Chapter 32

57 12 2
                                    

Chapter--32: Not a darkness but an Ice

“Naabutan ka rin namin! Para sa isang tao ay masyado kang mabilis!”

Iyon na lamang ang nasabi ng isa sa tatlong mga Taong-lobo nang sabay-sabay silang tumigil. Pinagmasdan nila ang pigura mula sa kanilang unahan. Gayunman, hindi nagtagal ang kanilang pagmamasid sa binata. Para bang natulala sila nang may mapagtanto silang kakaiba.

“Ang mga kasamahan namin? Nasaan na ang mga kasamahan namin?!” Sabay-sabay na bulalas na lamang nila. Hinintay nila ang tugon ng binata, pero, sa mga sandaling iyon ay isang marahas na ngisi lamang ang itinugon nito sa kanila.

*Ting!*

*Level optimization has been completed!*

*You are now an Adamant Rank!*

*Ting!*

*You can now Use your True-Alpha Yi, Curse-reversal-skill, and ...*

“Heh. Tamang tama lang ang pagdating niyo.” Marahas na ngumisi si Allastor sa mga ito kasabay ng pagbalot ng kulay itim na usok sa kaniyang katawan.

“True Alpha-Yi...”

Pagkatapos na pagkatapos niyang bitiwan ang salitang iyon, ang kaninang bumabalot na itim na usok sa kaniya ay nagsimula nang maging marahas! Parahas ito nang parahas na nagreresulta sa pagdilim ng maliit na bahagi ng kuweba.

*Shhoooom!!*

“True-Alpha Yi!?”

Nalalaking-matang bulalas na lamang ng isa sa mga taong Lobo. Sa tatlong Taong-lobo na ito ay siya lang ang nag-iisang putol ang kaliwang bahagi ng kamay. Nakabenda pa ang putol na kamay niya sa puting tela, patunay lamang na katatamo niya pa lamang sa pinsalang ito.

Sa kabilamg banda, ang nag-iisang mataba sa grupo ay tulala na lamang na nilinaw ang kaniyang narinig.

“Nagsisinungaling siya 'di ba, Fllags? Imposibleng ang maalamat na True-Alpha Yi ang kaniyang binigkas. Kahit ang mag-taglay lamang ng ordinaryong Yi ay imposible na sa isang hamak na tao.”

Kung sa grupo ng mga taong lobo na ito ay mayroong naputulan ng galamay at may mabigat ang timbang, syempre, hindi naman mawawala ang mayroong Normal na hitsura.

“Rigurd, Fllags, maging Alisto kayo. Ang taong ito ay totoong nagtataglay ng True-Alpha Yi... Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo upang makabalik sa grupo nila Frillgon, bibigyan ko kayo ng Oras...” Taimtim na aniya habang nakabantay na sa hawakan ng kaniyang espada ang isang kamay.

Suminghal naman ang matabang Taong-lobo. “Seryoso ka ba talaga Darkfrost? Ang taong ito ay mayroong True-alpha Yi? Ang hamak na ta--?!”

*Shwoooom~!*

Ilang saglit lang...

“Ahhhhhhh!!!” Marahas na sigaw ng binatang si Allastor --- dahilan upang ang buong loob ng kuweba ay yumanig. Yanig lang ito nang yanig, kaya naman ang ilang bahagi ng kisame ng kuweba ay nagsisimula na rin sa pagbabagsak ng mga pinong buhangin.

Naging pawisan naman ang Noo ng Tatlong taong-lobo sa mga sandaling iyon. Ramdam nila ang kakaibang pakiramdam na noon pa man ay hindi pa nila nararamdaman.

“Papaanoong...” Usal ng matabang taong lobo na si Rigurd.

*Rumble~rumble~!!*

*Ting! Ting!*

*Warning!*

*Warning!*

*True-Alpha Yi is trying to destroy your body. If you came up alive for morethan 10 minutes, you will have a freedom to controll this Advanced-type of Yi*

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now