Chapter 19

60 10 2
                                    

Chapter--19: Destination to Reampalgo Forest!

patuloy lamang na naglalakad ang Binata papalabas ng Uzuri's Forest. hindi katulad kanina, ay hindi ito dumadaan sa Aktuwal na lagusan papalabas ng Kagubatan.

sa isipan ng binata, kung dadaan siya sa Orihinal at aktuwal na lagusan ay makakasalubong niya ang kaniyang Guro... hindi muna gusto ng binata na makasalubong ang kaniyang Guro sa ngayon...

ayaw niyang malaman ng kaniyang Guro na magtutungo nanaman siya sa isang Mis'yon... sapagkat, kapag nalaman ito ng kaniyang Guro ay tiyak na magpupumilit itong sumama sa kaniya...

alam na ng binata na sisikapin ng kaniyang Guro na tumulong at samahan ang binata, sapagkat ayaw na niya itong mapahamak pang muli... bukod pa sa kadahilanang ito ay nais din ng binatang si Allastor na magkaroon ng kasanayan sa iba't-ibang mga kakaibang lugar... at ang isa pa ay nais pa niyang mapayaman ang kaniyang kaalaman bilang isang manglalakbay o Adventurer...at ang lahat ng ito ay ninanais niyang paghirapan gamit lamang ang kaniyang sariling kakayahan.

ngunit sa kabila ng pagiging determinado ng binata ay hindi parin niya maiiwasan ang mangamba...

nangangamba siya hindi dahil sa pagkatakot. nangangamba ang binatang si Allastor sapagkat naiisip niyang baka matagalan siya sa paglalakbay na ito... sa kabila ng lahat ay nais parin ng binata na makita ang pagsisilang ni Uzuri sa kanilang magiging Anak. at upang matupad ang hangarin na ito ay kailangan niyang tapusin ang misiyon na ito sa lalo't madaling Panahon.

***

sa loob ng kagubatan ng Reampalgo Forest ay malinaw na makikita ang hindi kilalang nilalang na nasa loob ng luma at abandonadong Bahay...nakasuot ito ng luma at gusot gusot na itim na Roba, habang sa palagid niya naman ay isang Makalat na kapaligiran...mistulang hindi maaaring tirahan ng nilalang ang ganitong Uri ng Tahanan...wala itong Ilaw at tanging kandila lamang ang nagsisilbing liwanag sa loob ng Maduming bahay na ito...sira-sira at may mga lamat na rin ang ding-ding at sahig nito na gawa sa kahoy...bukod pa rito ay mapapansin din ang mga nakakalat na Libro, mga piraso ng maduduming papel, at mga piraso ng iba't-ibang nabubulok na parte ng mga Halaman...

ilang saglit pa ay isang ngisi ang kumawala sa Labi ng Nilalang na ito at bahagyang bumalalas ang Maingay at garalgal na Boses nito, "mukhang magiging kapana-panabik ang pagpunta ng Binatang 'yon sa Kagubatang ito... wahahahaha".

***

sa mapayapa at magandang kagubatan ng Uzuri, ay mayroong mga pamayanan na nakatayo sa pinaka malalim na bahagi ng kagubatang ito...sa loob ng pamayanan ay matatagpuan ang isang Dalagita na nasa kaniyang silid sa pinaka maganda at pinaka mataas na Gusali. ang dalagitang ito ay walang iba kundi si Uzuri.

mapapansing nakatitig lamang ang dalagita sa kaniyang tiyan at bahagya niya itong hinihimas... hindi malaki at makikitang buntis ang Tiyan ng Elf na ito. natural na kasi ang ganitong bagay sa Nagdadalang-tao na Elf...sad'yang hindi lumalaki ang mga T'yan ng Buntis na Elf kung nagdadalang Tao ito, ito ay dahil iba parin ang kanilang lahi sa isang Aktuwal na Tao. sinasabi rin na ang mga Elf ay isang uri ng Demi-Human O isang nilalang na malaki ang pagkakatulad sa isang Tao...ngunit sa kabila ng pagkakatulad na ito ay siyang pagkakalayo naman ng Dalawang lahing ito sa larangan ng Pag-unlad at Pisyolohikal na katangian. mabilis na lumalakas ang mga Elves Kumpara sa isang Tao, at madalas na mga Magic Caster din ang Mga Elves kumpara sa Pisikalismong mga Tao, O ang taong Lumalaban gamit ang kani-kaniyang Pisikal na Lakas.

"Magiging Malusog kang Anak...kapag naisilang na kita ay nais kong samahan mo ang iyong Ama sa kaniyang paglalakbay at huwag kayong magkakalayo", aniya habang nakatitig na hinihimas ang kaniyang tiyan.

ilang sandali pa, habang hinihimas ng Dalagang Elf ang kaniyang Tiyan ay dahan-dahan siyang napakapit ng mahigpit sa kaniyang Damit...sumasakit na ang kaniyang Tiyan na tanda lamang na napakalapit na ng kapanganakan ng Elf na ito...

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now