"Tungkol sa music club, may naisip na akong paraan pero sana pumayag sila." Mabilis naming nilingon si Sir Anton na may ginagawa na kung ano sa mini kitchen.

Kami naman ay nasa lapag, nanunuod ng foot ball match sa cellphone ni Taslan. Ayaw kasi naming mabasa ang ang sofa kaya nagtitiis kami sa lapag.

"Talaga?" Math's lips stretch a bit, alam kong nakangiti s'ya kahit pa ang mga mata ay nasa cellphone na hawak naman ni Drei.

"Yeah. Siguro next week ipapasa ko sa kanila 'yung request. Hindi kasi pwede ngayon lalo na't nagpapa-lamig pa kayo sa kanila. Don't worry boys, I got this."

Masaya kaming tumango kahit nasa cellphone naman ang mga mata namin.

Sandaling tumingin si Math kay Sir at saka nginitian. "Kapag ba naibalik na 'yung music club, and your nephew finally knows how to interact with others dahil tinuruan namin. Pwede na kami umalis rito?" Tanong n'ya.

Napaisip si Sir. "Okay lang siguro 'yon, tutal may mga sari-sariling buhay naman kayo, e. Kaya ko naman s'ya alagaan, kung hindi lang ako busy ngayon."

Nanahimik ako at napaisip. Hindi ba't parang 'di naman yata tama 'yon? What if Koji's finally comfortable with us and then naayos na 'yung problema sa banda namin? Aalis kami ng gano'n lang? It's unfair.

I sighed.

Bahala na! Tutal hindi naman kami close at mukhang hindi naman kami magiging close.

Bumalik na lamang ang paningin ko sa pinapanood namin at hindi na inisip iyon.

Humikab si Taslan bago hinablot ang cellphone n'ya sa kamay ni Drei bilang pang-aasar. Effective naman, pati ako nainis.

"Hoy! Give it back!" Utos ni Drei na nakapagpa-halakhak kay Taslan dahil sa accent nito.

"Bakik? Kanino bang cellphone 'to? Kung maka sigaw ka parang lupa 'yung inagaw sa'yo." Panunuya pa ni Taslan.

"Nanunuod kasi, Taslan! Ikaw naman nag suggest na manuod n'yan, ah!" Si Red na mukhang iritado na rin.

Pinanood ko s'yang tumayo at maglkad patungo kay Taslan saka sinubukan itong agawin. Pumatong na s'ya rito nang mapahiga na si Taslan sa kaka-tulak. Sumali naman si Drei sa pakikipag-agawan. Nagkatinginan nalang kami ni Math habang umiling-iling. Pinaka-nakakatanda pero sila pa 'yung mga pasaway.

Tumayo nalang kami ni Math habang nag rarambulan 'yung tatlo, pumunta kami kay Sir Anton at pinanood ang ginagawa n'ya. Gumagawa ng green salad.

"Kaya ka ba gumagawa n'yan kasi tumatanda ka na?" Biro pa ni Math na tumabi kay Sir.

Tumawa ako at idiniin ang siko malapit sa sink at umupo sa mataas na upuan habang nakaharap sa kanila. Humangos lang si Sir na para bang sanay na sanay na s'ya sa mga ganitong usapin.

"Ang susustansya oh, nirarayuma ka na?" Parang batang tanong ni Math na tinawanan ko naman agad.

"Tuwang-tuwa?" Tinutok ni Sir and hawak n'yan tinidor sa akin. Sa kaniya namana ni Math 'yung mga slangs at madalas na pambara n'ya, e.

"S'ya nga pala," Sir cleared his throat, "Kapag nag s-stay na kayo rito, dito na lang din sa baba ang kwarto mo Kenji."

Tumango ako.

"Para naman mas madali sa'yo kapag i-che-check mo ang fish tank mo. Dadalhin mo ba?" Sunod-sunod na sabi n'ya saka itinuro ang kwarto sa tabi ng kwarto ng pamangkin n'ya.

Shit. Naalala ko namaman ang mga anak ko, pano kaya 'to? Dadalhin ko sila rito pero sobrang hirap kasi ilipat. Baka nga tawagan ko nalang ang kapatid kong babae para s'ya nalang muna ang tumira sa condo ko at mag alaga ng mga isda ro'n.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now