Chapter 10

43 12 0
                                    

Chapter--10: The Legendary Beast

Tila manlaki ang mga mata ni Allastor habang mariing nakatitig sa Status ng Dambuhalang Golem!

.

Status

<Legendary Warning>

Name: Earthor
Species: Furious Golden Golem
Title: ???
magic: Buff magic[Grow]

Technique: ???

Rank: [Blood Diamond]
Resistance: Physical Attack
Level: 135
HP: 2,700/2,700
mana: 2,025/2,025
Attack: 190+100
Defense: 190+100
Speed: 190+100

"Imposible!...isang Blood Diamond Rank Unique Creature!"...Walang pagpipigil na napa-bulalas si Allastor.

Tatakas na sana ang Binata nang bigla na lamang siyang hinawakan ng Golem gamit ang Kanang-kamay nito...pawang paralisado ang buong katawan ng binata habang hawak-hawak ito ng maalamat na Unique Creature. Napaka riin din ng pagka hawak dito at wala nang espasyo pa na magagalawan ang binata.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, muli ay napabigkas ang binata,
"Physical Skill...Fast Teleportation!"

Matapos na banggitin ito ng binata, agad na umilaw ang kaniyang kabuuan. Tumindi ang liwanag nito, ngunit agad din naman itong naglaho sa isang iglap lamang.

!!!

Napa arko na lamang ang kilay ni Allastor nang mapagtanto niyang nasa kamay pa rin siya ng Golem; ni wala manlang nabago sa kaniyang puwesto kanina, at labis niya itong ikinabahala.

"Mmm... Nakalimutan kong sabihin... gumamit na ako ng Warping Nullifyer sa Kamay ko bago pa kita hulihin...Kaya naman dapat mong malaman na hindi gagana ang lahat ng Skill na may kinalaman sa Warping habang nasa kamay pa kita". Sambit naman ng Higanteng Golem.

Nang marinig ni Allastor ang tinig ng Nilalang ay agad niya itong ikinagulat,

"Nakakapag salita ka ng linggwahe ko!? Kung ganoon ay mayroon kang Entity Telephaty! A-at... Papaanong may umiiral na Warping Nullifyer skill sa mundong ito!"

"H-HA HAHAHA. Masyado pang makitid ang kaaalaman mo sa mundong ito binata. Ang uri ng skill na ginamit ko ay isa lamang sa mga basurang skill sa mundong ito. Marami pang mas kahanga-hanga sa Skill na ito." Natatawang sambit ng Golem.

Ang Teleportation ay isang uri rin ng Warping Skill kaya naman hindi ito gumana sa kamay ng Golem na mayroong Warping Nullifyer skill.

Gustuhin mang sumigaw ni Allastor upang humingi ng tulong ay wala pa rin itong maitutulong sa kaniya. Sa kasalukuyang antas ng mga Adventurers sa Kreo Capital, wala ni isa sa mga 'yon ang makatutulong sa binata. Kahit pa pagsama-samahin ang buong puwersa ng Kreo Capital ay siguradong isa lamang ang kahihinatnan noon. Iyon ay walang iba kundi ang mapait nilang na kamatayan at pagkatalo...Bukod pa rito ay nagtataglay rin ang maalamat na Golem ng physical Resistance. At kung mayroon itong Physical Resistance ay hindi tatalab ang mga Pisikal na Pag-atake ng kahit na anong nilalang laban dito. At sapat na ito upang pigilan ang hukbo ng mga Adventurer sa loob ng Kreo Capital.
---

Naka-tingin ngayon si Allastor sa umiilaw na mga mata ng napaka-laking nilalang. Walang kumikibo sa dalawa at parang binabasa nilang dalawa ang isip ng isa't isa. Noong unang ingkuwentro ng binata sa dambuhalang nilalang ay labis siyang nakaramdam ng biglaang pagka-takot. Ngunit sa kasalukuyan na nakikita na niya ito nang malapitan ay pawang lumakas na ang kaniyang kumpiyansa sa sarili, at hindi na siya nakararamdam ng kahit na kaunting takot sa nilalang.

"Mmm... Kahanga-hanga pa pala ang mundong ito. Kung ganoon ay maaari mo na ba akong bitiwan?" Sambit ni Allastor.

"Hindi puwede", maikling tugon ng nilalang.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now