Chapter 4

63 11 0
                                    

Chapter--4: Skill replication

--------------------------------------------------

Kasalukuyan kong hinahabol ang ikalawang Grassmonster na aking kailangang patayin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bago kong lakas. Level 6 Bronze rank sa kaunting oras lamang! pambihira!!... Hindi na ako makapaghintay na tumaas ulit ang antas ng lakas ko!

Dahil sa bugso ng damdamin ay mas nananabik pa akong habulin ang nilalang na ito.

"akala mo makakatakas ka saakin madamong nilalang!?...Hindi ko hahayaang mangyari 'yon!" nakangising bulalas ko habang patuloy na hinahabol ang Grassmonster na ito... Dalawang grassmonster na lamang at matatapos ko na ang aking quest... Hindi ko na dapat pang palampasin ang ganitong bagay. At ang isa pa, maaaring tumaas muli ang aking level sa pagpatay sa nilalang na ito.

Nang makalapit na ang agwat ko sa Grass monster ay bahagya ko nang itinaas ang aking Espada at handa nang ibigkas ang aking skill,

At sa ilang saglit pa,

"Tuloooooong! pakiusap! kung sino mang nandiyan!" isang malakas na sigaw ng binata ang nagpahinto sa aking paggalaw...

*Bush~Bush~bush~*

Nang muli kong sundan sa aking paningin ang Grass monster ay bahagya na lamang akong napakamot sa aking ulo... Malayo na ang itinakbo nito at nasa mas mataas na itong mga talahib...

"Babalikan kita sa susunod na araw madamong nilalang. Sa ngayon ay may kailangan muna akong unahin", taimtim na sambit ko habang patuloy pa ring nakatitig sa lumalabong pigura ng Grass monster.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Kakaiba ang aura sa mga narinig kong pagsigaw, at kahit nakakaramdam ng kaunting pagaalinlangan ay hindi ako nagpadala rito...

Agad kong isinabit ang kahoy na espada sa aking tagiliran, at ilang saglit pa ay dali-dali ko nang tinunton ang pinanggagalingan ng sigaw...

---

Nang makarating ay bahagya na lamang akong napahinto sa aking nakita.

Isang nakahandusay na binata... Wala mang kahit na anong galos, ngunit nahihirapang makatayo. At sa kaniyang harapan...

'isang Orc!' bulalas ko na lamang sa aking isipan.

Sa ilang pagmamasid pa ay napansin ko na lamang na hindi ito isang ordinaryong Orc na mababasa sa mga libro. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong Klase ng Orc. Ang nilalang na ito ay mayroong malaking katawan...Dalawang beses din ang sukat ng kabuuhan nito kung ikukumpara sa akin, naka suot din ito ng kulay kayumangging bahag na mayroong nakaburda na malaking bulsa, at ang higit sa lahat, kakulay ng sariwa't kulay berdeng dahon ang kutis ng nilalang na ito.

"WAAAA!!! Ikaw! tulungan mo ako pakiusap!" nag mamakaawang sigaw sa akin ng nakahigang Binata habang papalapit na sa kaniya ang isang Higante't kulay berdeng nilalang...

Basi sa Kwintas ng binata ay isa na itong ganap na Silver rank... at kung ang Silver rank na ito ay umurong ang tapang, isa lamang ang ibig sabihin noon. Iyon ay walang iba kundi maaaring mas mataas ang ranggo ng berdeng nilalang kesa sa binata!

---

Wala akong balak na gamitin sa binatang ito ang aking Keen eye skill, sapagkat mas kailangan ko muna itong gamitin sa kakaibang nilalang na ngayon ko lamang nakita...Nakararamdam ako ng kakaibang presensiya sa kaniya at gusto ko itong malaman...

<Keen eye skill has been activated>

.

<Gathering Information...>

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now