Chapter 17

34 10 2
                                    

-----------------------------------------------------------
Chapter--17: The book of Truth?

sa loob ng Misteryoso at hindi kilalang Kuweba, kung saan ang kuwebang ito ay lingid sa kaalaman ng iba ay matatagpuan ang Grupo na binubuo ng limang nilalang ang namamalagi rito...ang mga nilalang na ito ay ang Misteryosong mga Nilalang na pinamumunuan ng Makisig na Elf na nagnga-ngalang Droquillon. habang sa tapat naman ng Elf na si Droquillon ay ang Apat na mga Nilalang na Naka Pula, Asul, Puti at itim na talukbong.

habang tahimik sa Loob ng Kuwebang ito ay agad na nag wika ang nilalang na si Droquillon at Tumigil ang kaniyang paningin sa naka Pulang Roba,

"Fistto, napag alaman ko ang balitang Mayroong Orcblood Golem na nagtataglay ng materyales na may kakayahang mapalakas ang isang Natural Skill... kung makukuha mo ang bagay na iyon ay mapapalakas mo pa ang iyong Yi at tataas ang Tyansa nating manalo sa mga Moonlight Tribes... Ang isa pa, siguradong magiging madali lamang ang makapunta sa Lokas'yon ng Orcblood Golem para sa'yo dahil matatagpuan lamang ang Golem na ito sa Misty Cave." Utos ng kanilang pinunong si Droquillon sa nilalang na naka suot ng pulang Roba.

"Talagang ibibigay niyo sa akin ang ganoon-kahalagang bagay, pinuno?!"

Nagnining-ning ang mga mata ni Fistto habang sinsabi ang salitang iyon.

"Heh. Sa pagitan niyo nila Rezmuz, Saphiro at Nucleon, ang iyong Yi lamang ang hindi pa umaapak sa pangalawang ranggo." Tugon ni Droquillon. Tumalikod siya dala ang taimtim niyang ekspresyon at humakbang ng dalawang beses, "Kaunting panahon na lang din ay makaka-tapak ka na sa Adamant-rank, ngunit hindi ba't mas magandang maka-tapak din ang iyong Yi sa susunod na lebel?"

Pagkatapos na sabihin iyon ay ipinagpatuloy na ni Droquillon ang paghakbang patungo sa dulo ng kuweba.

"Naiintindihan ko pinuno. Magiging mas malakas pa ako." Ani Fistto. Payapa siyang ngumiti sa lumalayong pigura ni Droquillon. At ilang saglit pa, ang kaniyang pigura ay agad ding naglaho.

Sa kasalukuyan, si Fistto ay patungo na sa Misty cave gamit ang napaka-bilis niyang pagkilos.

***
isang mapayapa at Mahalimuyak na umaga na sa Kagubatan ng Uzuri. napaka sarap sa tenga ng mga Huni ng Ibon...andiyan na rin ang mga Tawanan at pagkakasiyahan ng Mga Batang Elf na masayang naglalaro.

talagang wala ng Mas gaganda pa sa tanawing ito na tila ba'y sinadyang Gawing Perpekto ang pagkaka gawa sa parte ng kagubatang ito ng Uzuri...

sa kabilang banda naman kung saan ang lugar na ito ay malayo sa kabahayn ng mga Elf ay makikita ang Matandang si Zulruack na Naka upo sa sahig na berde...napupuno ng Berde at sariwang damo ang kaniyang Inuupuan. mayroon ding animo'y maliliit at mababangong bulaklak na nakatanim dito...ilang sandali pa ay bigla na lamang nahiwagaan ang Matanda. tila mapatayo siya sa kaniyang inuupuan dahil sa kaniyang nakikita at mahinang sinabing, "Mahal na Hari!".

kahit na malayo pa ang Binatang si Allastor sa kaniyang paningin ay hindi siya maaaring magkamali sa kaniyang nakikita... kilalang-kilala niya ang pigura ng binata, at kahit na sampung beses pang Mas malayo ang binata sa kaniyang kasalukuyang distansiya ay malinaw pa rin itong malalaman ng kaniyang gurong si Zulruack.

Ilang saglit pa'y Tuluyan ng nakalapit ang binata sa kaniyang Guro... ang masayang mga mata ng Matanda kanina'y mabilis na napalitan ng pag-aalala...naguguluhan siya sapagkat ang Pang Itaas na baluti ng binata ay nagkasira-sira na...at ang mas lalo pang nagpalala sa kaniyang pangangamba ay ang Enerhiyang inilalabas ng binata.

maya-maya pa'y agad na ngumiti si Allastor sa kaniyang Guro at sinabing...

"Master Zulruack!... Nagawa k--"

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now