Chapter 2

64 11 0
                                    

Chapter--2: The Legend of Uzuri's Mana Tree

--------------------------------------------------

Sa loob ng kagubatan ng Uzuri ay makikita ang isang Dalaga na nagtatago sa Likod ng isa sa mga Puno rito. mababakas sa kaniyang mga mata ang kasabikan, ngunit mas nangingibabaw naman ang pagkatakot na kaniyang nararamdaman. Ito ay walang iba kundi ang babaeng si Luna.

Bukod pa rito ay kapansin pansin din ang mga maliliit na nilalang na mayroon Ginintuang Balat ang papalapit na ngayon sa Kinaroroonan ng dalaga...Mayroon ring mga Palakol,Kalasag,Pana,Sibat at Espada ang mga nilalang na may Ginintuang Balat. At ang lahat ng Sandatang ito ay Class C Equipments. Tanging mga Adventurer na nasa Diamond Rank pataas lamang ang may kakayahang makagamit ng Class C Equipments.

Para sa mga halimaw dito ay normal lamang ang ganitong pangyayari. Ngunit para sa mga taga Kreo Capital ay matatawag na itong isang bangungot na hindi mo gugustuhing maranasan... Pagkatapos ng Gold Rank, ay Platinum rank, at ang kasunod na ranggo naman...ay walang iba kundi ang pambihirang Diamond Rank!... sinong hindi mangingilabot sa ganitong nilalang!?

maya-maya pa'y inilabas na ng dalaga ang isang Identifying Scroll... ang Identifying Scroll ay may kakayahang makita ang Status ng isang nilalang sa loob ng isang Oras...

hindi katulad ng isang Keen eye Skill ay wala itong kakayahang makita ang status ng isang aktuwal na Adventurers at tanging sa mga Unique creatures lamang ito gumagana...

nang buksan na ng dalaga ang Scroll ay may kung anong enerhiya na bigla na lamang pumasok sa kaniyang Katawan...at kalaunan ay muli siyang sumilip nang palihim sa gilid ng Puno upang pag masdan ang mga nilalang na papalapit na ngayon sa kaniya.

isang takot at pagkataranta ang gumuhit mula sa mga mata ng Dalaga. Ang dahilan sa pagka biglang ito ay ang kaniyang nasaksihan na Status ng mga nilalang na may ginintuang balat.

Status

<Demon Warning>

Name: Golden Evil Goblin

Species: Golden Hob Goblin

Title: Royal Forest Soldier

Magic: ???

Techniques: ???...

Rank: [not supported]

Resistance: none

Level: ???

HP: ???/???

mana: ???/???

Attack: ???

Defense: ???

Speed: ???

***

"Imposible!..Isa itong Demon Warning Creature!". mahinang sambit na lamang ng Dalaga habang pinapakalma ang kaniyang sarili.

ang bawat nilalang ay iniraranggo basi sa kanilang Warning... Ang pinaka mahinang Warning ay siyang tinatawag na Normal Warning.

Tanging mga Unique Creatures na may level 1 hanggang 5 na antas ng level lamang ang tinatawag na Normal Warning Creatures...habang level 6 hanggang 10 naman ang sumunod, at ito ay tinatawag na Non-Normal Warning...nandiyan rin ang Abnormal Warning, Tiger Warning, Epic Warning, Demon warning, hanggang sa God Warning Creatures. at kung Demon Warning ang nilalang na papalapit na ngayon sa dalaga ay siguradong walang magagawa ang kaniyang Level 12-Silver Rank na antas ng lakas para proteksiyonan ang kaniyang sarili...Ang isang silver rank adventurer ay isang walang kwentang basura lamang para sa mga Demon warning creature.

tila gulat pa rin ang dalaga sa kaniyang nakikita at mababakas na ang Takot sa kaniyang mga mata. Natatakot siya na baka kapag nakita siya ng isa sa mga ito ay totoong katapusan na niya.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now