Chapter 15

42 11 2
                                    

Chapter--15: The Orcblood Golem.

Sa kaibuturang Gubat ng Uzuri ay makikita ang matandang Elf na nakahalukipkip ang mga kamay sa kaniyang Likuran...nakatingin ito sa malayo at marahang nagiisip ng malalim.

maya-maya pa'y bigla na lamang nawala ang kaniyang pagkatulala nang mapansin niyang nasa likuran na niya ang isang Dambuhalang Golem..may mga naka tarak na Gintong Kristal sa likod nito at Maamong umiilaw ng kulay dilaw ang mga mata nito. at ang Golem na ito ay ang maalamat na Golem na si Earthor.

"Master Zulruack?. ilang Araw na rin trayong hindi nagpapangita... nasaan na si Allastor?...". marahang tanong Ni Earhtor sa nakahalukipkip na matanda.

"Ehe...ang totoo niyan ay matagumpay niyang natapos ang kaniyang pageensayo...pinahahanga talaga ako ng binatang iyon dahil nagawa niya lamang iyon sa loob ng tatlong Araw". tugon naman ni Zulruack habang magiting na nakatitig sa malayo.

"T-tatlong araw?!". Gulantang na bulalas naman ng maalamat na Golem.

hindi siya makapaniwala na tatlong araw lamang nagawa ni Allastor ang pageensayo upang hubugin ang isang Yi. sapagkat inabot ng apat na buwan si Earthor bago niya naperpekto ang paggamit nito.

bago pa mapako ang kaniyang isipan sa kung paano nagawa ni Allastor ang ganoong kapambihirang bagay ay bigla na lamang siyang natauhan...

kung bakit nandirito si Earthor ay hindi iyon upang mamangha sa talento ng Binata. nandito siya upang Sunduin at palakasin pa ang kakayahan nito sa paggamit ng iba't-ibang uri ng armas...kaya naman muli siyang nagwika, "Master?...bakit wala rito si Allastor?... nais kong mahubog ang kaniyang kakayahan sa larangan ng paggamit ng mga Armas".

nang marinig ito ng matanda ay. malalim munang itong nagisip bago tuluyang tumugon sa Hinaing ng Dambuhalang Golem,
"mmm... iyon ay dahil kasalukuyan na siyang tumutungo sa Misty Cave upang kumalap ng Magnestone".

"Misty Cave?!...Magnestone?... nasisiraan ka na ba tanda?!. bakit mo hinayaang umalis si Allastor!?". nagaalala't nangangambang tanong ni Earthor sa kaniyang dating Guro.

alam ni Earthor ang pagiral ng isang Blood Diamond Rank Orcblood Golem na namamalagi sa Kuwebang tinatawag na Misty. pero hindi siya pamilyar sa magnestone na ito... at hindi niya mapigilang magalala sapagkat sa kaniyang isip ay walang magagawa ang isang Diamond Rank na si Allastor laban sa orcblood Golem na ito...

"Earthor maaari bang Huminahon ka... 'wag kang magalala dahil ayon sa aking Libro ay nakukuha sa Usapan ang Golem na Iyon". sambit ng matanda habang nakabuklat ang kaniyang libro kung saan makikita ang Impormasiyon na kaniyang sinambit at kasalukuyan ng inilalahad ang nakabuklat na Libro sa Dambuhalang Golem, upang malinaw na mabasa ni Earthor ang naka tala rito.

"sa tingin mo ba'y totoo ang nakasulat sa libro mong 'yan?". nagugulamihanang tanong ni Earthor sa Matanda.

"ehe... Hindi ko rin alam kung totoo ang nilalaman nito ngunit nais kong magtiwala nalang tayo sa kakayahan ng binata at nilalaman nito...nakakagawa ng milagro ang binatang iyon at sigurado akong makakayanan niya ang mis'yon na ito". pakamot-kamot sa ulong sambit ng Matanda.

minsan ay mala milagrong tumatama ang Impormasiyon ng kaniyang Libro at madalas naman ay palagi itong Mali. kung totoo nga ang nakasulat na impormas'yon sa kaniyang libro patungkol sa Misty Cave ay masuwerte si Allastor.

"Sana nga ay magtagumpay ang iyong Libro... ngunit kapag hindi nakabalik si Allastor ng Ligtas, kailangan mo ng kaparusahan saakin at kay Reyna Uzuri". Taimtim na tugon ni Earthor habang humahakbang na papalayo sa Kinatatayuan ng Matanda.

sa kasalukuyan ay mas mataas ang katayuan ni Earthor sa buong Kagubatan... siya ang Heneral ng mga Heneral, at heneral lamang ang katayuan ni Zulruack, kaya kayang-kaya niya itong Parusahan kung makakagawa ito ng hindi matatanggap na kasalanan.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now