Chapter 7

42 12 0
                                    

CHAPTER--7: Day 0-Lethal Choice

---------------------------------------------------

Sa loob ng bahay na siyang matatagpuan sa Kreo Capital ay mapapansin ang binatang nagpupunas ng pilak na espada.

Ang kaniyang Kayumangging pares ng mata, itim na hibla ng buhok na bahagyang sumasayaw ay malinaw na makikita sa repleksyon ng espada na ito. Ang binatang ito ay walang iba, kundi si Don.

Sa katabing bahagi naman ni Don ay

makikita si Brook na nakikipaglaro sa kaniyang mga anak.

Masaya ang mga batang Orc sa kanilang nararanasan, at malaki ang pasasalamat nila Kay Don at Allastor. Sapagkat kung hindi dahil sa kanila ay hindi nila muling mararanasan ang ganitong kasiyan. At malamang sa malamang ay hindi nila muling makakalaro ang kanilang sariling Ama katulad nito.

Ilang saglit pa ay bahagya nang tumayo si Don at isinabit na sa kaniyang tagiliran ang bagong linis na espada.

"Brook, siguradong paparating na rin si Allastor. Iiwanan ko muna sa iyo ang bahay... Bilang Adventurer ay kailangan ko pa ring gumawa ng mga quest", Ani Don.

"Walang problema Ginoong Don. 'Wag mong kakalimutang Bumili muna ng Mga Potions upang maging maingat ang iyong paglalakbay", Bilin naman ni Brook.

"Oo nga Kuya Don! Baka mawalan ka nanaman ulit ng balanse katulad noong nakita ka ni Ama sa labas ng Kapitolyo!", pagsang-ayon naman ni Chelsy.

Nang marinig ni Don ang sinabi ng Batang Orc, ay muli niyang naalala amg kaniyang ekspresyon nang panahong nalason siya sa Krayom ng Killer bee. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang iniisip iyon.

"Heh, loko kang bata ka. 'Wag kang mag-alala, hindi na ulit ako kukuha ng quest malapit sa lungga ng mga Killer bees. At ngayon, sisiguraduhin ko na ring meron akong iba't-ibang klase ng mga potion", Ani Don.

"Paano ba 'yan. Mauuna na ako, iluto niyo na lamang ang gusto niyong kainin sa aparador!", Dugtong pa ng binata.

****

Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan ng nakaalis ang binatang si Don. Katulad ng mga payo ng kaniyang kaibigan, ay nagtungo siya sa Blackmarket upang bumili ng iba't-ibang klase ng mga Potions...Hindi kasi gusto ng binata ang ediyang mawalan ng balanse sa labas ng kapitolyo.

----

Sa agaran pang minuto na lumipas ay agad nang nakauwi si Allastor...Sa kaniyang pagpasok sa bahay ni Don ay sinalubong naman siya nila Brook.

"Ginoong Allastor, Nak---Imposible! Ang tali ng kwintas mo! Isa ka nang Gold-Rank Adventurer!", Gulat na bulalas na lamang ni Brook kay Allastor.

"Mahabang kwento Ginoong Brook, ngunit nandito ako upang itanong sa iyo ang Lokasyon ng mga DarkMantis. 'Wag kang mag-alala, pagbalik ko ay ikukuwento ko sa iyo ang lahat ng nangyari", Ani Allastor

Agad namang napatikhim si Brook matapos marinig ang hiling ng binata.

"Mga anak, pumasok muna kayo sa inyong silid", Utos ni Brook sa mga batang Orc na agad namang sinunod ng mga ito.

Matapos makapasok ng mga bata sa silid ay umayos ng upo si Brook, at taimtim na sinabing, "Kung ganoon, sisimulan mo na ang pagsugpo sa kanila..."

"Mmm", tango naman ni Allastor.

"Paumanhin Ginoo, ngunit Hindi ako makapapayag. Masyadong malayo ang pagitan sa lakas niyo ng Pinuno nilang Darkest Mantis. Nagaalala ako sa maaaring kahinatnan ng lahat", marahang pagtutol naman ni Brook sa binata.

Maya-maya pa ay inilapat ni Allastor ang kaniyang palad sa balikat ng Father Orc at sinabing, "Ginoong Brook, magtiwala ka lamang sa akin. Hindi ko hihilingin ang kanilang lokasyon kung alam kong ikapapahamak ko ito. Kung nakatungtong ako sa ganitong kataas na ranggo sa maikling oras lamang, ay dapat na magtiwala ka sa ilang oras na lilipas... Sa mga Oras na iyon ay siguradong nalampasan ko na ang antas na Gold Rank"

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now