Chapter 1.5

62 9 0
                                    

----------------------------------------

--------------------------------------------------

☆CHAPTER 1.5☆

--------------------------------------------------

Sa loob ng Adventurer's Guild ay maraming mga Adventurers ng Kreo Capital ang nag uusap patungkol sa Uzuri's Forest. Nasa Level 10 Bronze Rank ang karamihan sa mga ito at ang pinaka malakas naman sa kanila ay isang Level 15 Silver Rank Adventurer.

Gusto ng mga Adventurers na ito ang makapasok sa gubat upang mahawakan ang Uzuri's Mana Tree.

Ang Uzuri's Mana Tree ay sinasabing Makakapag palakas daw ng antas ng kahit na sinong humawak dito. Kahit ang mga Unique Creatures O mga Tao man ay Otomatikong makakatanggap ng lakas sa oras na makahawak na sila sa Mana Tree.

Hindi masimulan ng Mga Adventurers na ito ang planong pasukin ang Kagubatan ng Uzuri, ito ay dahil na rin sa Balita ng mga matatandang Adventurers na sumubok pasukin ito noon... Narami raw malalakas na mga Unique Creatures ang naninirahan sa kagubatan ng Uzuri... Ang iba pa nga sa mga halimaw ayon din sa mga matatanda ay may kakayahang makapag salita...Bukod pa sa kakaibang pangyayari na ito ay maikukumpara sa sumunod na antas sa Goldrank ang antas ng lakas ng pinaka mahihinang Unique Creatures sa kagubatang ito ng Uzuri. Ang antas na ito ay tinatawag na Platinum-rank.

Alam lahat ng mga Adventurers ang kwento sa likod ni Uzuri. Si Uzuri ay isang Diwata ayon sa Kwento ng mga matatanda.

Nang mamatay raw ang katawan ni Uzuri ay bigla na lamang tumubo ang isang Magarbo at kumikinang na puno mula sa katawan nito. At ito ang Tinatawag na Uzuri's Mana Tree...Ang puno na may kakayahang magpalakas ng isang nilalang...

ngunit ang ganitong kakaibang pangyayari ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga Mage Rank Herbalist O Necromancer.

Ang herbalist O Necromancer ay mayroong malawak na kaisipan patungkol sa mga Mahika, bukod pa rito ay may kakayahan din silang makagawa ng mga gamot sa malulubhang sakit, makapag summon ng isang mercenary monster, makagawa ng mga portals, at higit sa lahat ay hilig nila ang mga misteryo katulad ng kakaibang pangyayari sa kagubatan ng uzuri.

***

Sa kalayuan, makikita ang isang Dalaga na palihim na nakikinig sa mga nag-uusap na Adventurers patungkol sa Mana tree. Mapungay ang mga mata nito, at mapapansin rin ang kaniyang maputing balat...Gayon pa man, Hindi mas'yadong makita ang mukha nito dahil sa naka takip na Itim na Tela ang tumataklob sa ibabang parte ng kaniyang mukha(BlackMask).

Siya ay si Luna, isang Level 12 Silver Rank Adventurer...mababakas sa kaniyang mga mata ang hangarin na maka lapit sa tinatawag na Mana Tree.

("Mmm... Alam kong hindi na ako lalakas pa...Kahit mahawakan ko pa ang puno niyang iyon ay mananatili pa rin ang aking antas. Pero... Nais ko na hindi niya muna ako makilala"),sa isip ni Luna.

Ilang saglit pa ay malalim siyang nagisip...Ngunit ilang segundo lang ay agad din siyang nakabawi,

("Tama! Bukas na bukas din ay Papasok ako sa Gubat ng Uzuri at hahanapin ko ang Uzuri's mana tree kasama ng iba pang mga Adventurers! Gusto ko munang maranasan ang buhay ng isang mortal bago matapos ang buhay ko sa Mundong ito!"). Nananabik na dugtong ng dalaga sa kaniyang Isipan.

Maya-maya pa ay bahagya nang tumayo si Luna sa kaniyang inuupuan... Sa mga oras na ito ay isang makakasama sa paglalakbay na lamang ang kaniyang inaasam... Para sa dalaga, isa pa ring delikado ngunit masayang paglalakbay ang pagpunta sa kagubatan ng Uzuri. Ngunit magiging mas madali na lamang ang mahanap ang Uzuri's Mana tree kung mayroon pa siyang makakasama na ibang mga Adventurers.

