"Pinag-iisipan ko pa nga, e. Sobrang daming steps kapag ililipat. Baka tawagan ko nalang si Koleen at s'ya nalang ang tumira sa unit ko pansalamanta." Sagot ko.
Si Koleen, ang kapatid kong babae. Madalas kami mag-bangayan kaya hindi ko talaga s'ya sinama sa condo ko. For sure matutuwa 'yon kapag sinabi kong s'ya na muna ang titira ro'n.
"Basta sa baba ka na kukwarto para kung sakali man na isama mo 'yung mga anak mo, mas easy sa'yo mabuhay rito sa baba." Pahabol pa ni Sir Anton na tinanguan ko naman.
Pagkatapos ng usapan namin na 'yon, nag-luto na rin si Math ng sopas para makapag-meryenda na raw kami.
Inaya namin si Koji pero lumabas lang s'ya para kunin ang pagkain n'ya at saka pumasok ulit ng kwarto n'ya. Pinanood nga lang namin s'ya maglakad paalis, e. Akala ko pa naman sasaluhan kami rito sa mesa.
"Mahiyain talaga s'ya oh, baka kapag nabundol 'yan tatayo s'ya agad tapos tatakbo sa sobrang hiya." Bulong ni Red sa amin habang kumakain na agad kong siniko. Ang bibig nito wala talagang preno.
"Makikita mo, pag naging tropa ko na 'yan hindi na mahiyain 'yan." Natatawang sabi ni Taslan.
"Malamang, makapal 'yang mukha mo, igagaya mo pa sa'yo." Tinaasan ko s'ya ng kilay at ganoon din ang ginawa n'ya sa akin.
"Wow! Si good boy, nag salita!" Panunuya pa ni Math na katabi naman ni Sir.
I smirked. "Watch me na turuan s'yang maging kalmadong pogi. Hindi katulad n'yo! Maiingay."
They pretend that they're about to gagged on what I said.
"Baka tuturuan mo magkaroon ng anger issue?"
"Turuan manuntok?"
"Kalmado? Pwede pa! Pogi? Maryosep."
Minsan lang mag biro 'yung tao, ganito pa 'yung reaksyon na makukuha? I'll rate it four over ten.
Hindi na rin kami nagtagal sa unit ni Sir at umalis na rin kami kaagad dahil mag-gagabi na. Hindi rin kami pupwede mag stay doon dahil wala pa kaming gamit, mas inuna namin ang mga nasa studio. At saka bukas pa naman daw aalis si Sir Anton at lilipat ng bagong place, hindi raw dito sa building kung hindi ay mas malapit pa doon sa university namin. Sinabi ko naman na babalik nalang kami bukas para samahan si Koji kung wala kaming subject na papasukan.
Sir Anton: I forgot. You buy some utensils, konti lang andoon. And don't forget to duplicate my key sa unit n'yo, anim.ಠ◡ಠ
I saw his text on my screen while I'm feeding my fishes early in the morning. And that damn emoji again, namana rin ni Math 'to, e.
At saka ano? Ako pa bibili? At talagang kaunti iyon ano! Tatatlo ba naman.
Itinaob ko ang cellphone ko at nakangiting ipinag-patuloy ang ginagawa.
"Sasama ba kayo sa'kin?" Parang baliw, pero oo! Kinakausap ko ang mga fishes ko every morning, it feels like they're responding naman. Or hallucinations ko lang?
It's already six thirty am. After having a shower and simple breakfast, umalis na rin ako sa unit ko para puntahan si Koji suot ang white t-shirt, brown straight leg pants at white shoes, habang naka half ponytail ang buhok. I don't spray any perfumes din, nakaka-hilo kasi.
Damn, I look expensive right now but I have no money, meron naman pero not that much.
Kumatok ako sa pinto ng unit ni Sir pero walang sumasagot sa akin, o nagbukas man lang. Ilang ulit pa at wala talaga.
Nang maubusan ako ng pasensya ay sinubukan kong pihitin ang door knob, nang marinig kong may nag bukas na nito mula sa loob, kaya mahina ko nalang itong itinulak.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 2
Start from the beginning
