Chapter 14

41 12 0
                                    

Chapter--14: Fear

ang nakaraan: "kung totoo ngang naperpekto mo na ang iyong pagsasanay ay titingnan natin kung may pagbabago na nga ba sa iyo. ito ay kung susubukan mong Sirain ang Eginite Rock sa pamamagitan ng iyong Yi"...sambit ng Matanda niyang Guro

"Walang problema Master". sambit naman ng binata at nag inat-inat muna ito bago tuluyang tumayo..
--------------------------------------------------------------------

ilang sandali pa ay agad na nagtungo ang binatang si Allastor sa animo'y isang simpleng bato lamang, ngunit nagtataglay ito ng kakaibang kulay na hindi maiihalintulad sa isang Ordinaryong bato. at ito ang Eginite Rock.

"Hiyyaaah!". sigaw ng Binata kasabay ng pag ihip ng matinding hangin sa kapaligiran.

mistulang nakararamdam ng panganib ang matandang si Zulruack sa kaniyang nasasaksihan. muli nanaman siyang naka ramdam ng ganitong kapanganib na Aura, at ang Aurang ito ay nagmumula sa maalamat na Adventurer na kaniyang kasalukuyang estudiyante!

*woosh!~*

patuloy parin sa pag ihip ang maladelubyong hangin na nagmumula sa kalangitan at sa binata.

maya-maya pa'y bigla na lamang nagdilim ang kalangitan na mistulang magbabadya ng magbuhos ng mga Ulan. ngunit kapansin-pansin din na mas madilim ang kalangitin sa kinatatayuan mismo ng Binatang si Allastor. napukaw din ang atensiyon ng lahat ng nasa Kabahayan ng Uzuri Forest sa binata, kaya naman hindi mapigilan ng mga Elf ang kabahan at mamangha sa nakatindig na binata... kahit ang kaniyang Guro na si Zulruack ay hindi mapigilang Mamangha at mapaatras dahil sa kakaibang ihip ng hangin sa kaniyang Puwesto.

"<You have aquired Natural Skill: Yi>" Pahiwatig ng Kakaibang ingay sa isipan ng Binata.

*Ting!*.

Muli nanamang may Bakas ng pagkagulat ang atensiyon ng lahat nang makita nila ang Pulang Liwanag na nagmumula sa Binata. napaka Pula nito na maiihalintulad sa Preskong Dugo...

tila Bumakas ang takot sa Mata ng Matandang si Zulrack, dahil muli nanaman niyang nasaksihan ang ganitong uri ng Yi.

minsan na niyang nasaksihan ang ganitong uri ng Yi noong kabataan niya. at ang Mala Dugong Yi na ganito ay nagmumula lamang sa Opisyal ng Mga Diablo sa Demon nation. minsan narin siyang natalo sa ganitong Uri ng Yi noong kapanahunan pa niya. at ang Uri ng nakakapangilabot na Ying ito ay ang...

"Alpha Yi..." mahinang tugon ng matanda habang pinapanood ang binatang ngayon ay nilalapat na ang kaniyang palad sa Eginite Rock.

*Crash! *

Namatay at nangitim muna ang Kulay ng Asul na Bato bago ito Tuluyang nawasak sa piraso.

Halos mamutla ang lahat ng nakasaksing Elf sa nangyari sa Eginite rock, habang ang kaniyang Guro naman ay mariin pa ring Pinanood ang mga pangyayari...

***

sa Loob ng isang tagong Kuweba Na Bihirang matagpuan at lingid sa kaalaman ng Iba ay makikita ang Grupo ng Mga nilalang...Lima lamang ang Bilang ng mga nilalang na ito, ngunit nagtataglay pa rin ang lahat ng ito ng Malahalimaw na Lakas at kakayahan sa pakikipaglaban... Ang apat sa mga ito'y nakasuot ng Itim, Asul,Pula at puting mga talukbong. Hindi na makita ang mga mukha ng mga Ito dahil natatakpan ng pang ibabaw na parte ng Tela ang kanilang mga Mukha.

bukod pa rito ay mapapansin din ang Isang Binatang Elf na naka-upo sa harapan ng Apat na naka Roba...mayroon itong Kulay Pulang mga Mata, matangos na ilong at kulay Puti't mahabang Buhok na bumabagay sa kabuuan niya. at ito ang kinikilalang Pinuno sa grupo ng mga nilalang na ito.

ilang saglit pa ay may tatlong Unique creature na tinatawag na Earnest Wolf ang Pumasok sa Kuweba... ang lahat ng Earnest Wolf na ito ay mga Dragon Warning Creature at mayroomg lakas ng isang Blood Diamond Rank Adventurer...makikitaan ng labis na ngalit ang Mata ng mga Earnest wolf at Kaunting hakbang na lamang ay aatake na sila sa kahit na sinong Mapuntirya nila sa loob ng Kuweba.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now