kawaii 54 ~ The Cousins!

6.2K 164 6
                                    

AN ~ Pasensya na talaga ah? Nasira kase charger ko at nawalan ng net phone ko. Pero ngayon okay na :)

Para dun sa mga nag reg sa site na tinatambayan ni Yuweh dati,iba na po sya,dito na : www.urplanet.tk na po :3

At saka overwhelmed pko, naisama aq sa final chapter ng Novel ng idol kong c Joemar Ancheta, ang role ko? Wedding Singer dun sa double wedding at bestfriend ng susunod na bida sa next story nya. Ang saraapp sa pakiramdam :DD

-----

Yuweh's POV

Nagising ako sa init at ingay at sa pakiramdam na nangangalay ang mga kamay ko. Mulat na ang mga mata ko pero madilim pa din ang nakikita ko,tagaktakan na din ang pawis ko.

Inalala ko kung anong nangyare.

Shit! Dinukot nga pala kami ni Argel. Pero nasan ang asawa ko?

"AAAAARRRGGGHH!" nadinig kong sigaw. Boses yon ni Argel ah? Lumakas ang kabog ng dibdib ko,sinubukan ko makawala sa tali pero napaka higpit,ngawit na din ako.

"Kulang pa yan! Sinaktan mo ang damdamin ng anak ni Big Boss!" dinig kong sabi ng isang lalake.

"Argel?" tawag ko.

Nadinig kong may mga yabag na palapit sa akin. Hinanda ko ang sarili ko,dapat sa mga ganitong pagkakataon matapang na ako, Ive been in these situation before diba?

"Uhoy! Gising na si bakla" sabi nung isang boses at may humawak sa baba ko para iangat ang mukha ko.

"Huwag si Wifey please!! Utang na loob! Huwag nyo sya sasaktan!!" sigaw iyon ni Argel, Ramdam ko hirap sya pero wala ako idea kung ano itsura nya ngayon. Hindi pa rin kasi tinatanggal ang piring ko sa mga mata.

"Kahit magsisigaw ka dyan Boy,wala ka magagawa,lalo na pag ginawa namin to!" sabi ng isang boses at isang malakas na tadyak sa sikmura ang natanggap ko. Kinapos ako ng hangin,nanigas ang sikmura ko,pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga.

"NO!!! Mga walangya kayo!! Pag nakawala ako dito humanda kayo! Tantanan nyo asawa ko! " sigaw ni Argel. Kahit nahihirapan ako sumagap muli ng hangin ay napangiti ako.

"Manood ka na lang" sabi ulit ng boses at pinalo ako ng kung anong bagay sa hita ko,paulit ulit. Napapasigaw ako, pakiramdam ko naglasog lasog ang laman ko sa aking mga hita,namamanhid na sya.

"WIFEY!!!"

"Hahahahahahaha! Very touching scene"

Ang boses na yon,pamilyar sa akin.

"Oh my dear cousin Hera,I wanna congratulate you for a very good job well done"

"Thats nothing cous,Im really enjoying, sayang lang ako lang nakatikim kay Argel" boses iyon ni Hera.

"Tumigil ka kung ayaw mo madamay"

"Shine?" sabi ni Argel. Nakaramdam ako ng kilabot sa buo kong katawan. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa galit.

"Ako nga my dear Argel, boys tanggalin ang piring ng baklang yon"

Pag tanggal ng piring ay inilibot ko ang aking paningin. Parang nasa isa kaming lumang bodega, nakita ko si Argel,hubad baro,duguan at puro pasa ang mukha, ang pagkakatali nya ay tulad sa akin.

Tiningnan ko ng masama si Shine at Hera.

"Hindi mo kami masisindak dyan Yuweh" sabi ni Hera.

"Magpinsan kayo? Kaya pala una palang naaamoy ko na ang amoy ni Sunshine sayo, malansa!" sabi ko,ngunit agad na nakalapit si Hera at pinalo ako sa tagiliran ng hawak nyang kahoy. Kahit masakit ay tiniis ko.

"WIFEY! NO! TIGILAN MO YAN HERA!!"

"Manahimik ka Argel at manood" singhal ni Shine kay Argel.

