Chapter 33

47 12 2
                                    

Chapter--33: The Chief of the Moonlight Tribe

Mula sa berde at sariwang kagubatan, isang Matandang taong lobo ang makikitang naka-upo sa Kahoy na trono. Nakasuot ito ng magagarang mga baluti na gawa sa Osborne-iron, isa sa pinaka-matitibay na metal sa mundo ng Illunor. Dahil sa katandaan, syempre ay maraming laban na rin siyang napag-tagumpayan. Mahahalata mo iyon sa samu't saring mga peklat sa kaniyang buong katawan.

Sa kaniyang unahan, doon ay ang matipunong Taong-lobo. May tanong ang taong lobo na ito sa paraan ng kaniyang pagtitig sa matanda mula sa kahoy na trono. At nang sumenyas na ang matanda, ang matipunong taong-lobo ay nagsimula nang magwika.

“Pinunong Melc! Ipag-paumanhin niyo po ang hindi namin pag-papapaalam sa iyo!” Nakapikit at taimtim na sambit ni LionHeart. Ilang segundo rin siyang naka-pikit, pero, nang magsalita na ang matandang taong lobo mula sa kaniyang unahan ay agad siyang napamulat at napataas ng kilay.

“Alam ko nang nanggaling kayo sa teritoryo ng Shadow-tribe upang bawiin ang Blessed-artifact.” Taimtim na sambit na lamang ni Melc. Bumuntong hininga siya at muling nagpatuloy, “Sinabi ko nang 'wag niyo nang paglaanan pa ng oras ang pagbawi roon at delikado. Pero tingnan mo ang ginawa mo?”

“Humihingi po ako ng tawad!” Muling pikit-matang sambit ni LionHeart. Naiintindihan niyang nagaalala lamang sa kanila ang kanilang pinuno kaya pinagbabawalan sila nitong gumawa ng hakbang sa pagbawi sa Blessed artifact. Ganoon pa man, buo at napagka-isahan din naman nilang bawiin ito ng palihim. Alam kasi nila kung gaanong kahalaga ang Blessed-artifact sa kanilang pinuno at palagi ring bukang-bibig ng kanilang pinuno ang Master nitong kasama niyang gumawa sa Blessed-artifact.

May mangilan-ngilan sa Moonlight tribe ang nagsasabing kaya raw nitong makapag-palakas ng ranggo, o hindi kaya ay makabuhay ng patay. Ganoon pa man, wala silang paki-alam sa kakayahan nito at kahit na kailan man ay hindi nila naisip na nakawin ito sa kanilang pinuno.

Ganoon pa man, noong mayroong isang binatang Elf ang sandaling naparaan at nanirahan dito ay nawala ang kayamanan ng kanilang pinuno, ang iniingat-ingatan nitong Blessed-artifact.

Sinubukan nilang hanapin ang Binata, ganoon pa man ay naka-alis na ito ng kanilang teritoryo. Simula noon ay madalas na nilang nadadatnan si Melc na malungkot. Gusto man nilang bawiin ang Blessed-artifact, ngunit pinag-bawalan naman sila ng kanilang pinuno. Masyadong malakas para sa kanila ang binatang Elf at masaya na rin si Melc na hindi sila pinatay ni Droquillon, bagkus ay pinagnakawan lamang.

“Bakit niyo ho ako biglang pina-uwi? May masama po bang nangyari?” Tanong na lamang ni Lionheart.

Noong nakikipag-laban si Lionheart kay Droquillon ay bigla na lamang siyang naka tanggap ng mensahe sa kaniyang Pinuno na si Melc. Tinawagan siya nito sa pamamagitan ng [Entity Telephaty Ex].

Naging taimtim ang ekspresyon ni Melc nang tumingin siya sa mata ng isa sa pinagkakatiwalaan niyang sundalo. Bumuntong hininga siya at saka nagsabing, “Sinubukan kong tawagan sila Frillgon, Rigurd at ang iba pang mga Adamant rank at lalong-lalo na ang mas nakabababaang ranggo, ganoon pa man, hindi ko sila magawang maka-usap.”

Nanginig ang mata ni Lionheart sa kaniyang narinig at natigilan siya ng ilang sandali. Nang muli niyang ibuka ang kaniyang bibig ay mahina na lamang siyang napa-usal, “'wag niyong sabihing...”

Hindi pa man naitutuloy ni LionHeart ang kaniyang sasabihin ay tumugon na agad ng taimtim na tango ang matanda mula sa trono, “Wala na ang iba...”

Muling natigilan ang matipunong taong-lobo sa kaniyang puwesto.

“Ga... Ganoon pala... Kasalanan ko ang lahat. Mali ang ginawa kong plano... Masyado naming minaliit ang Shadow-tribe.” Malungkot ang ekspresyon ni Lionheart habang sinasabi niya ito. “Kung mas pinag-isipan ko lang sana ng husto---”

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now