Chapter 25

69 14 2
                                    

Chapter--25: Frimo Kingdom's Adventurer's guild.

Isang araw na muli ang lumipas. Sa loob ng Adventurer's guild ay nakapulong at nagsisiksikan ang mga Adventurers. Pinagmamasdan nila ngayon ang isa sa mga papel na nakalatag sa Quest board ng Adventurer's guild. Sa quest board kasi ay doon idinidikit ang mga request ng mga mamamayan para sa mga Adventurers. At lahat ng mga nariritong Adventurers ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita!

“Para sa pagbabantay lamang ng isang sanggol ay kinakailangan na isa kang AA-rank o hindi kaya'y mas mataas pang ranggo!? Kalokohan...” Isang Mama na nasa katanghaliang gulang ang nagkumento. Isa lamang siyang B-Rank kaya agad din siyang lumayo roon.

Sa kabilang banda, isang binata ang nagtanong sa kaniyang katabing lalaki, “Boss Franz, isa kayong AA-rank bakit hindi niyo kunin ang Quest na 'yan. Ngayon lang nagkaroon ng isang Milyong pabuya sa buong kasaysayan ng pag-aadventurer natin rito.”

Bilang tugon ng kaniyang kasama na si Franz ay naiilang itong napakamot sa kalbo niyang ulo, “Hahaha. Para sa babae ang quest na iyan, basahin mo kaya... Kung isa lang sana akong babae ay tinanggap ko na 'yan.”

“Ahhh... Ahh... Patawad. Hahaha” Naiilang na napatawa ang binata nang basahin niyang muli ang papel.

Sa kabilang banda muli, malayo sa dalawa nina Franz at ng kasama nitong binata, isang matandang Adventurer naman ang nagwika, “Teka nga... Wala pa tayong High-ranking na babaeng Adventurer, maliban na lang sa nag-iisang si Lynn Hagrobarths na isang S-rank Adventurer... Maliban kay Lynn na isang S-rank, wala ng SS-rank at pataas na babae. At wala ring AA-rank...”

“Hays... Ang swerte naman ni Lynn...” Ani ng dalagang Adventurer na isang A-rank. Nanghihinayang siya ngayon. Kung mas mataas lamang sana ng isa ang kaniyang ranggo ay maaari niyang tanggapin ang Quest.

                      *Quest*
                [Baby sitting]
         
Take care of the baby for 30 days
Reward: 1,000,000 Obsidian coins

Requirements: Female Adventurer only with atleast AA-rank

Difficulty: E
----

Isang araw na muli ang lumipas at hindi pa rin nawawala ang balita sa buong Adventurer's guild patungkol sa isang quest na mayroong mala-panaginip na pabuya. Ito kasi ang unang beses na nangyari ang bagay na iyon, at lahat sila ay nahihiwagaan sa pagkatao ng nag-request sa quest na iyon. Gayunman, wala silang magagawa dahil protektado ng Lider ng Adventurer's guild ang Identidad ng Nag-request.

Sa kasalukuyan, sa bahay ni Allastor malapit nang kaunti sa Adventurer's guild, ang dalawa nina Allastor at Lynn Hagrobarths ay nakaupo nang magkatapat sa isang bilog na mesa.

“Kung gayon Lynn, ikaw na ang bahala kay Elli ha. Babalik kaagad ako pagkatapos ng tatlumpung araw na kontrata natin.” Nakangiting ani Allastor. Tumingin muna siya kay Elli na mahimbing na natutulog bago muling bumaling sa direksyon ni Lynn, “Bilang unang bayad ay tanggapin mo na muna ito.”

Inabot ni Allastor ang isang Item bag na naglalaman ng mga Obsidian coins, at agad naman itong kinuha ni Lynn. Pinakiramdaman ni Lynn ang nilalaman ng Item bag, at agad na lamang na nanlaki ang kaniyang mga Mata, “Ta-tatlong milyong obsidian coins!!?”

“A.. Akala ko ba, isang milyon lamang ang pabuya mo?”

“Upang magkaroon ng ganitong karaming kayamanan, marahil ay isa ka sa mga Royal family na gusto lamang ng payapang pamumhay?”

“Shhh... Wala akong dapat na sagutin sa mga tanong mo... Paikliin na kang natin 'to. Sabihin na lang natin na gusto kita, kaya naman tanggapin mo na lamang iyan.” Deretso at kumpiyansang ani Allastor.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now