"Isang maling salita,kapalit ay tatlong malalakas na palo,ano papalag ka?" ani Hera. Lumabas talaga pagka demonya ng isang to. Lumapit pa sya kaya nakakuha ako ng pagkakataon para duraan ang mukha nya.

"You! Kadiri ka!" ani Hera at sinampal ako ng malakas. Parang nabingi nga ang kanang tenga ko,pero hindi ako nagpa apekto, sinuklian ko lang sya ng ngising nakakagago.

"I have enough of this! Boys bugbugin ang dalawang yan hanggat hindi nalulumpo! Saka nyo idespatsa" galit na sabi ni Hera at nag walk out. "Hindi ka pa bayad Argel" dagdag pa nito.

"C'mon cous,huwag ka magmadali,lets enjoy muna" pigil ni Shine.

"Ako ang masusunod dito,dahil ako ang anak ng Boss,pero kung may gusto ka gawin din sa dalawang yan,bahala ka, pero I want them dead right after this!" sagot nito at tuluyan ng umalis.

Nakangising pinalibutan ako ng mga tauhan ni Hera. Sabi ko na nga ba eh,mukhang tama si Shin. Sa palagay ko ay gumagawa ng mga ilegal na gawain ang ama ni Hera kaya may mga ganitong tauhan at kaya malakas ang loob nito.

Tiningnan ko si Argel,nilagyan nila ng plaster ang bibig nito pero hindi nila ginalaw,siguro inutos ni Shine. Kita ko ang awa sa mga mata ni Argel at pumapalag palag pa sya.

Sinimulan akong pagtulungan ng mga lalaki,salitan sila sa pagsipa sa hita,sikmura at kahit saang parte ng katawan ko,sinubukan ko itapak ang mga paa kong may tali din ngunit wala na itong lakas para suportahan ang bigat ng katawan ko.

Kung walang magliligtas sa amin ay talagang dito na kami babawian ng buhay. Pero alam kong alam na ng tropa ito ngayon,lalo na sa ginawang pag iimbistiga nina Maya at Aya. Alam ko darating sila. Pero sa ngayon,kailangan namin ni Argel iligtas ang sarili namin.

Nagsawa din ang mga lalaki sa pinag gagawa sa akin,lupaypay at bugbog na ang katawan ko,ni ang mga daliri ko hindi ko na maigalaw, maga na din ang mukha ko at dumudugo na ang ilong at labi ko maging ang pumutok kong kilay. Nanlalabo ang mga mata ko pero nakita kong tumutulo ang mga luha ni Argel.

Gusto ko na pumikit pero hindi pwede,kailangan makasiguro ako na nakikita ko pa si Argel.

"Hahahahaha! Kalunos lunos na ang itsura mo ngayon fag! Akala nyo ba porket dinala ako sa rehabilitation at sa menthal hospital ay nakalimutan ko na ang lahat? Sabi ko naman sayo,hindi ka liligaya, wala karapatan ang mga bakla! Mamamatay ka na ngayon! Kung nakaligtas ka nung una,ngayon ay hindi na, at si Argel? Hmmm wala na ako habol sa kanya,at mukhang natuto na din sya,wala na din sya pakinabang sa pinsan ko,kaya magkasama kayong mamamatay!!" at dinugtungan pa ito ni Shine ng tawa. Gusto ko man sumagot ngunit maging ang bibig ko ay hindi ko na maibuka. Unti unti na akong tinatakasan ng lakas. Parang iginugupo na ako ng pagod.

"At bago ako umalis ay mag iiwan ako ng remembrance" ani Shine at naramdaman ko na lang na may tumama sa akin. Binaril nya ako sa hita,tapos humarap sya kay Argel at binaril din nya ito sa hita.

"Boys,gawin na ang trabaho,ayaw ng big boss nyo ng makalat kung ayaw nyong pati kayo ay malagot" sabi ni Shine.

Kita ko pang may binuhos sa paligid ang mga tauhan,naamoy ko ito. Gas! Susunugin nila tong bodega kasama kami!

Ngunit bago sila makapag sindi ay nagkagulo na. Yun ang huli kong natandaan bago ako igupo ng kadiliman.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα