Chapter 11

65 12 2
                                    

Chapter--11: Dark Night and Sorrow

Ilang oras na ang lumipas, patuloy pa rin sa pag takbo ang Legendary Warning creature na si Earthor... Habang tumatagal ay mas lalo pang dumidilim ang kapaligiran, at ang tanging liwanag na makikita na lamang ay siyang nanggagaling mula sa malayong distansya sa teritoryo ng Kreo Capital.

Sa kasalukuyan, ang dalawa nina Earthor at Allastor ay patungo na sa liwanag na kanilang natatanaw. Hindi nagsasalita ang binata at pinagmamasdan niya lamang ang mabilis nilang pag-tungo sa Kapitolyo ng Kreo.

'Ang kaniyang tagapag-likha?... Posible bang nasa Kreo Capital ito? Pero imposible; sinong Adventurer doon ang may sapat na lakas upang komontrol sa Legendary Warning na Unique creature?' Sa isip ni Allastor.

Bagaman paralisado ang katawan ng binata sa pagkakahawak ng malaking nilalang sa kaniya, nananatili lamang siyang kalmado. Sa katunayan nga niyan, marami siyang bagay na iniisip ngayon. Ang una ay ang kaniyang mga kaibigan na nasa kapitolyo ng Kreo, pangalawa ay ang duwelo na ipinangako niya kay Heneral Ayano, at ang huli, ang misteryosong tagapaglikha ng nilalang na nakahawak sa kaniya.

Patungo sila ngayon sa direksyon kung saan nakatayo ang kapitolyo, at hindi maatim ng binata kung nandoon ba ang sinasabing tagapaglikha ng Unique creature na si Earthor. Sa ngayon, isang tao lamang ang pumapasok sa isipan ng binata, at posibleng ang tao ring ito ang sinasabing tagapaglikha ng maalamat na nilalang. Ito ay walang iba kundi ang Pinakamalakas na Adventurer sa buong Kreo Capital, si Heneral Ayano.

Noong nakikipagsapalaran si Allastor sa mga Dark-Mantis, nagpakita ang pigura ng Heneral sa kaniya. At sa kamay ng heneral ay ang ulo ng isang Epic Warning creature, ang Darkest Mantis. Maitutumbas na ang lakas ng Epic Warning creature sa Platinum rank o higit pa, kaya naman posibleng nalampasan na rin ni Heneral Ayano ang Lakas ng isang Gold-rank. Ganoon pa man, agad na nagbago ang isipan ng binata. Dahil sa ngayon, biglaan na nagbago ng ruta ang Dambuhalang Golem. Patungo siya ngayon sa kadiliman at wala ni isang liwanag ang matatanaw sa lugar na iyon... Dahil dito, agad na nawala sa isipan ng binata ang posibleng tagapaglikha ng nilalang... Ganoon pa man, hindi pa rin nawawala sa kaniyang isipan kung ano nga ba ang totoong antas ni Heneral Ayano.

***
--Kapitolyo ng Kreo Capital, Lungsod ng Mahaharlika--

"Mahal na hari, napatawag kayo?" Isang binata na mayroong kulay dilaw na buhok ang kasalukuyang nakayuko sa Trono ng isang may edad na lalaki. Ang binata ay mayroong Asul na pares ng mata, dilaw na pares ng paitaas na kilay, at bumabagay ito sa kaniyang kutis na porselana. Siya ay si Zara, isa sa mga Heneral ng kapitolyo, habang sa kaniyang unahan naman ay ang Kasalukuyang hari ng Kreo kapital, ang kagalang-galang na GeovacioXXIV.

Napahawak sa balbas ang matandang hari nang marinig ang tugon ng binata. Matapos nito ay inalis niya ang kamay sa kanoyang puting balbas at inihawak ito sa kaniyang trono,"Heneral Zara, nabalitaan kong nagkaroon ng Duwelo sa pagitan niyo ng hindi pa nakikilalang Platinum rank Adventurer. Maaari mo bang ikuwento sa akin ang mga pangyayari sa labang iyon?"

'Akala ko ay nakagawa ako ng maganda ngayon kaya ako inimbitahan sa palasyo, ngunit hindi pala para sa akin ang imbitasyon ng matandang ito... Sumusobra na talaga ang dalawang binatang iyon' , nagngi-ngitngit na sambit ng binata sa kaniyang isip, habang naaaninagan ang pigura ng dalawang binata na kaniyang kinaiinisan.

Maya-maya pa ay tinanggal na ng binata ang kaniyang mga iniisip, at tumingin na lamang ito na mayroong paggalang sa Matandang hari,

"Tama po kayo Mahal na hari, ngunit hindi niyo na po ako kailangang tawagin sa aking posisyon bilang inyong Heneral. Ikukuwento ko po sa inyo ang mga pangyayari." Aniya

***

Sa madilim na espasyo, Patuloy pa rin nina Earthor at Allastor na tinatahak ang napakadilim na direksyon. Iniisip ngayon ni Allastor kung bakit para bang pamilyar siya sa direksyon na ito, at ang bawat paghakbang na ginagawa ng nilalang ay para bang gumagawa ng mahinang koryente sa katawan ng binata.

Allastor Frauzz(Raw Version)Kde žijí příběhy. Začni objevovat