Chapter 9

42 9 0
                                    

Chapter--9: Best of Beast.

.
Tila manlaki ang mata ng lahat kasama na ang kaniyang katunggali, nang masaksihan nila ang Kwintas ng Binata na may nakasulat na numero 61... hindi ito Silver Rank! Kundi isang Platinum Rank Adventurer!

Ang dahilan kung bakit hindi nahalata ng lahat sa mga manonood, at maski si Zara ang tunay na Antas ng Misteryosong binata ay sa dahilang Magkalapit na magkalapit ang kulay ng Pilak sa kulay ng Platinoma.

Hindi pa sila nakakakita ng platinum Rank Adventurer, kaya naman hindi sila pamilyar sa kulay na tinataglay ng kwintas na ito. Maging sa buong Kreo kapitolyo man ay Imposible na ang makatungtong sa ganitong kataas na Antas ng lakas, kaya naman lalo pang naging misteryo at magulo ang tunay na katauhan ng binata.
---

Sa kabilang banda ay tulala pa rin ang Binatang si Zara sa kaniyang katunggali. Mistulang nakagapos na ang kaniyang mga paa sa lupa sapagkat hindi na niya ito maigalaw. Lubhang napupuno na rin ng pagkatakot ang buong katawan ng heneral, at hindi niya gusto ang pakiramdam na ito.

Ayaw niyang gumawa ng kahit na anong kilos dahil natatakot siya sa maaaring iganti sa kaniya ng binatang kaniyang katunggali. Napahiya na siya ng maraming beses at ayaw na niya pang mapahiya.

"Natalo ako", Mapait na sambit ng nakayukong si Zara. tila makikita ang madilim na Ekspresiyon sa binata at ang walang buhay nitong mga mata...

Nang marinig naman ni Allastor ang Pahayag ng Kaniyang katunggali ay inilahad niya ang kaniyang kanang Kamay upang tulungang maka tayo't makamayan ang katunggali.

Ang pakikipag kamay sa katunggali ay tanda ng paggalang dito. ngunit ng makita ni Zara ang nakalahad na kamay ni Allastor ay hindi na niya ito binigyang pansin pa. Tumayo na lamang ang binata at nilampasan ang binatang si Allastor na nakalahad pa rin ang kanang kamay.

"WOOOOOOOAA!!!", Sabay sabay na sigaw ng ilan sa mga manonood, kasabay ng pag-bato nila sa kani-kanilang mga armas.

Ang mga sumigaw na ito ay ang siyang tumaya kay Allastor. Lima lang ang mga ito at mukhang baguhan pang mga Adventurer.

Sa kabilang banda ay makikitaan ng lungkot ang malaking grupo ng mga adventurer. Ang kanilang naging pag-taya ay naudlot, at nalagasan pa sila ng napaka raming halaga ng salapi.
***

sa loob ng Palasyo sa Kreo Capital ay makikita ang isang Hari na nag-ngangalang Geovacio Marcus XXIV at nakaupo ito sa kaniyang Ginintuang Trono. Pa pikit na ang mata nito dahil sa katandaan at kaunting taon na lamang ay puputi na ang lahat ng buhok at balbas nito.

siya lang naman ang ika-Dalawampu't apat na naging hari at ang kasalukuyang Hari ng Buong Kreo Capital. Hindi matatawag na Kapitolyo ang Kreo Capital kung hindi ito pinamumunuan ng isang Hari.

wala pang ilang sandali ay may isang tagapagsilbi ang dumating at lumuhod sa tapat ng hari...

naguluhan naman ang matandang hari kaya hindi nito napigilang magtanong, "Ano't napadpad ka rito?...Hindi Ba't inutusan kitang Ihatid ang mga Salapi sa Opisyal ng Adventurer's Guild at gawin na ang iyong pang araw-araw na Trabaho?".

na mayroong paggalang, ay bahagyang itinaas ng tagapagsilbi ang kaniyang Ulo at sinabing, "Nakatataas na Hari!".

napalunok muna ang nakaluhod pa ring tagapagsilbi bago muling nagsalita, "Habang papunta Ho ako sa pamunuan ng Adventurer's Guild ay Mayroon ho akong nasaksihang duwelo sa pagitan ng Dalawang binatang Adventurers! ang isa sa kanila ay nagtataglay ng Maalamat na Platinum Rank, at umabot na ang antas nito sa Level 61!".

nang marinig ng hari ang balitang ito ay napatayo siya sa kaniyang Trono, at marahas na naipadyak ang kaniyang nanghihinang paa sa sahig, "Totoo ba ang sinabi mo?!"

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now