Chapter 20

55 10 2
                                    


--------------------------------------------------------

Chapter--20: The Soul Powder

"Sword Skill: Sword manipulator Ex!"

"Haaaaaa!"...Malakas na wasiwas ng binata sa kaniyang Espada.

bawat pagkilos ng binata ay hindi maayos na makikita... sa makatuwid ay lubhang napaka bilis ng paggalaw nito na animo'y sumasabay sa Ihip ng Malakas at napakabilis na hangin.

*slaash-slash-slash-slash*

nagkahati-hati ang mga katawan ng kakaibang nilalang at agad din itong naglaho na parang isang usok.

sa ngayon ay mahigit Apat na raang magkakatulad na nilalang pa ang natitira. at basi sa Tansiya ng binata ay nasa Platinum rank ang bawat isa nito...mabibilis ang mga ito, ngunit nagkukulang naman ang mga ito sa Opensa at mas lalo na sa Depensa.

patuloy at dere-deretso lamang na Sumusugod ang mga nilalang sa binata.

hinahayaan lang ni Allastor na makalapit ang mga ito sa kaniya, sapagkat mayroon siyang iplinaplanong pag atake sa mga nilalang. at ang planong ito ay mangyayari lamang kung Magiging malapit ang distansiya ng Apat na raang nilalang sa nag-ngangalit na binata.

--

nang makalapit na ang apat na raang nilalang sa distansiyang inaasam ni Allastor ay agad na umilaw ng napaka tingkad ang Espada ng Binata.

sa bahagyang pag-ilaw nito ay siyang bulalas naman ng binata sa kaniyang Pinaka malakas na skill, "Sword skill: Blade Disaster!!"

*wusssssssshhhhh!!!!*

*Slash-slash-slash-slash*

matapos banggitin ng binata ang kaniyang skill ay agad na may namuong Malaking Ipo-ipo na mayroong mga matatalim na Espada sa Loob nito.

tinangay ang Apat na raang nilalang hanggang sa magkapirapiraso ito at hanggang sa ito ay maglaho.

<You have leveled Up>

matapos ang mga pangyayaring 'yon ay bahagyang kumawala ang isang ngiti ng pagtatagumpay sa labi ng binata...hindi lang dahil sa Muli nanamang tumaas ng isang Antas ang kaniyang kabuuang lakas...para sa kaniya ay Hindi gaanong malaki ang pagbabago kung isang Antas lamang ang tataas sa kaniya...para sa binata ay napakasaya niya sapagkat hindi niya inaasahang mababaliktad pa ang mga pangyayari... sa pagkakataong ito ay muli nanaman siyang nagpapasalamat kay Uzuri... kung hindi siguro dahil sa kakaibang Scroll na ibinigay ng Diwata, marahil ay wala nang Allastor na Lumalaban at patuloy na humihinga.

hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang binata, agad niyang tinakbo ang Kalooban ng Kagubatan.

hindi niya batid kung paano niya makukuha ang Soulpowder. ngunit nagtitiwala pa rin siya na makukuha niya ito ng isang-daang porsiyento.

***

sa kalooban ng kagubatan ng Uzuri ay bahagyang nagsasanay ang mga binata't dalagang Elf sa paggamit ng Pana at Espada. masasaya ang mga ito at mahahalata ito sa kanilang mapayapang mga ngiti... ngunit sa kabilang banda naman ay mayroong paring isang malungkot at dismayadong Elf. kasalukuyan itong nagbabantay malayo sa kabahayan ng mga Elf, at ito ay walang iba kundi ang pinakamatandang Elf na si Zulruack... mag dadalawang-araw na siyang nagbabantay rito ngunit wala parin ni isang Golden Hob Goblin ang kaniyang nakikita... sa isipan ng matanda ay kung hindi manlang siya nakikita ng isa man sa mga ito ay siguradong napakababa ng Depensa ng kanilang pagbabantay na napaka imposible dahil sa talas ng pang-amoy at pakiramdam ng mga Golden Hob Goblin...

maya-maya pa'y may isang kaluskos ang Lumitaw malapit sa lokas'yon ng Matanda at agad na iniluwa ng pagkaluskos ang isang bata at sipuning Golden Hob Goblin.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now