"Pero kumakain na rin naman sila?" Itinuro ko ang mga ito pero pabirong nag takip ng tainga si Math.
E, kung sikuhin ko 'to sa leeg? Papayag 'to?
"Shh! Mag set ka nalang ng table sa terrace." Inutusan pa ako? Kanina pa ako nagugutom.
"Bakit?" Dismayadong tanong ko habang kinakamot ang ulo mula sa likod.
"Anong bakit? Hindi ka iinom, ha! Sige bahala ka—"
"Bakit ako? Mas matatanda pa sakin 'yang mga 'yan , e!" Asar na agap ko rito habang nag dadabog sa mini kitchen n'ya.
Tapon ko kaya 'tong mga appliances n'ya sa terrace?
"Hayaan mo na, mas matangkad ka naman." Sagot n'ya sa pagaakalang mauuto ako. Ngumuso ako at masungit na tumingin kay Math habang marahas na kinakamot ang batok.
"Mag-set ka na ng table, bilisan mo!" Pag-uutos pa nito kaya umirap lang ako at padabog na pumunta sa sliding door patungo sa terrace.
Bago pa man ako makalabas doon ay pinakitaan ko ng middle finger si Math at muntikan n'ya na akong batuhin ng frying pan.
Kaya nasasanay at nas-spoiled 'tong mga 'to kasi masyadong bini-baby, e. Tapos ako 'tong mas nakabababata sa kanila... ako pa madalas mag paraya. I mean, hindi naman bigdeal 'yon dahil 'yon na talaga ang culture namin pero kasi... gutom na ako! Tang inang 'yan.
Nang makapag set up na kami ng table sa terrace, nag insist naman si Taslan na s'ya na lang ang bibili ng drinks sa baba kasi alangan namang ako pa? Awa na lang.
Hinintay nalang namin s'ya sa terrace habang nakaupo at nagpapahangin, bawal magsimula kapag wala ang isa, e. Pero may naunang kumain, dalawa. Madaya!
Dumating naman kaagad si Taslan bitbit ang isang case ng beer kaya nag simula na rin kami, at sa wakas ay pinayagan na akong kumain ni Math. Gusto n'ya raw nang sabay-sabay, pero may mas nauna ng dalawa. Didibdibin ko talaga 'to, habang buhay!
Tahimik kaming kumakain habang inaayos ni Drei ang mga pulutan at drinks sa table, si Red naman ay kumukuha ng mga pictures at video since maganda ang view mula sa terrace. Idagdag pa ang mga inilagay na maliliit na light bulb ni Math. Mahiling talaga s'ya sa mga ganitong bagay, design doon, organize dito. Kaya nakaka-kalma rito sa condo n'ya. Sa unit ko kasi... ewan ko nalang.
Nag kwentuhan kami tungkol sa mga nangyari at nag inuman na rin. Napadpad naman ang topic namin sa music club. Mabigat na paghinga ang pinakawalan namin nang umabot na kami sa ganoong usapan.
Knowing na sobrang hirap muna ng dinanas namin para lang maka pasok sa club, but suddenly pinabayaan na ng school.
"Feeling ko talagang pinagkakaisahan tayo ng ibang clubs, i can smell it." Math gritted his teeth while playing his cup. Pinapatunog n'ya pa ang yelo sa loob ng baso.
"I agree." Si Red.
Umismid naman ako. Nakakainis talaga 'yung kalbo na 'yun. Kaunting kiliti n'ya pa sa akin, baka masabunutan ko na s'ya.
"Alam n'yo kanina, noong wala pa si Kenji sa loob ng office, hindi naman sila nag-uusap-usap tungkol sa club natin, e. Mukhang display lang 'yung mga teachers na pinapasok n'ya sa loob." Dagdag pa ni Red habang kumukuha ng pictures ng mga inumin. Ang tagal matapos ng photoshoot, kanina pa ako iwas ng iwas sa flash.
Pero tama nga and sinabi n'ya. Wala naman silbi 'yung mga teachers kanina sa loob ng office. Ni wala ngang kumampi sa amin. Pinagkakaisahan talaga kami, at mukhang si panot pa ang leader sa pagpapatalsik ng club namin.
Sumagot si Drei sa sinabi ni Red pero nasa dulong bahagi s'ya ng terrace at parang naglalaro ng mobile games. Nagkasalubong naman ang mga kilay namin dahil hindi namin ito narinig.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 1
Start from the beginning
