Bukod sa mahangin ay mahina pa ang pagkakasabi n'ya kaya parang utot lang 'yun. Natatawa naman si Sir na nasa tabi n'ya habang umiiling pa.
"Ano raw?" iritadong tanong ni Taslan na nag sasalin ng beer sa kan'yang baso.
"Hindi mo narinig?" Tanong ni Math at nakipag cheers sa kaniya, "Ako rin."
Humagalpak kami at nag hampasan ng balikat. Heto nanaman at gagawing pulutan si Galdrei.
"Sabi n'ya, hesachapanindas." Pang-gagaya ni Red sa kung ano lang ang pagkaka-rinig namin.
Nag tawanan kami at sabay-sabay na napahawak sa tiyan habang si Drei ay halatang nagtataka sa pinag-uusapan namin.
Sumenyas naman ng cheers si Sir Anton kaya nakipag cheers kami sa kaniya sa ere dahil malayo din s'ya sa amin. Alangan namang ibato namin 'yung baso? Ang weird naman kung gano'n.
"Bakit hindi mo naintindihan 'yung sinabi n'ya?" Sigaw ni Sir kay Taslan habang itinuturo si Drei.
At talagang bumwelo pa si Taslan bago sumagot. "English kasi,"
Humagikhik kami sa sagot niya. Lahat naman kami ay marunong magsalita ng English rito, pero si Drei ang madalas naaasar dahil sa British accent niya, at madalas ay si Taslan ang pasimuno sa panga-ngantyaw.
Drei just showed up his middle finger before he continues whatever that mobile game is, hindi rin s'ya umiinom ngayon at wala yata sa mood.
Sa kalagitnaan ng tawanan ay natahimik nanaman kami, parang may dumaang anghel at napawi ang ngiti naming lahat kasabay ng malakas na hangin. Parang pinaalala sa aming lahat na hindi kami pupwedeng mag-saya ngayon.
"Ano nga pala 'yung.... kondisyon?" Math asked out of nowhere. Parang kanina n'ya pa gustong itanong iyon, nagpipigil lang.
Halos nakalimutan ko na 'yung tungkol doon, may condition nga pala. Nag lakad si Sir papalapit sa amin habang hawak-hawak nito ang baso n'ya, sumandal sa sliding door at tumingin sa kawalan.
"It's..." Hindi n'ya maituloy iyon at parang nag-hihintay pa ng magandang tyempo.
Lumingon kaming lahat sa kaniya habang hinihintay ang kaniyang sasabihin. Nang biglang nag-play si Taslan ng sad music background. Pa-epal.
"Bwiset ka talaga kahit kailan!" Bulyaw ko rito habang pinipigilan ang sarili na hilahin ang buhok n'ya. I gritted my teeth as I'm trying to fight the demons on my head.
"Panira amputa!" Si Math naman na seryosong naka-abang sa sasabihin ni Sir at halos batukan na si Taslan gamit ang baso.
Pinipigilan namang tumawa ni Red para hindi masira ang mood at baka s'ya ang mabatukan.
Medyo matagal na nag isip si Sir Anton kung sasabihin n'ya ba iyon o hindi, pero s'yempre, ending no'n ay sinabi n'ya pa rin sa pinaka magandang paraan.
"Can you watch my nephew for me?"
Matagal naming pinroseso ang sinabi n'ya at medyo magulo kung iisipin. Loko! Pag babantayin pa yata kami ng bata?
Sabay-sabay kaming tumalikod at humalakhak, lalo pa kaming natawa sa tawa ni Taslan na talagang nakaka-asar. Parang kabayo na tambay sa BGC, nakaka-asar pero swabe pa rin.
"Boys, seryoso ako." Asar na nag dabog si Sir sa kina-tatayuan nito. Wow! Parang bata kung mag dabog? Parang hindi soon to be thirty.
Natatawang umakbay sa kaniya si Taslan pero mukhang seryoso talaga s'ya. Akala ko naman kung ano. Magiging baby sitter lang pala kami?
"'Yun lang ba? That's pretty... easy." natatawang sagot ni Math habang pumipikit-pikit pa, pinipigilang humalakhak.
"I'm serious guys. Kailangan ko ng magbabantay sa pamangkin ko." Sir Anton said it in a very serious tone, so we immediately fixed our posture and cleared our throat.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 1
Start from the beginning
