"Tara na," atat akong lumabas at hindi na s'ya hinintay pa. Mabilis n'ya naman akong hinabol at halos mauna pa sa paglalakad kaysa saakin.

"Ang tagal mo ah." Si Wesley na parang natatawa pa saakin, nakaupo na rin s'ya sa isang mono block katabi si Envo.

"Kailangan ka pa talagang ipatawag?" Si Envo na natatawa ring bumaling saakin.

"E, hindi n'yo naman ako pinapainom." Biro ko pa. Umupo ako sa dati kong pwesto habang si Koji naman ay tahimik lang na naglakad papunta sa kabilang table, naroon na kasi ang kambal at si Taliah. Talagang umupo pa s'ya kung saan nakaharap s'ya saakin. I swear to God, he knows what's he is doing and he blow my mind successfully.

"Gusto ko uminom," I crunch my nose and scratch my nape while looking at Envo's drinks on his hand.

"Galing ka palang sa lagnat, dapat nga nag papahinga ka pa, e." Seryosong sabi ni Taslan habang iniinggit ako sa inumin n'ya. Gago! Parang gusto ko mag lasing ngayon. Kailangan makalimutan ko agad ang nangyari kasi hindi 'yon pwede.

"Bawal ka pa nga raw—" I cut Envo's words when i abducted his drinks from his hands, i quickly drink it so that he won't take it back.

"Hoy gago!" Taslan shouted. I drink it roughly while looking at Koji's direction, i saw his eyebrows knitted so i chuckled. If you don't like me too I'll tease you for a rest of my life, goddamn. What spell did you add on me?

"Tangina ka.." marahang mura ni Envo habang hinihila ang baso sa kamay ko. Nakatingin lang din silang lahat saakin na parang natatawa.

"Bakit? Magaling naman na ako, ah." Seryosong giit ko saka iniangat ang kilay.

"Tangina ka kasi ang kaonti, dagdagan mo!" Sigaw ni Envo kaya napangiti ako, kunsintidor talaga. Kumuha s'ya ng isa pang baso at nilagyan iyon ng yelo, ako naman itong nag bukas ng beer at isinalin sa baso.

"Ang kulit mo talaga Kenji!" Si Taslan na binato ako ng tissue pero naiiwas ko naman agad ang ulo ko. Tumawa ako at nag sumisiksik kay Math na natatawa lang din saakin.

"Nanghihina ka kanina ah, ang bilis mo gumaling!" Biro pa ni Red bago uminom. Nakipag-apir din s'ya kay Taslan na parang may sasabihin.

"It's an acting, hindi naman na nilalagnat 'yan." Pangga-gatong pa ni Drei na inismiran ko lang.

"Sus! Hindi naman nilalagnat 'yan ah, bakit biglang nilagnat?" Tanong ni Taslan dahilan para mapairap ako sakaniya.

Sasagot na sana ako nang bigla nalang s'yang humalaklak at tinawag si Math kaya natawa kami. "Math!"

"Ano?" Mahinahong tugon ni Math at pangiti-ngiting umiinom.

"May binubulong-bulong si Drei oh," natatawa n'yang sabi habang umiiwas sa pagtulak ni Drei sakaniya.

"Ano ba 'yon?" Natatawang tanong ni Math habang nakakunot ang noo.

"Bu...Bukas daw zipper mo!" Humagalpak kaming lahat hindi lang dahil sa sinabi ni Taslan kung hindi dahil na rin sa tawa n'ya. Mabilis na tinignan ni Math ang zipper n'ya at nakabukas nga iyon kaya mas lumala ang tawanan namin.

"Kaya pala mag sumisilip, nag 'Hi' saamin." Biro pa ni Taslan na kinahagalpak ko at nahampas ko pa si Math sa balikat.

"Mga gago!" Singhal ni Math at saka isinara ang zipper at nag dirty finger kay Taslan.

"Hindi na kinakaya ng zipper mo, ah. Malaki ba?" Dagdag ni Envo, rinig kong humagalpak si Wesley sa tabi n'ya at pinaghahampas s'ya sa balikat.

"Sa sobrang laki kayang mag bukas ng zipper," humahalakhak na sabi ni Red na halos matapon na ang beer na hawak.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now