Chapter 24

46 14 0
                                    

Chapter--24: Protection

“Ang mahal na reyna, manganganak na! Mangangak na!”

Para bang huminto ang mundo ni Allastor nang marinig niya ang nag-aalalang sigaw ng babaeng Elf na iyon. Iniling ni Allastor ang kaniyang ulo at dali-daling tumungo sa gusali kung nasaan ang kaniyang kasintahan na si Uzuri. Maraming nagkukumpulan na mga Elf sa palibot ng gusali, at lahat sila ay makikitaan ng pag-aalala sa kanilang mga mata.

Dali-daling hinawi ni Allastor ang mga Elf, at dahil sa dami ng mga ito ay umabot din siya ng mahabang minutk bago niya marating ang pintuan.

“Allasto--- mahal na hari!” May pagkagulat na bulalas na lamang ni Zulruack na binabantayan ang pintuan ng gusali ni Uzuri. Gayunman, kahit isang sagot ay wala siyang nakuha kay Allastor, tanging ang nag-aalalang mata lamang nito na may halong galit ang tumugon kay Zulruack... Dahil dito ay binuksan na lamang ng matandang Elf ang pinto para kay Allastor.
---

Mabilis ang naging paggalaw ni Allastor at madali niya lamang na narating ang pinaka-mataas na palapag ng gusali kung saan naka-puwesto ang kuwarto ng Heavenly Elf. Nakarating na siya sa tapat ng pintuan ng silid ni Uzuri, gayunman, naging mabigat at nabagal ang kaniyang paghakbang. Nalulungkot siya ngayon, sobrang nalulungkot. Hindi niya maatim ang nangyayari sa kaniya. Ang kaniyang dating anak na si Luna ay wala na rin, at ngayon, maging si Uzuri ay kukunin na rin sa kaniya. Talagang ngayon ay hindi niya matanggap ang riyalidad. Napa-kuyom na lamang ang kaniyang kamao habang lumalapit pa sa pintuan ng silid.

*Creeek*

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan, dahilan upang sumilip ang isang eksena na sandaling tumanggal sa kaniyang malungkot na nararamdaman. Naka-tingin ngayon sa kaniya ang isang maliit na sanggol, at matamis ang ngiti nito. Ang inosente nitong mga mata, maliit na ilong at maliliit na mga bisig --- lahat ng ito ay nakakahalina sa paningin. Para bang naka-tingin ngayon si Allastor sa maliit na kopya ni Uzuri. Kamukhang-kamukha rin kasi ng dalaga ang munting sanggol.

Gayunman, hindi rin masyadong nagtagal ang bugso ng damdamin niyang iyon. Lumingon siya sa dalagang naka-alalay sa sanggol, at muli, ay agad na bumigat ang kaniyang damdamin. Isang matamis na ngiti ng dalaga ang sumalubong sa kaniyang pares ng mata, pero isang mabigat na pag-iyak lamang ang isnukli rito ni Allastor. Dali-daling lumapit si Allastor kay Uzuri, at mabilis itong hinagkan. “Nakauwi na ako, mahal ko.”

Yumapos din naman pabalik si Uzuri kay Allastor,“Masaya akong makitang maayos ka, Allastor, mahal.”
---

Maraming nangyari sa mga sandaling iyon, ang sandali at ang huli na rin nilang pagkikita. Nasabi na nilang dalawa ang lahat sa isa't-isa, kasama ng isang malungkot na paalam. At ngayon, ang nanghihinang dalaga ay nakahiga na sa bisig ni Allastor, hinawakan ng dalawang palad ni Uzuri ang pares ng pisngi ng binata. Ganoon pa man, dahil sa kawalan ng lakas, nawalan na rin ng gana ang kaniyang mga palad at dahan-dahan na itong dumudulas sa pisngi ng binata.

“I...Ikaw na ang bahala sa Anak natin, mahal ko”. Ngumuti muli ng matamis si Uzuri kasabay ng pagtitig niya sa mata ng binata, “Mahal kita.”

Pagkatapos ng salitang “Mahal kita.” na noon ay isang matamis na musika sa taenga ng binata ay ang siyang pag-pikit din ng pagod na mga mata ng dalagang elf.

“Mahal din kita Uzuri, mahal na mahal...” Pahina nang pahina na aniya. Hindi na mapigilang tumulo ng nangingilid na luha sa mata ni Allastor at muli niyang niyapos ang katawan ng dalaga. Gayunman, hindi nagtagal ang pagkakayakap niyang ito. Habang tumatagal kasi ay nagiging mga piraso na lamang ng basag at umiilaw na salamin ang katawan ng dalaga --- naghihiwa-hiwalay ang mga ito at lumilipad sa iba't-ibang direksyon.

Napa-upo na lamang ang walang ganang katawan ni Allastor sa kama matapos ang sandaling iyon. Ilang saglit pa...

“Waaa, dada!” Nilingon ni Allastor ang inosenteng titig ng nakangiting sanggol sa kaniya at sinuklian niya rin ito ng ngiti. Dahan-dahan niya itong binuhat at inilapit sa kaniyang dibdib.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now