Chapter 13

49 8 2
                                    

A/
----------------------------------------------------------
Chapter--13: The New Beginning

Maraming nangyari noong gabing iyon, at nalaman din ni Allastor na nagdadalang tao si Uzuri at siya ang Ama! Bukod pa rito ay nagkaroon din sila ng Anak noon, at pangalawang anak na nila ang susunod na isisilang ni Uzuri! Ganoon pa man, hindi kilala ni Allastor kung sino ang kanilang naunang Anak, at bukod pa rito ay siguradong mababawian ng buhay si Uzuri kapag naisilang na nila ang kanilang pangalawang Anak. Ganoon pa man, kahit anong gawin ng binata ay hindi niya matatakasan ang kaniyang Tadhana.

Ilang araw din siyang nananatili sa kagubatang ito. Maraming nangyari, at ngayon ay tinatawag siya ng mga mamamayan ng Uzuri bilang kanilang Hari. Ipinakilala siya ni Uzuri bilang ikalawang pinuno ng Uzuri's Forest, at dahil doon, nais ni Allastor na maging mas malakas pa upang maging kwalipikado sa kaniyang bagong pusisyon. Nasabi rin kay Allastor na ang lahat ng tao na humawak sa Skill na Keen-eye ay iisang tao lamang na nabuhay ng paulit-ulit sa mundong ito! Ito ang nasa propisiya! Ang itinakdang tagapagligtas ng buong mundo!

Sa loob ng maraming linggo ay sinamahan din siya ni Earthor upang mangaso, at ngayon, isa na siyang Diamond Rank Adventurer!
*****

Sa loob ng kagubatan ng Uzuri ay Matikas na nakatayo ang binatang si Allastor...habang sa tapat niya naman ay ang maalamat na Golem na si Earthor.

sa ngayon ay ninanais muna ng binatang si Allastor na manirahan sa kabahayan ng Uzuri. nais niyang masanay sa mga nilalang na kaniyang nakakasalamuha. at bukod pa rito'y napukaw rin ang isip ng Binata sa naging Alok ni Earthor sa kaniya...inalok siya nito ng isang kakaibang pagsasanay...ang dahilan kung bakit pumayag ang binata sa pagsasanay ay dahil Huminto na siya sa Paglelevel Up ng mabilis... hindi alam ng binata kung bakit nangyari ito pero tumigil na lamang ang kaniyang antas sa Level-85.

"Allastor nais Kong sumunod ka saakin...ito ang iyong magiging ika-unang pagsasanay"...sambit ni Earthor na ngayon ay humahakbang na papunta sa pinaka maliit na bahay... wala pang ilang segundo ay sinundan naman ito ni Allastor bilang kaniyang tugon.

nang makarating ang dalawa sa pinaka maliit na bahay ay bahagyang kumatok si Earthor sa napakaliit na pinto.

*Crash!*

tila napangiwi na lamang si Allastor nang bumagsak ang buong bahay dahil sa Katok ng maalamat na Golem.

matapos ang pagbagsak na iyon ay lumabas ang isang Napakatandang Elf at ang Kasalukuyang antas nito ay Level 160 at isa rin itong Blood Diamond Rank...wala nang mga buhok ang tumutubo sa ulo nito. ngunit napakahaba naman ng Balbas at bigote ng matandang ito. at kapansin-pansin din ang isang lumang libro na nakaipit sa kaliwang Kili-kili nito.

"Walang Kwentang Bato!!...Tingnan mo nanaman ang ginawa mo sa bahay ko!!?" galit na sigaw ng matandang Elf at akma na itong susuntok sa Direks'yon ni Earthor.

*Bwuushh!*

nagkatamaan ang kamao ng Dalawa at lumikha ito ng isang malakas na ingay. ngunit makikitang mas lamang pa ang suntok ng matanda kesa sa maalamat na Golem na si Earthor.

"Tingnan mo nga naman...Sino ba ang binatang kasama mo?". tanong naman ng matanda nang mapadako ang tingin nito kay Allastor.

"Master Zulruack nais kong ipakilala sa'yo ang binatang ito... siya ang binatang nag-tataglay ng pambihirang Keen eye Skill at bukod pa rito ay Mayroon siyang Natural Skill na Glow!". sambit naman ng maalamat na Golem sa Matandang si Zulruack.

"Sinabi mo bang Keen Eye Skill?!... Kung ganoon ay nagbalik kana Mahal na hari!". papugay naman ngmatandang Elf habang naka yuko.

"hindi mo na ho kailangang yumuko tatang...hindi ho ako sanay na gumagalang saakin ang mga nakatatanda". sambit naman ni Allastor.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now