EPILOGUE ^_^

7.7K 172 33
                                    

"Wifey! Bilis bilisan mo? Naghihintay na sina Kuya Gelo at Kuya Yuri sa atin sa labas!" sigaw ni Argel. Nandito ako sa banyo at nag aayos. Kinakabahan kasi ako,kung bakit ba naman pati kami eh invited sa Reunion na yon?

Sya nga pala, graduate na kami,si hubby for the meantime ay dun din sa kumpanya nila nag work,at ako nag aral ulit ng culinary arts. Gusto ko kasi pagbutihin ang pagluluto at saka gusto ko din mapalawak yung Resto bar na pinatayo namin ni hubby :)

Agad na din ako lumabas at sinalubong nya ako ng yakap at halik. Kahit tatlong taon na nakakalipas parang bago at nagsisimula pa lang kami. Which is pinagpapasalamat ko ng husto.

"Ang bango mo wifey,tara na,baka namuti na mata nina kuya sa baba" aniya at bumaba na kami.

"Kuya bakit pati kami nga pala kasama?" tanong ko kay kuya Gelo ng palabas na kami ng bahay,kotse nila ang gagamitin,at nga pala,sarili na naming bahay yan ni Argel,nabili namin 4 months ago,at maganda nyan, tatlong bahay lang ang pagitan ay bahay na nina Inay at Itay o yung dati lang naming bahay.

"Remember,natutuwa sayo sina Kousagi,plus kasama natin ang mga beterano" nakangiting sagot ni kuya Gelo.

"Beterano?" taka naming tanong ni Argel,at pumasok na kami sa kotse.

"Yup,yung tropahan ng kuya ni Kurt, sina kuya Jiian" sagot ni Yuri.

Para naman akong kinabahan,pero oo nga pala,magkakakunek kami,tama na din sigurong makilala ko sila.

"Betereno ba yon kuya? Dapat senior citizen na eh! Hahaha" patawa ni Argel.

"Hala ka! Isusumbong kita sige ka" pananakot ni kuya Yuri,natahimik si Argel kaya natawa naman kami.

Siguro mga 7pm na din kami ng makarating sa Venue. Talagang pinaghandaan ah? Ang sabi bahay daw ito ng parents ni Kuya Jiian.

Pagpasok pa lang namin may sumalubong agad,sina Ate Kousagi at kuya Jepoy >_

Iginiya kami sa designated seats and tables namin. Napaisip nga ako,grabe namang reunion to, ang dami pala naming magkaka rugtong ang kwento ng buhay kung ganon?

"So wifey,ano masasabi mo?" bulong sakin ni Argel.

"Masaya hubby,nakakatuwa sila kasi tanggap talaga nila ang ganitong relasyon" sagot ko. Nakakabilib kase,hindi mo makikitaan ng pagkailang o pangmamata ang mga tao dito ngayon,everybody was happy chitchatting.

"yup,ang sarap at saya nila tingnan" sabi ni Argel.

"Madami dn pinagdaanan ang mga yan bago humantong sa ganyan" singit ni kuya Clyde sa usapan. Actually nagkakilalan na kami lahat kanina,how I wish nandito din ang tropa namin ni Argel.

"Oo nga kuya,at makikita sa inyong lahat ang kasiyahan at contentment" pag sang ayon ni Argel.

"Haha! Tama! Parang kayong dalawa lang din, Ive heard so much about the two of you from Yuri,hindi nga namin ineexpect na magkakaganyan ka Argel" sabi ni Clyde sabay tawa maya maya lumapit sina Dex at Kurt.

"kuya naman!"

"Uy bro,nasan na pinsan mo? Sya guest singer naten wala pa sya?" salubong ni Clyde sa magkapatid,nakakatuwa na tumagal ng ganito ang pagkakaibigan nila.

"Eh Bro nagka aberya,umatras yung kaduet,nagkasakit" sagot ni kuya Kurt,hmm mas gwapo sya kay kuya Dex,bakit kaya wala pa din sya karelasyon? Dahil ba mahal pa din nya si Yuri?

"Ako na bahala,tatawagan ko ulit" singit ni kuya Dex sa usapan then saka tumalikod at nagpipindot sa phone.

"Goodevening Ladies and Gents! Maraming salamat sa pagdating sa ating traditional reunion, para sa mga bago ay gnagawa ito taon taon, you see hindi natin namalayan na magkakadugtong pala ang kwento ng buhay natin,dito pwede tayo magsama sama. But for the mean time, magsikain na muna tayo" sabi ng isang matandang lalaki na naka akbay sa matandang bading din,siguro nasa 40 o 50 na edad nila.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon