Chapter 29

57 12 2
                                    

Chapter--29: The Espagazora-beast

“Daaang! Naisahan tayo ng Golem na iyon!”, habang kasama ang naka-asul na talukbong, si Fistto ay galit na nagwika.

“Puwede ba? Manahimik ka na lang at magpatuloy na sa paglalakad.”, Kunot noong tugon naman ni Nucleon, “Kailangan pa nating makabalik sa teritoryo natin bago pa dumating ang Moonlight tribe.”

“Bumalik sa Teritoryo natin? May ediya ka ba kung nasaan tayo ngayon?!”, Nagngangalit na tugon ni Fissto habang itinuturo niya ang direksyon sa harapan nila. Tiningnan ito ni Nucleon upang tumambad lamang sa kaniyang harapan ang walang katapusang patag ng disyerto.

Nang makita ang gulat na ekspresyon sa mukha ng kasama, muli na namang inulit ni Fistto ang kaniyang tanong, “Ano? Alam mo?”

“Hindi...” Tipid na sagot ni Nucleon.

“Hindi mo rin naman pala alam ang daan e. Puwes, manahimik ka na lang at hayaan na lang nating makabalik tayo roon anumang oras tayo makabalik.” Kunot noong tugon ni Fistto. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at agad na sinipa ang maliit na bundok ng lupa mula sa kaniyang paanan, “Tsk! Kapag nakabalik na ako, ang una ko talagang papatayin ay ang golem na iyon.”

Sa kasalukuyan, ang dalawa nila Fistto ay naglalakad sa patag ng halos paulit-ulit na tanawin. Walang kahit na ano sa lugar na ito, maliban na lamang sa malalambot na buhangin at kalansay ng yumaong mga Unique-creatures.

Wala silang ediya kung nasaan sila ngayon. Gayunman, batid nila na nasa ibang kontinente sila. Noong sumugod kasi sila sa teritoryo ng mga Elf ay umaga pa lamang iyon, at sa kanilang lokasyon ay kulay kahel na ang kalangitan --- patunay lamang na hapon na ang oras sa kasalukuyan nilang lokasyon.
----

Sa light continent, sa teritoryo ng Shadow tribe, sa loob ng kuweba, ang tatlong nilalang ay makikitang naka-tanaw sa lagusan ng maaliwalas ng kuweba. Sa mga oras na ito ay dalawa ang kanilang hinihintay, ang pagsalakay ng kanilang kalaban na Moonlight-tribe, at ang pag-uwi nila Fistto at Nucleon dito.

“Sampung minuto na silang huli, Pinunong Droquillon, at ramdam ko na rin ang kulupon ng mga taong-lobong iyon mula sa malayo.”, Seryosong sambit ni Saphiro suot ng puting talukbong. Sa kaniyang bisig ay ang maliit at kulay puting biik, ang kamiyang alaga na si Kemiko.

“Hindi rin sila maabot ng Entity Telephaty Ex ko, Pinuno... Maaari kayang...”, Saglit na tumigil ang naka-itim na talukbong, nanginig ang kaniyang mga mata bago taimtim na nagpatuloy, “Maaari kayang buhay pa si Uzuri?... Wala na akong ibang maisip na dahilan upang mawalan tayo ng koneksyon sa dalawang iyon.”

Bakas ang pag-aalala sa mata ng dalawang naka talukbong na nilalang. Tumingin muna sila sa direksyon ni Droquillon upang makita lamang ang malalim nitong pag-iisip. Ilang saglit pa, ang dalawa ay sabay na nagwika, “Gusto kong pumunta ngayon sa Uzuri's forest, pinuno! Payagan niyo ako, pakiusap!”

Matapos ang pakiusap na iyon ay saglit din na namuo ang katahimikan, ganoon pa man, hindi rin ito nagtagal...

“Hindi na kailangan.” Maiksing tugon na lamang ni Droquillon habang binabasa ang nangyayari. Naging madilim ang kaniyang ekspresyon nang muli siyang mag-wika. “Mas prayoridad natin na bantayan ang pagsalakay ng tribo ng mga taong-lobo ngayon. Kung iiwanan natin ang kuwebang ito ay siguradong kukuhanin nila ang Blessed-artifact na naka-selyo sa ilalim nito. Kung namatay man sila Fistto, kapag nalaman natin kung paano buksan ang selyo ng Blessed-artifact, ay maaari natin silang buhaying muli...”

“Pero, alam kong imposibleng si Uzuri ang may kagagawan noon kunv namatay man talaga sila... Ang isa pa, hindi niyo kailangang sumugal upang tingnan kung tama ang hinala niyo --- Kailangan nating maging praktikal sa mga oras na ito. Kung hindi kinaya nila Fistto ang nilalang sa kagubatang iyon, siguradong maging kayo ay hindi rin kakayanin ang nilalang na pumaslang sa kanila.” Dugtong pa ni Droquillon.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now