"Salamat ah, ang ganda rito. Mapapadalas ako rito for sure." Tumingin-tingin si Math sa paligid habang papaupo malapit saakin, hindi ganoon kalapit dahil malawak ang ibinigay ni pwesto ni Envo kaya may natirang espasyo sa gitna namin at hindi kami basta basta nagdidikit-dikit.
"Anytime! Open na open 'to sainyo!" Halos pasigaw ng sabi ni Envo, malakas na rin kasi 'yung hiyawan ng mga tao. Grabe. Opening pa ba 'to? Mukhang kilalang-kilala na.
"I can strip here, if you like." Drei said out of nowhere while sitting next to Math. Our eyes widened as we laughed hard at his stupid joke. Napaka-gago.
"Hala 'wag!"Envo starts to panic and wave his hands aggressively. Nag high-five pa kami ni Math dahil sa joke na 'yon ni Drei. Baliw din talaga kahit conyo, pinoy na pinoy ang humor.
Humahalakhak namang umupo si Red sa tabi ko at inilapag rin ang gitara n'ya sa ilalim, itinabi pa sa gitara ko sisipain ko 'yan. Nakakainis lang dahil nakita ko pang nagdadalawang isip si Koji kung uupo ba s'ya sa tabi ko, medyo maliit na rin kasi ang space.
"Dito ka," utos ko habang tinatapik ang espasyo sa gitna namin ni Math. Pabalik-balik ang tingin n'ya sa tabi ko at sa tabi ni Red, mas malawak pa naman doon dahil pinakagilid iyon. Bakit ba dito ako umupo? Gusto ko pa namang asarin si Koji ngayong gabi.
I saw Red also tapping his side, gaya gaya? Walang magawa sa buhay amputa. Mambwiset nalang palagi.
"Dito nalang ako." Umatras s'ya at saka mabilis na umupo sa tabi ni Red, umakbay nanaman 'tong isang 'to. Napairap nalang ako at saka padabog na ipinatong ang siko sa mesa. Sana talaga lagnatin ako bigla 'yung tipong mag aapoy ako sa init, init ng ulo.
"Wait lang! Tawagin ko si dad, papakilala ko kayo. Five minutes!" Envo wave at us and slowly walks into the dance floor, blended smoothly to those people who are dancing until he reach the other side or the bar.
"Ang ganda rito 'no?" Siniko ako ni Red na inirapan ko lang. Ulo mo.
"Babalik tayo rito? Mambabae." Dagdag n'ya pa kaya napangiwi ako, as i was expected. S'yempre babae lang naman ang pinunta n'ya rito, ano pa nga ba? Lalaki?
"Babae nanaman? Hindi ka parin kuntento sa hundreds of messages na hindi mo mareplyan sa messenger mo?" Tanong ko habang tinitignan s'ya sa mukha, hinahanap kung saan s'ya kumukuha ng lakas ng loob. Lakas ng loob ihiwalay si Koji ng upuan saakin, or choice lang din ni Koji 'yon? Kung choice n'ya man 'yon ibig sabihin masama talaga ugali n'ya.
"Nag papalit naman ako ng sim, minsan nga tinatanggal ko nalang at baka manalo pa ako ng Guinness Record ng may pinaka-maraming unread messages." Mayabang n'yang sabi habang pangiti-ngiting iniiaangat ang kilay. Peke akong ngumiti at pakurap-kurap s'yang tinignan, saka n'ya lang inalis ang pagkakaakbay n'ya kay Koji ng may inayos s'ya sa gitara n'ya. Buti naman tol naisipan mong tanggalin 'yan?
Napa-sulyap ako kay Koji na nanunuod sa ginagawa ni Red. Ewan ko ba bakit ako naiinis, gusto ko dito lang si Koji sa tabi ko. Gusto ko s'ya katabi hanggang sa umuwi na kami kasi hindi naman s'ya uuwi kasama ko, hindi ko rin s'ya ihahatid dahil pupunta rin naman dito si Sir Anton.
"Kiko, Hijo!"
Agad akong napalingon nang marinig ang tawag ni Tito Vince mula sa likuran, alam kong s'ya iyon dahil siya lang naman ang nag bigay saakin ng nickname na 'Kiko' noong mga bata pa kami nila Envo. Kasunod n'ya na ring naglalakad si Envo na mabagal ang usad dahil may mga binabating kakilala sa bawat table na dinaraanan. Tumayo ako at saka nakipag-kamayan sakaniya habang naka-ngiti, pilit lang ang ngiti. Nakakabanas kasi.
"Welcome sa Aries Club! I'm glad your band is here!" Kinamayan ako ni Tito Vince na tinanguan ko lang at saka bumaling sa mga kasama ko na pakaway-kaway sakaniya.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 9
Start from the beginning