Sa ilang saglit pang pagmamasid ay agad na napadako ang paningin ng dalaga sa Grupo ng mga Adventurers sa kanan niyang bahagi...kaya naman dali-daling nagtungo ang dalaga sa mga nagtatawanang Adventurers na ito.

"huwahahaha, pangarap mo pa talagang maging Gold rank! asa ka pa!",bigkas ng lalaking may mabibigat na Armour sa isang patpating binata.

"tama na nga 'yan Astraunof, hindi mo rapat pinagtatawanan si Steef, ganiyan talaga ang pangarap niya! pero bago siya maging Gold-rank, tatawagin muna siyang Tandang Steef HUWAHAHAHA!" siyasat naman ng babaeng mayroong malaking Espada.

ilang saglit pa ay agad na nakarating sa kanilang Lokasiyon si Luna... Na mayroong magalang na Tono ay agad itong nagwika, "umm...Magandang umaga magigiting na Adventurers. Nais ko lang sanang ipagbigay alam na bukas ay plano kong pasukin ang Uzuri's Forest...Maaari niyo ba akong samahan?".

Nang marinig ng tatlong Adventurers ang sinambit ng dalaga ay agad silang seryosong nagkatinginan... Ngunit ilang saglit pa ay sabay-sabay silang humalakhak...

"HUWAHAHAHA! sino ka ba? hindi ka naman namin kakilala. At sa Uzuri's Forest mo pa talaga napiling magpasama? Nais mo ba kaming mamatay kasama mo? HAHAHAHA" matawa-tawang sambit ng lalaking may mabigat na Armour habang pinupunasan ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Huwahahaha. Nahihibang na ata ang babaeng it--", naputol na sambit na lamang ng Babaeng mayroong malaking Espada..

Hindi na pinatapos ni Luna ang sana ay sasabihin ng Babaeng mayroong malaking Espada... napakunot na lamang siya sa kaniyang Noo habang palayong humahakbang... Walang balak na sumama ang mga Adventurers na ito sa kaniya, kaya naman wala na siyang balak na sayangin ang Oras niya rito.

Padabog-dabog na naglakad ang dalaga papalabas ng Adventurer's Guild. Kahit na kailan ay hindi pa siya itrinatrato ng ganito sa kaniyang kinalakihang mundo. Hindi siya sanay sa mga ganoong tao. At ang mag-laan ng oras para sa mga katulad noon ay sakit lamang sa ulo para sa dalaga.

("ganito ba talaga ang pag-uugali ng mga tao? talagang may pagkadilim at pangungutya ang kanilang mga budhi") sa isip ni Luna.

sa ilang segundo pang paghakbang ay agad na natabig ng Dalaga ang isang Binatang Adventurer. Ang binatang ito ay mayroong kulay abong mga buhok, madilim na pulang pares ng mga mata, at nakasuot lamang ito ng simpleng kasuotan at hawak-hawak na kahoy na Espada. Sa lakas ng pagsalpok ng binata ay agad na nawalan siya ng balanse...

"Patawad! hindi ko sinasadya!" paumanhin ng binata habang nakayuko sa dalaga.

'Kawawa naman ang isang 'to...siya na nga ang natumba, ngunit siya pa ang humingi ng tawad', sa isip ng dalaga.

Aalukin sana ng dalaga ang binatang ito na samahan siya sa kaniyang paglalakbay,ngunit hindi nalang niya ito inalok sapagkat kulay Tanso lamang ang Tali ng kwintas nito at tanging kahoy na Espada lamang ang nag-iisang kagamitan nito... indikasiyon lamang ito na isa pa itong baguhang Bronze-rank Adventurer.

"Ayos lamang". walang buhay na sambit ng dalaga, at lumabas na ito sa Adventurer's Guild.

Muling nagpatuloy sa paghakbang si Luna papalabas ng Adventurer's Guild. Ngunit ilang saglit din ay muli siyang lumingon sa bumabangon na binata mula sa pagkakatumba nito,

"Ang binatang 'yon...", mahinang sambit ng dalaga

Itutuloy...

--------------------------------------------------------------

Allastor Frauzz(Raw Version)Место, где живут истории. Откройте их для себя