Chapter 28

53 10 3
                                    


----------------------------------------
Chapter--28: A cold Past

"Isa na namang kakaibang request pagkatapos ng pag-aalaga ng bata noong nakaraang linggo?"

Isang matandang adventurer suot ng simpleng kasuotan ang agad na nag-wika. Nakapatong lamang sa kaniyang balikat ang kaniyang malaking palakol habang binabasa ang kakaibang quest mula sa Quest-board ng Adventurer's guild.

"Hmm... Mukhang nitong mga nagdaang araw ay dumarami na ang mahihirap na quest. Marahil ay gawa rin ito ng balita na nai-promote na si Captain Pap-C sa SS-rank adventurer tatlong araw na ang nakalilipas." Kumento naman ng isa pang matanda suot ng mabibigat na mga baluti.

Bilang tugon, iniling ng Matanda na mayroong simpleng kasuotan ang kaniyang ulo, "Hindi lang ang bagong ranggo ni Captain Pap-C ang mainit na balita ngayon sa buong Adventurer's guild, maging ang maalamat na White-swordsman din. Siguradong ang pagdating din ng kakaibang Adventurer na 'yon ang dahilan sa pagdagsa ng mahihirap na Quest..."

"White Swordsman..."
------

Isang magandang umaga na naman ang dumating. Mula sa malayong dako, ang mga mamamayan ng maliit na kaharian ng Frimo ay makikitaang suot-suot ang matatamis na ngiti mula sa kanilang mga labi. Karamihan sa mga mamamayang ito, ang pagtitinda ng mga kasangkapan at kagamitan sa pakikipag-laban ang pangunahin nilang pinagkaka-abalahan. Sa totoo nga niyan ay masaya sila tuwing sasapit ang umaga. Sa ganitong oras din kasi dumaraan sa kanilang tindahan ang pangunahin nilang mamimili, ang mga Adventurers.

"Narinig niyo na ba ang balita patungkol sa maalamat na White-swordsman?"

Isang naglalakad na Adventurer ang nagbukas ng diskuyon. Suot ng mga baluti na gawa sa matibay na tela, silang apat ng kaniyang mga kasama ay patuloy lamang na naglalakad sa gitna ng pamilihan.

"Hmm... Naririnig ko lamang sa iba na tumapos siya ng isang Diamond-rank creatures sa loob lamang ng ilang-segundo, ngunit hindi ko pa rin magawang maniwala na lang basta-basta."

"Heh. Marahil ay pakulo na naman iyon ng pamunuan ng Adventurer's guild."

"Makikita niyo! Kapag nakita ko ang White-swordsman na iyon, paiiyakin ko siya!"

Patuloy lamang sa pag-uusap ang apat habang naglalakad. Tuwing umaga ay dumaraan sila rito upang tumungo sa Adventurer's guild at gumawa ng kinagawian nilang tabaho, ang pagtanggap ng mga quest.

Sa kabilang banda, isang binata suot ng mahaba at puting kasuotan ang lumampas sa grupo ng apat na Adventurers. Mayroon itong kulay abong buhok at pares ng pulang mata. Naririnig niya ang usapan ng apat, ganoon pa man, ngumiti lamang siya sa kaniyang mga naririnig at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

"White-swordsman? Mukhang hindi na rin masama ang titulong iyon para sa akin.", kibit balikat na lamang na usal ni Allastor. Tama, si Allastor at ang maalamat na White-swordsman ay iisa lamang!

Limang araw na rin ang lumipas simula nang maging isa siyang opisyal na Adventurer ng Frimo Kingdom. Sa loob ng mga araw na iyon ay madali lamang siyang naka-kuha ng kasikatan, kasama na nga roon ang pagkamit niya ng titulo bilang ang White-swordsman. Pero kahit na kilalang-kilala na ang pangalang White-swordsman sa buong Adventurer's guild, kakaunting bilang pa lamang ng mga Adventurer ang aktuwal na nakaka-kilala sa kaniya. Hindi na rin naman nagtataka roon si Allastor sapagkat limang araw pa lamang naman siyang nag-ta-trabaho bilang isang Adventurer. Siguradong sa hinaharap, matapos ang ilang mga buwan, ang kaniyang mukha at pigura ay tatatak na at madali lamang din na makikilala sa buong kaharian.

Sa kasalukuyan, patungo ngayon si Allastor sa lokasyon na ipinahihiwatig ng kaniyang kliyente mula sa kayumangging Papel. May kinalaman kasi ang pag-punta niya rito sa isang request na kaniyang pinili kanina mula sa Adventurer's guild's quest board.

Allastor Frauzz(Raw Version)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu