Chapter 34

56 12 4
                                    

Chapter--34: Knowledge of the past

“Elli, dumating na ang araw upang magpaalam tayo sa Kaharian.” Malalim at taimtim na sambit ng binata. Umaalon pa ang kulay pilak nitong buhok dahil sa pag-bugso ng hangin. Nakatingin din ang pulang pares ng kaniyang mata sa dalaga sa mga sandaling iyon. “Handa ka na bang makita ang totoo nating kaharian? Ang ilan sa ating mga pamilya?”

Bilang tugon, ngumiti nang matamis ang dalaga. Tumango siya bilang kaniyang pag-sang-ayon. “Gusto ko na ring makita ang lugar kung saan ako isinilang ni Ina.”

Mula sa araw nang magsimulang magsanay sila Allastor at Elli, ang apat na buwan ay lumipas na. Nangangahulugan lamang ito na kailangan na nilang bumalik sa kanilang totoong tirahan, ang Uzuri's Forest.

Maraming nangyari sa buwan na iyon. Hindi lang naging malapit sa isa't isa ang mag-ama, bagkus ay pareho rin silang lumakas nang husto! Ang Adamant-rank noon na si Allastor ay ibang-iba na sa Allastor ng kasalukuyan! Kahit nga ang kaniyang anak na si Elli ay ibang-iba na rin sa Elli ng nakaraan! Parehong mabigat at matindi ang kanilang presensya.  Siguradong kung mayroon mang Mystic-rank na papakiramdaman ang kanilang presensya ay siguradong ikagugulat nito ang kaniyang mararamdaman! Ito ang epekto ng mabilis na paglakas ng dalawa dulot ng kanilang mataas na lebel ng Natural Skill[Glow].

Maraming nangyari sa buwan na iyon, ilang araw ding namalagi sila Allastor at Elli sa Frimo-kingdom upang ayusin ang ilang mga bagay.

Ang unang ginawa ni Allastor ay sinabihan niya ang Hari ng Frimo patungkol sa totoo niyang tahanan. Sunod ay muli niyang pinuntahan ang pamilya ni Paprino na nasa tahanan ng Bampirang si Delluxe --- gamit ang kaniyang [Curse-reversal] magic na ngayon ay isa nang [High Appraisal Ex], madali niya lamang na tinanggal ang sumpa ng Espagazora beast kila Vync, Shaine at Ellysha --- dahilan upang bumalik na ang mga ito sa dati nilang laki.

Lumipas pa nga ang ilang araw at dumating na ang araw na kinakailangan nang magpaalam nila Allastor sa kaharian. Handa na silang bumalik sa totoo nilang tirahan. Pero, bago umalis si Allastor sa Frimo Kingdom, gamit ang kaniyang skill na [Copy-enherit], ipinasa niya muna sa Mahal na Hari ng Kaharian ng Frimo ang ilan sa mahahalaga niyang skill, ang [Higher-glow Ex] at ang [Higher Entity-Telephaty EX]. Katulad kay Elli ay hindi rin natanggap ng mahal na hari ang buong lebel ng [Glow], kaya naman imbis na [Higher glow Ex] ang kaniyang matatanggap, [Higher glow] lamang ang kaniyang nakuha. Ganoon din ang nangyari sa iba pa niyang mga nakilala at naging kaibigan sa kaharian ng Frimo, ipinasa niya rin kila Paprino, Vync, Shaine, Ellysha, Delluxe, Lynn, at sa apat na testing fighters ang kaniyang mahahalagang skill. Ginawa niya ang bagay na iyon bilang paghahanda sa pag-atake ng mga Demon-nation. Ganoon din ang gustong gawin ng binata sa oras na maka-uwi na siya sa Uzuri's forest --- nais niya ring ipasa ang kaniyang mahahalagang skill sa lahat ng nandoroon.
---

Matapos pa ang ilang araw na paglalakbay, ngayon ay nakarating na rin ang mag-ama sa Uzuri's forest.

Sa unang tapak pa lang ng Paa ng binata sa kagubatan ay gumuhit na agad ang saya sa kaniyang Labi. Ganoon pa man, agad ding nawala ang ngiting iyon nang maalala niya ang mga alaala nila ng pumanaw na kasintahan. Tumingin siya kay Elli na mayroong nangungusap na ekspresyon. Ngumiti siya sa kaniyang anak na para bang sinasabing ‘Ayos lamang siya.’

Nagpatuloy sa paghakbang patungo sa malalim na parte ng gubat ang mag-Ama. At habang patuloy at taimtim ang kanilang mga paghakbang, pumikit si Allastor upang pakiramdaman ang mga presensya sa buong kagubatan. Habang nakapikit pa rin, agad na nanginig ang dalawang mata ng binata at napamulat!

“Ama? May probleblema ba?” Inosenteng tanong ni Elli sa binata habang bakas sa kaniyang mata ang pag-aalala. Pero, wala ni isang tugon siyang natanggap.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now