It's already four pm, napagpasyahan naming bumalik na muna sa school para mag bihis at nandoon pa ang mga gamit namin sa locker. Pagkatapos naming mag bihis ay dumiretso na kami sa condo ni Math na medyo malapit lang naman. Isa pa, may kotse naman si Sir, e.
I bit my lip and knock at Math's door, and guess what? Maingay na agad sa loob. I smiled knowing that it's just Taslan who's inside, nagaaway nanaman sila.
"Knock knock!" I shouted while knocking on the door. Kumakatok na sinisigaw pa.
I heard Red and Drei are beefing again at my back. They're arguing kung ang tawag daw ba sa anak ng taong grasa ay baby oil.
My God this circle! Ako lang yata at si Math ang kalmado. Well, Wesley is the most calm pero hindi na namin masyadong nakaka-sama since senior high school pa lang s'ya.
Pinagbuksan naman kami agad ni Taslan na malawak ang ngiti. Nag-uunahan pang pumasok ang dalawang loko. Of course nag pahuli nanaman kami ni Sir, alangan namang makipag-unahan pa kami sa mga 'to.
Nang makapasok ay dumiretso ako agad sa mini kitchen dahil naroon si Math, nag luluto ng pagkain. I rolled up the sleeves of my shirt when I saw the ham on the other side, already sliced with samples, and decided to continue slicing it.
"Ano nanamang pinag-aawayan n'yo kanina bago kami kumatok?" tanong ni Sir Anton habang nakadiin ang mga palad sa mesa sa mini kitchen at naka-harap kay Math.
Taslan just laughed, he's now with the two idiot rumbling on the living room. Ang kukulit talaga kahit kailan at wala na ring pinipiling lugar. Kahit siguro papuntahin namin sila sa mga seminar na dapat ay tahimik lang, baka mag-wrestling pa rin sila ro'n.
"Math said he wants spaghetti with rice tonight, pero gusto ko ng carbonara." Taas noongn sagot ni Taslan na nakaupo sa tabi ng dalawang nag re-wrestling kaya medyo naaalog s'ya ng mga ito.
Patago n'ya rin namang hinahampas sila Red sa batok kaya rinig ko ang pag-aray nila.
Kaya pala may ham, nanalo nanaman sa debate 'tong si Taslan. Sabagay lahat naman kami ay gusto ang kahit ano't basta luto ni Math, at lalo na ang carbonara. But sometimes Math have some strange cravings and natural 'yon sa kaniya. May eating disorder kasi.
"Nanalo nanaman si Taslan, kaya carbonara nanaman ang kakainin natin ngayong gabi. Carbonara namaman." Natatawang sabi ko habang hinihiwa ang ham na parang ayaw ko pa sa kakainin namin ngayon, kahit gusto ko rin naman.
"Hindi nanaman ba nakapalag ang buntis?" Humagalpak kami sa biro ni Sir.
Buntis kasi 'yung pang asar namin kay Math dahil sa mga random cravings n'ya.
"Nakakatawa 'yun?" Matapos tumawa ay nag panggap na galit si Math at pinagtututuro kami ng sandok.
Humagalpak pa kami lalo nang naglagay pa si Red ng unan sa loob ng shirt n'ya at nag panggap na buntis. Mapang-asar pa s'yang dumaan sa harapan ni Math na agad naman n'yang hinagisan ng sandok sa ulo.
Ipinag-patuloy na namin ang ginagawa hanggang sa matapos na iyon at maluto na. Tang ina, nakaka gutom pero kalma lang dapat ako at hindi pupwedeng mahalata na masiba ako.
Pero gusto ko na kasing kumain! Gutom na ako, e! Dalawa lang 'yan, maghihintay ako o palalayasin ako ni Math.
Sinibukan kong sumandok ng carbonara pero tinatapik ni Math ang kamay ko.
"Tang inang 'to! Bakit ka mauuna?" Tinatakpan n'ya ang bowl kung saan nakalagay ang carbonara na para bang nanakawin ko iyon anytime. Parang shunga lang.
Ngumiwi ako at lumingon kila Red at Drei na nasa sala, and guess what?
Kumakain na ang mga walang naitulong!Ayos din talaga, kapag ako bawal?
ESTÁS LEYENDO
Go Through The Spark (Red String Series #1)
De TodoA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 1
Comenzar desde el principio
