"He never open up with someone, and kahit sa amin ay minsan lang s'ya makipag-usap." Dagdag n'ya.
Nagkasalubong ang mga kilay ko at napaisip. I don't get it. Baby pa ba 'yung pinag-uusapan namin dito?
"His pics," sa kuryusidad ay himingi ako ang picture ng pamangkin n'ya para makita namin.
Mabilis n'ya namang kinuha ang cellphone sa kan'yang bulsa at kinalikot iyon, habang kami naman ay tahimik na nag-hihintay.
Nang ilapaag n'ya sa table ang kan'yang cellphone ay mabilis kaming tumayo para tignan iyon, pati si Drei ay lumapit na rin. Itinigil n'ya pa talaga ang paglalaro para maki-chismis, ha. Nakakahiya naman, so much effort.
I automatically grinned when I saw his nephew's photo. He's a literally a baby, a cute baby with his blue backpack and his cute bangs with a hairclip.
Pero hindi ko parin gets. He looks like three. Pero anong meaning ng hindi nag o-open up? Nag be-breakdown na ba agad ang mga three years old ngayon? Bakit? Walang gatas?
"So ano gagawin namin d'yan? paliliguan, pupulbuhan, at ihahatid sa elementary school? 'Yun lang ba?" Seryosong tanong ni Red na nakapagpakunot ng noo ni Sir.
Mas nagpagulo pa sa pagkakaintindi ko ang ekspresyon n'ya na parang si Red pa ang mali.
"Huh? Elementary School?" Nag tatakang tanong ni Sir habang napapakamot sa kanyang batok at itinagilid pa talaga ang ulo para tignan ang picture ng pamangkin n'ya.
Hindi yata s'ya sure kung pamangkin n'ya ba 'yung nasa pic. Baliw.
"Oh bakit? Nag tatrabaho na ba 'yan?" Biro pa ni Taslan kaya napa-hagikhik si Math sa tabi ko.
"No!" Giit ni Sir, "College na s'ya this year."
College? Ayos. Sabog yata 'to si Sir. O baka ako lang ang sabog.
"Ang gulo mo naman! Ngayon mo pa talaga kami pinaglololoko!" Agad na binatukan ni Taslan si Sir na normal lang naman sa amin.
We have the same reaction, because how will the three year old baby will go to college this year? Maagang namulat ang datingan.
"I'm not joking! Papasok na s'ya sa first year sa college, he looks young but he's college already." Pagpupumilit n'ya pa kaya mas nagkasalubong ang mga kilay ko habang umiinom ng beer.
"Pero baby pics n'ya lang kasi ang meron ako." Agap n'ya kaya naman agad na bumagsak ang reaksyon namin.
Kaya pala ang gulo kasi s'ya ang magulo.
"Umuwi ka na nga! Parang tanga." Biro ni Math na agad naman na natawa sa narinig n'ya. Professor pero sabaw din minsan.
Kinuha n'ya ang cellphone n'ya at inilagay na ulit iyon sa kan'yang bulsa. Mabilis na naging seryoso nanaman ang mukha nito. Grabe ang mood swings, hindi na swing 'to vikings na.
"I'm serious here, I want you guys to watch him since gusto ko na s'yang i-transfer sa university natin." Ramdam namin ang lungkot sa kung papaano n'ya iyon sinabi.
Napabuntong hininga kami habang hinihintay pa ang mga sasabihin n'ya, parang naging concerned kami bigla at natahimik na lang.
"Bakasyon na rin naman s'ya ngayon, hinihintay lang namin na matapos ang school year sa university natin and saka ko s'ya i-enroll." Pagpapatuloy ni Sir.
Napasinghap ako, mag sesecond year na pala kami. Parang kailan lang para kaming mga uhugin na nag mamaka-awang isali sa music club, sobrang sikat kasi nito noon, e. Kaya kahit basagulero ako noon, pinilit kong magbago para lang bumagay sa kanila.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 1
Start from the beginning
