Chapter 26

58 12 2
                                    

.
--------------------------------------------------------------

Chapter--26: Blood lust

Mula sa malapad na entablado ng Adventurer's guild's Testing-room, ang dalawa nina Allastor at Renzo ay parehong nakahanda na. Dahan-dahang lumakad papa-lapit si Allastor kay Renzo, at habang lumalapit siya nang lumalapit ay pabilis nang pabilis ang kaniyang pagsugod.

Nang maka-lapit na siya sa sapat na distansya, ay mabilis niyang sinipa ang Mama. Gayunman, ngumiti lamang dito si Renzo. Mabilis niya rin kasing nailagan ang pag-sipa ni Allastor. Pero, sa kabilang banda ay nakangiti si Allastor sa loob-loob niya. Pinipigilan niya lamang ang kaniyang lakas ngayon upang maipantay kay Renzo. Hanggat maaari kasi ay hindi niya gustong maging kahina-hinala.

Habang nasa Ere ang naka-sipa na kanang paa ng binata, agad ding isinipa ni Allastor ang kaliwa niyang paa, pa-halang sa mukha ng Testing-fighter na si Renzo.!

*Plaaag!

Ngunit katulad ng hula niya, agad lang itong sinalag ng Mama gamit ang kanan nitong braso. Dadakmain na sana ni Renzo ang dalawang paa ni Allastor, gayunman, mas mabilis ng kaunti ang galaw na ipinamamalas ngayon ni Allastor. Gamit ang dalawa niyang kamay ay tiniinan niya ang ulo ng Testing-fighter, dahilan upang makalukso siya at bumagsak sa likuran ng Mama. Para bang isang bata si Allastor na gumawa ng isang luksong-baka!

Dahil dito, ang kaninang kalmadong si Renzo ay agad na naka-ramdam ng inis. Habang kalalapag pa lamang ng mga paa ni Allastor sa lupa mula sa likuran ni Renzo, agad nang iwinasiwas ni Renzo ang kaniyang Espada kay Allastor! Hindi sanay si Renzo na pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang katunggali, at ayaw na ayaw niya ring hinahawakan ang kaniyang ulo. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay iniinsulto siya ng binata.

*Swooooshh!!

Ang matalim na asul na hangin ay gumuhit pahalang kay Allastor. Ganoon pa man, kahit katatapak pa lamang ng kaniyang mga paa sa lupa ay walang kahirap-hirap niya lamang na nailagan ang atakeng iyon. Ilang saglit pa, pagkatapos na umilag ay agad na tumalon pa-palayo si Allastor.

"Mukhang sa araw na ito ay naka-hanap na rin ako sa wakas ng karapat-dapat na kalaban." Ani Renzo na ngayon ay marahas nang naka-ngiti. Pinipigilan lamang din niya ang kaniyang lakas kanina pa, ngunit ngayon, handa na siyang ipakita ang malaking porsyento nito.

Ngumiti lang si Alllastor sa kaniyang narinig, at bilang kaniyang tugon, agad siyang nag-wika, "Hindi ko rin gusto na nagpipigil kayo ng lakas, Ginoong Renzo."

Sa pagkakataong ito, ito ang unang beses ni Renzo na aatake-pabalik sa kalaban ng maaga. Ipinadyak niya ang kaniyang mga paa dahilan upang bumulusok siya kay Allastor ng napaka-bilis! Nagkaroon pa nga ng malalaking bitak sa kaniyang inaapakan kanina bago siya tuluyang lumipad patungo sa binata!

Madiin niyang hinawakan ang kaniyang Espada at mabilis na iwinasiwas sa direksyon ni Allastor nang Tatlong Beses!!

*SWooosh!!

*sWooooooooosh!!!

*SWoooosh!!

Ganoon pa man, si Allastor ay hindi na nahihirapan pang iwasan ang mga lumilipad na atake sa kaniya. Kung sa paningin ng ibang normal na adventurer, ang atake ni Renzo ay halos kasing bilis na ng kidlat, gayunman, para kay Allastor ay napaka-bagal pa ng atakeng ito. Marahil ay kahit ipikit pa niya ang kaniyang mga mata ngayon ay hindi siya mahihirapang ilagan ang sumasayaw na espada ni Renzo!

Swooosh
SwWoooooosh
SwWoooossssh!
SWoooshh

Patuloy lamang si Renzo sa pagpapaulan ng atake sa kung saan-saang direksyon, pero kahit na anong gawin niya ay hindi niya matamaan si Allastor!

Allastor Frauzz(Raw Version)Where stories live. Discover now