Chapter 22

43 11 2
                                    

Chapter--22: The Goodside of monster

"Physical Skill: Fast Teleportation!". bahagyang sigaw ng binata habang ang kaniyang katawan ay mabilis na sumusulpot at naglalaho sa kung saan-saan...

*Pishuu!*

*Pishuu!*

*pishuu!*

sa loob ng Reampalgo forest, sa dakong loob ng kagubatan kung saan matatagpuan ang maliit na hardin ng mga Running-rabbits ay makikita ang isang binata na subok na hinuhuli ang mga mabibilis na kuneho.

gamit ang kaniyang warping skill na teleportation ay pilit siyang sumasabay sa bilis ng mga Running-rabbits... ang binatang ito ay mayroong madilim na pulang pares ng mga mata, maputing balat at kulay abong mga buhok. siya ay si Allastor na kasalukuyang pilit na kinukuha ang Soul-plant mula sa bibig ng mabibilis na mga kuneho... ang totoo nga niyan ay hindi lang Soulplant ang bit-bit ng mga kuneho, bagkus ang iba rito ay malalaking bato ang dala-dala.

at dahil sa sobrang bilis ng mga kuneho ay mabilis na nagpapalitan ang mga ito ng puwesto at madalas na Bato ang nakukuha ng binata kapag sinusubukan niyang makipag-tagisan ng bilis sa mga ito.

ilang minuto pa ang lumipas at patuloy pa rin sa panghuhuli ng Running rabbits ang binatang si Allastor...lubhang napaka bilis na ng galaw ng binata at habang tumatagal ay mas lalo pa itong bumibilis...ganoon pa man, pati ang kunehong kaniyang sinusubukang hulihin ay mas lalo ring bumibilis, kaya pawang walang say-say lamang ang ipinapamalas na bilis ng binata...

ilang saglit pa ay dahan-dahan na humakbang pa-atras ang binata at lumabas ang isang makabuluhang ngiti mula sa kaniyang labi,

"talagang hindi kayo magpapahu-li" mariing sambit ng binata habang ikinukumpas paitaas ang kaniyang Espada,

"kung mabibilis talaga kayong gumalaw ay subukan niyo nalang na tumakas sa atakeng ito! Sword skill: Blade Disaster Ex!" sinserong sambit ni Allastor.

kahit na hindi mabasa ni Allastor ang status ng mga running rabbits na ito, sigurado naman siyang hindi ito mas malakas kung ikukumpara sa isang Demon-warning Unique creatures, ganoon pa man,sigurado rin siyang mas mataas ang speed status ng nilalang na ito kesa sa kaniya...ang totoo nga niyan ay sinubukan na ni Allastor na alamin ang Status ng mga ito gamit ang kaniyang Keen eye skill, ito ay noong makarating siya rito sa munting hardin, ngunit katulad ng mga Banshee ay hindi rin nagtagumpay ang binata na makita ang Status ng mga nilalang na ito.

ilang saglit pa ay marahas na naipon ang kulay puting Enerhiya mula sa Espada ng binata at habang tumatagal ay mas lalo pang kumakapal ang bumabalot na enerhiya mula sa Espada nito.

nang maka-ipon na ng sapat na enerhiya ang binata ay agad itong nag wika, "ngayon na" mahinang sambit ng binata habang dahan nang ibinababa ang kaniyang Espada.

*WUSHHHHH!!!*

isang marahas na hangin ang kumawala mula sa espada ng binata, at habang tumatagal ay mas lalo pang lumalaki at lumalakas ang marahas na hangin.

wala pang ilang segundo ay agad na pinalibutan ng makapal na buhawi ang maliit na hardin ng kuneho, bukod pa rito, kapansin-pansin din ang mga matatalim na espada na sumasayaw at sumasabay sa pag-ikot ng buhawi... sa pagkakataong ito ay mas marahas na at mas malaki na rin ang sakop ng hangin..sa sobrang lakas ng malaking buhawi ay halos sumama na rin ang mga maliliit na halaman mula sa parte ng kagubatang ito, bukod pa roon ay tagumpay na sumama ang mga Kuneho sa marahas na pag-ikot ng malaking buhawi!

*Slash-slash-slash!!!*

?!!!

matapos marinig ang pagdagundong ng mga Espada mula sa umiikot na buhawi ay bahagyang nagtalsikan ang hati-hating katawan ng mga Running-rabbits sa iisang direksiyon, at pagkatapos noon ay dahan-dahan na ring humuhupa ang buhawi at unti-unti nang naglalaho ang mga sumasayaw na espada mula sa loob nito.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now