"Wait, bakit hindi s'ya nag oopen up sa inyo? Hindi ba kayo close?" tanong ni Red na kumuha sa atensyon ni Sir.
Pareho kami ng tanong ni Red. If he's an upcoming college student I assume na halos ka-edad ko s'ya and hindi naman na siguro mahirap sa kaniya mag open up sa pamilya, 'di ba?
"His parents died when he's just three," he whispered as our jaw dropped.
Kaya naman siguro naging extra introvert ang batang 'yon, iniisip ko pa naman na baka hindi lang s'ya close sa family n'ya. Hindi pala talaga, literal.
"Tumira sila sa Japan ng three years since Japanese ang tatay n'ya, while ang kapatid ko naman ay ang nanay n'ya."
Japanese pala, kaya pala ang cute ng mata. He's very pale too and his cheeks was rosy red in that picture, he's smiling that's why his dimples was showing. Kung ganito s'ya kacute noon, ano pa kaya ngayon?
"Kaya 'yung language talaga doon ang kinamulatan ni Koji at dahil doon... nahirapan kaming kausapin s'ya noong una. Wala naman kaming choice dahil responsibilidad namin ang kupkupin s'ya. Noong medyo tumagal, natututo na s'yang mag tagalog at akala namin magiging... maayos na." Kwento pa ni Sir, tumango-tango naman kami.
"Pero hindi." Mas naging tutok kami sa pakikinig sa kaniya. Ewan ko na lang kung nakikinig ba si Red. Feeling ko hindi, e. Maiiyak kasi s'ya for sure.
"He's trying to fit in naman siguro, baka late lang matuto?" singit ni Taslan. S'ya naman 'yung tipong magaling sa asaran pero maaasahan mo pa rin pagdating sa mga seryosong bagay.
"Yes, noong una, he's really trying and I can see it. Not until dumating na 'yung adolescence stage n'ya. He.... he tried to commit suicide, many times." He said.
I cleared my throat when I heard that since I'm really sensitive about this kind of topic because of some reason. Ramdam kong tinapik ako ni Red sa likod.
"And hindi n'ya sinasabi 'yung reasons n'ya. Kapag tinatanong naman namin s'ya, nauuwi lang sa malalang away dahil sa way at tono n'ya kung sumagot."
"So para mas mabantayan mo s'ya o magabayan, sa amin mo s'ya ibibilin while you're fixing our problem sa club?" Math asked and Sir nods immediately while playing with his beer.
Well, imagining him as a cute boy with a rude personality. Should I expect that to him already? Bumabase lang naman ako sa kwento ni Sir. Baka naman sumagot sagot s'ya sa akin.
"Ibinilin s'ya ni Mommy sa akin dahil baka kailangan lang daw ng new environment para matutong makipag-usap ng maayos. Gaya nga ng sabi ko, kahit sa amin hindi s'ya umiimik masyado at wala nga kaming alam tungkol sa kaniya. Birthday at favorite color lang yata ang alam ko sakaniya, e." Nag salin si Sir ng beer sa baso n'ya habang patango-tango kaming umiinom.
"Strict ba family mo?" I asked at saka ko inilapag ang drinks ko sa mesa. I lick my lips while playing my bracelet in my left hand with using my thumb on my right hand. It's just a random habit.
"My mom is very strict, hindi lang sa akin at sa ate ko, kung hindi pati na rin sa mga pamangkin ko. Gustuhin ko man na ako mismo ang mag bantay sa kaniya, may trabaho rin ako. Kaya I decided na sa unit ko nalang kayo titira kasama s'ya para kung sakaling bibista man si Mommy sa unit ko, atleast nandoon siya. While ako, nag tatrabaho at tinatrabaho ang pag balik n'yo, ayos ba 'yon?" Dagdag pa ni Sir Anton kaya nagkatinginan kami.
Mas malapit kasi 'yung unit n'ya sa centro kaya advantage rin sa amin iyon. Pabor na rin sa amin na maganda 'yung condo n'ya.
"What's his name?" Tanong ni Math sabay inom ng beer. I already heard his name from Sir Anton, but I immediately forgot what is it.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 1
Start from the beginning
