Chapter 21

50 11 3
                                    

________________________________________
Chapter--21: All hale Allastor!
_________________________________________

habang pinagmamasdan ng binatilyo ang Dalaga na pinapalutang ang mga kagamitan ay hindi mapigilan ng Binatang si Allastor ang Humanga... para sa kaniya ay napaka-dalang at napaka-ilap ng ganitong pangyayari, naaalala niya tuloy ang kaniyang kabataan noong siya'y nasa pangagalaga pa lamang ng kaniyang Amain, pinapangarap dati ng binata na makasaksi ng Herbalist na gumagawa ng isang Gamot O produkto ng harap-harapan. at ngayong nasa harapan na niya ang bagay na noon pa niyang inaasam ay sinsero lamang siyang nakatingin habang sa mga mata niya naman ay mababakas ang isang tuwa at pagkahanga.

Nakasunod lamang ang mga mata ng Binata sa nakalutang at umiikot na mga bagay sa Itaas ng Dalaga... habang ginagawa ito ng dalaga ay bahagya at dahan-dahan ding umiilaw ang kaniyang Kabuuahan.

"Magic Skill: Necromancer Type, Object Fuse!"

*wusssshhh*

matapos bigkasin ng dalaga ang kakaibang Magic Skill ay bahagya namang nag liwanag ang buong kapaligiran... dinapuan din ng panlalamig ang Pisikal na pangangatawan ng binata habang dahan-dahan na lumalapat ang liwanag sa maputing balat nito...bukod pa rito ay unti-unti na ring kinakain ng liwanag ang pigura ng dalaga hanggang sa tuluyan na itong matakpan ng napakatingkad na liwanag.

*ting~*

ilang saglit pa ay dahan-dahan na ring humihina ang liwanag at unti-unti ng naaaninag ng binata ang dalaga.

na mayroong paghanga ay bahagyang mababakas ang kasiyahan sa mga mata ni Allastor... Nakikita na niya ang Pino at mistulang buhangin na Soul Powder!

matapos makita ang bagay na iyon ay bahagya ng lumapit ang Binata kay Luna at nauutal na sinabing, "i-ito na ba?... Ito na ba ang Soul Powder?"

humarap lamang ang dalaga sa binata at walang buhay na sinabing, "Kulang pa, hindi pa sapat ang mga sangkap... Soul Dust pa lamang ito at hindi pa ganap na Soul Powder...kinakailangan pa ng isang sangkap upang magawa ang bagay na 'yon"

nang marinig ito ng binata ay agad na nawala ang kagalakan sa mga mata nito,

"p-pero... anong sangkap pa ba ang nawawala?", marahang ani Allastor

"Soul Plant". ani Luna...tumingin pa muna ang Nag-uusig nitong mga mata sa binata bago muling nag patuloy, "Sa Likod ng abandonadong Bahay na ito ay matatagpuan mo ang isang Maliit na Hardin... sa harding iyon naninirahan ang mga Running rabbits at ang bawat isa sa kanila ay mayroong kagat-kagat na Soul Plant... kailangan mo lamang na habulin at hulihin ang mga ito at makukuha mo na ang Soul Plant--pero..." pag puputol nito. tumingin tingin muna ang Dalaga sa butas na bubong bago muling nag patuloy, "mag-gagabi na at kailangan mo na munang matulog, Ang mga halimaw dito ay Lumalakas ng Dalawang Beses sa oras na kumagat na ang dilim. kaya naman mas makabubuti kung maghihintay ka na munang sumapit ang Umaga bago muling Umalis"

"p-pero..." nagaalangang sambit ni Allastor.

hindi maayos na makapag desisyon ang binata sapagkat kinakailangan niyang madaliin ang pagkalap sa Soul powder at ang pag-alis sa gubat na ito...at upang maisagawa ito ay hindi rapat siya nagsasayang ng oras.

sa kaloob-looban niya ay gusto niya paring masilayan ang pagsisilang ng Dalaga sa kanilang magiging Anak... at upang makasiguro na nasa tabi siya ni Uzuri sa Oras nang kapanganakan nito ay dapat na bilisan niya sa kaniyang Misyon.

nais man ni Allastor noong una na ilaan na lamang ang kaniyang Oras sa Diwata ay agad naman na tumutol si Uzuri sa Desisyong ito... para kay Uzuri ay mas mabuti na maging mas malakas pa si Allastor nang sa ganoon ay maprotektehan nito ang kanilang magiging Anak... wala namang nagawa si Allastor sa Desisyong ito sapagkat isa rin iyon sa kaniyang Hangarin at bukod pa rito ay hindi rin dapat siya mag-aksaya ng oras dahil sa kaniyang kamay pa rin nakasalalay ang ikaliligtas ng buong mundo laban sa mga Diablo ng Demon Nation... ngunit kahit ganoon pa man ay nais pa rin ni Allastor na tuparin ang kaniyang pangako sa kaniyang sarili... ito ay ang manatili hanggang sa huling hininga ni Uzuri.

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now