Chapter 6

57 11 0
                                    

CHAPTER-6: Supreme inside you

------------------------------------------------------------

Sa isang madilim na kwarto ay makikita ang isang binata na nagbabasa ng lumang libro. Maputi ang kutis ng binata, itim na itim ang mga buhok nito at kulay pula naman ang kaniyang mga Mata.

Ilang saglit pa ay agad na may kumatok sa kaniyang silid at ilang saglit lang ay walang pangamba niya rin itong pinapasok.

"Anong balita?" Ani ng binata sa pumasok na dalaga sa kaniyang silid.

"Head General! Dumating na po ang mga sulat ng mahal na hari para sa iyo! Bukod pa rito ay may isa pa pong sulat dito at hindi ko alam kung kanino ito galing!". Sambit ng dalaga habang inilalahad ang mga sulat sa binata.

Nang matanggap ng binata ang nakalahad na sulat ay una niyang binuksan ang sulat na hindi niya alam kung kanino galing.

Babasahin na niya sana ang sulat, ngunit napatigil na lamang siya nang mapansing nandito pa rin sa silid niya ang dalaga.

"woops. Maaari ka nang lumabas binibini" mahinahong utos naman ng binata sa dalaga.

"Maraming salamat Heneral!", magalang na pagsangguni ng panauhin.

"'Wag mong kakalimutang isara ang pinto!" utos muli ng binata.

Ilang saglit pa ay sinimulan nang basahin ng binata ang sulat.

Nang makita ng binata ang nakalimbag sa sulat na ito ay agad siyang napangisi. Alam na agad niya kung kanino ito galing at hindi maganda ang kutob niya sa taong ito.

Kahit na hindi pa niya natatapos ang pagbabasa sa sulat ay ginusot na niya ito at agad na itinapon sa basurahan...

Matapos pa ang ilang segundo ay binuksan niya naman ang sulat na mula sa Hari at nagpatuloy pa sa pagbabasa.

--Kreo Capital's Royal town--

Sa isang magarbong pamayanan. Na kung saan ay matatagpuan naman sa gitnang bahagi ng Kreo Capital ay mapapansin ang mga detalyadong pagkakahanay ng mga gusali at tarangkahan rito. Ito ay sapagkat ang pamayanang ito ay pagmamay-ari ng mga Opisyales at mga mahaharlikang Adventurers sa loob ng Kreo Capital.

Ang pinaka mataas sa lahat ng mga Opisyales ay ang Royal King, at ang Royal king o Hari naman ay sinusundan ng anim na mga Royal-Generals. Bukod pa rito ay nandiyan din ang Walong mga Commander, daan-daang mga Royal-guards, at pati na rin ang mga Resources-receptionists na siya namang kinabibilangan ni Guild receptionist Joy.

Dahil sa taglay na ganda ng pamayanang ito, ay tinatawag itong 'Royal Town'. O ang pamayanan ng mga mahaharlika.

***

Sa silangang dako ng Royal-town ay makikita naman ang isang binata na naka-sandal sa silong ng malaking puno. Nakatingin lamang sa malayo ang binata habang nilalaro ang hawak niyang kutsilyo...Nakasuot din ito ng pilak na Armour at nakatatak sa kaliwang dibdib ng binata ang isang Gintong agila... Ang kaniyang mga mata ay kasing asul ng mapayapang kalangitan, ngunit malinaw na makikita sa mga mata nito ang payak na kasamaan. Kulay dilaw din ang buhok ng binata at bagay na bagay ito sa kaniyang napaka puting kutis.

Ilang saglit pa ay mabilis na nag-iba ang pagkilos ng mga kamay ng binata, at inihagis niya ang kutsilyo sa gumagalaw na hanay ng mga halaman.

*Tsuuo!*

"Woops! Muntik mo nanaman akong tamaan Heneral Zara. Ako lang ito, isa sa iyong mga kaibigan...Kailan mo ba babaguhin ang iyong pamamato ng kutsilyo kung saan-saan?". Sambit ng isa pang binata na lumabas mula sa mga hanay ng halaman. Nakasuot din ito ng pilak na Armour, may kulay pulang mga mata at itim na buhok... Maamo rin ang mukha nito na para bang isang anghel, at ang kaniyang mga mata naman ay walang bahid ng kasamaan.

Allastor Frauzz(Raw Version)Место, где живут истории. Откройте их для себя