"You should read and understand him always, since ikaw ang mas maraming time at consistent na pumunta rito lagi habang hindi pa tayo lumilipat." Dagdag n'ya. Napaisip ako at tama naman s'ya, wala akong karapatang mag reklamo sa ugali ni Koji dahil pumayag naman kaming lahat sa condition ni Sir at isa pa, ako rin naman ang nag insist na pumunta rito.

"Yeah, you're right. Masasanay naman siguro ako?" Tumango-tango kong sabi. Math looked at me meaningfully.

"Alam ko kung bakit parang consistent kang pumunta rito, kahit unang araw palang ngayon alam kong sa susunod na araw mas magiging consistent ka pa." Bulong n'ya. Sabay kaming napatingin kay Wesley.

"Ayaw mong maulit?" I sighed when i fully get his point but i nodded.

"You have a soft spot for those people who had attempt to end their life, am i right?" Absolutely right.

I get traumatized when Wesley tried to do the thing but luckily, napigilan namin. It's because of family issues and academic failure. It made us think na baka gawin n'ya ulit 'yon kapag hindi s'ya okay pero we made a promise na walang sino man saamin ang gagawa ng ganoon ulit, kaya nag sakristan s'ya para mas malapit daw s'ya sa Diyos.

"Nasaan ba si Taslan? Dinaanan ko sa bahay nila kanina, magisa raw umalis, ah." Si Red na halos mabulunan na dahil sobrang daldal habang kumakain sa mesa. Lunch na rin kaya sabay-sabay na kaming kumain, pwera lang doon sa isa dahil wala naman saamin ang may lakas ng loob mag aya.

"We already know where he is kapag ganito, nasa..." Drei stops before the last word intentionally.

"Sorsogon!" Sabay-sabay naming sigaw. Taslan is a figure skater na sa tuwing malungkot ay pumupunta sa sorsogon dahil may ice skating rink doon, at oo pumupunta s'ya ng mag isa.

"Ano kayang problema non?" Bulong ko habang ngumunguya at naka-tingin lang sa kinakain ko.

"Babae malamang." Si Wesley na  nasa tabi ko at nag sasandok ng kanin.

"Babae nga talaga," si Red na nakatunganga sa cellphone n'ya at hindi magawang maisubo ang pagkain n'ya dahil mas pinili pang mag scroll.

"Look!" Ipinakita ni Red ang screen n'ya at doon namin nakita ang Instagram story ni Taslan. Selfie n'ya iyon habang nakasuot makapal na jacket at mata lang kita habang magulo ang buhok.

"Ano raw? "Skating dito, dahil I'm not the one you want to date too." Hala, ang corny talaga!" Pagbasa pa ni Math sa caption nito na nag kunwari pang nasusuka. Natatawa kaming umayos sa pagkakaupo at kumain ulit.

Nakita kong napapailing nalang si Wesley. "Madrama talaga kahit kailan." Bulong n'ya na nakapagpatawa saamin.

Nagtatawanan kami habang kumakain nang bigla namin narinig ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Koji. Napasinghap ako at siniko si Wesley para utusan.

"Ayain mo nga 'yung kamahalan." Bulong mo kay Wesley na natatawa naman akong sinunod.

"Hello....Kain ka na raw sabi ni kuya Kenji." Rinig kong pag-aaya n'ya. Pangalan ko pa talaga ang sinabi edi mas lalong hindi kakain 'yan. Mabilis na bumalik si Wesley sa upuan n'ya at tumango lang saamin bago nag patuloy sa pagkain. Nang lingunin ulit namin si Koji ay nasa labas na s'ya at dahan-dahang nag lalakad papalapit saamin.

"Kain Koji!" Pag-aaya nila.

"Paabot nga ng plato, Kenji." Paguutos ni Math saakin kahit na mas malapit naman si Wesley sa platong nasa gitna ng mesa na nakalaan talaga para kay Koji.

Kalmado ko iyong iniabot at binigay kay sakaniya, susubo na sana ako ng utusan pa ako ulit ni Math. "Paabot nga din ng kanin, Kenji."

E, kung umupo nalang kaya s'ya? Ako na! ako na d'yan, ako na sa lahat!

Go Through The Spark (Red String Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon