji sa tabi ni Red na nakaupo lang at nakatingala kay Tito, pabalik-balik ang tingin n'ya kay Red at sa mga kasama pa namin na parang masaya rin s'ya sa naririnig.
"Hello po!" Bati ni Math at saka nakipag-kamayan rin na agad namang tinaggap ni tito at nginitian s'ya.
"Let's enjoy the night! Free drinks for everyone!" Pasigaw na sabi ni Tito Vince dahilan para magkatinginan si Drei at Red, kung narito lang si Taslan mas masaya pa 'yon kaysa sakanila.
Bumaba ang tingin ni Tito Vince at napangiti ng malawak nang makita si Koji, nakangiti at nakatingala sakaniya. Napapikit ako ng mariin sabay sa malalim kong paghinga. Tangina? He's very cute. His eyes was sparkling and his dimples were showing as he smiled at Tito Vince.
"Kasama n'yo pala si ganda!" Marahan pang pinisil ni Tito ang pisnge n'ya kaya medyo napangiwi ako. Why is he appearing so cute with them? Not with me?
Napalingon naman saakin si Red na nakakunot noo, ganoon rin sila Math at Drei na napawi ang ngiti at seryosong tumingin saakin. Lagot, hindi pala nila alam na sinama ko s'ya noong umuwi ako sa bahay.
"Oh paano, I'll just entertain my friends over there! Enjoy boys!" Paalam ni tito habang nag-lalakad na pabalik sa kabilang side, sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa mawala na s'ya sa paningin ko.
Dahan-dahan kong nilingon sila Math na seryosong naka-tingin saakin matapos ngumiti kay Tito. Peke akong ngumiti habang napapakamot ng batok.
"Sinama mo s'ya sainyo? Kailan?" Si Red na nakangiti rin saakin ng peke na parang ginagaya ang ginagawa ko.
"Kapag kami, hindi man lang kami mainvite doon," napapailing na sabi ni Drei at saka nag kunwaring naiiyak. Aba? Huwag kayo mag tampo saakin ngayon baka tagain ko kayo.
"Mother's day kaya ng nakaraan. May mga kanya-kanya rin naman tayong celebration." Giit ko saka ibinaba ang dalawang kamay sa hita. Si Math naman ay natatawang tumingin saakin ng diretso.
"Koji, you're not my bff anymore," dagdag pa ni Drei kaya napahalakhak si Math saka ako tinulak ng malakas. Nakita ko pang mas nag dikit sila Red at Koji nang maitulak ko rin. Sana lagnatin ako after nito.
"Edi ako nalang ang bff n'ya!" Si Red na pabirong binato si Drei ng tissue na nasa may table at saka umakbay ng mahigpit kay Koji. I heard Koji's chuckles as he lift his head and put his palm near to his lips. Nawawala pa yang mata mo kakatawa d'yan lods? Kapag saakin napipikon ka agad.
"Ang oa." Bulong ko sabay irap na alam kong napansin iyon ni Math dahil nakangiti s'ya ng malawak nang tignan ko s'ya, kaya umayos ako ng postura at tumikhim.
"Kenjii!" Napakunot noo ako ng marinig ang sigaw na iyon at mabilis na napalingon sa entrance. Umawang ang bibig ko sa ere nang makitang naroon si Taliah at nasa likod n'ya naman si Taslan na pinipitik s'ya sa tainga.
Napapailing akong bumaling kay Math na pinipigilan ang tawa n'ya. "Bakit andito 'yan?"
"Malamang sa malamang sinama ni Taslan 'yan." Ipinatong ni Math ang braso n'ya sa balikat ko at saka kumaway kila Taslan. Napabuntonghininga nalang ako nang lingunin ko ulit sila habang papalapit saamin. Mag-iingay lang s'ya rito, e.
"Hi Kenji! Long time no see!" Malanding sabi n'ya habang pilit na nag sumiksik na gitna namin ni Red at pumulupot sa braso ko na hindi ko naitakas. Napa-sulyap ako kay Red na mas dumikit pa kay Koji, tangina talaga. Si Math naman ay umusog at pumunta sa kabilang dulo.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 9
Start from the beginning
