kawaii 42 ~ The Wedding?

6.1K 182 3
                                    

Yuweh's POV

6pm nasa airport na kami Argel,hinatid kami nina Inay at Itay pati ng tropa. Panay bilin pa nga,akala mo naman matagal kaming mawawala.

9pm nag take off na ang eroplanong sinakyan namin. Umidlip muna ako sa balikat ni Argel habang hinahaplos haplos nya ang buhok ko,ang sarap sa pakiramdam kaya madali ako nakatulog.

Nagising na lng ako sa paghalik ni Argel sa akin. Ang dami talaga alam nito,pwede naman ako tapikin para magising diba? Pero mas okay nga naman ang kiss,parang sleeping beauty lang ang peg ko hihi :'>

Ng maka alis sa airport ay tumawag kame ng cab at nagpahatid sa MGM Grand Hotel. Halos mag lock ang jaw ko sa pagka mangha sa mga bawat nadadaanan. Masyadong maliwanag at mailaw kahit gabi na.

Parang gusto ko tuloy manood ng kahit isang broadway show or play o kaya concert XD

Ng makarating sa hotel ay agad kami ng check in,pang 22nd floor at room 222 pa ang nakuha namen. Parang ipinapaalala talaga ng tadhana ang monthsary namin ni Argel.

Kumain,Natulog muna kami on that day. Kinabukasan may pinuntahan kami ni Argel na parang chapel,ewan hindi ko alam. Dun ginanap yung wedding ceremony naming dalawa,maiksi lang pero puno ng emosyon. Damang dama namin,at kahit hindi ganoong kabongga,sapat na sa amin ang katotohanang ligal na kameng mag asawa.

Paulit ulit kong tinitingnan ang mga pictures,yung wedding contract,pati yung singsing. Sobrang saya ko,ni sa panaginip kase hindi ko inaasahang mangyayari sa akin to. Sobra sobra na to sa mga ginusto ko. Thank you Lord ^_^

The rest of the day nag gala at namasyal lang kame,sa mga casino,shows. Mas nag enjoy ako nung pinanood namin si Celine Dion sa Valley Strip Hotel. Sobrang nag enjoy ako to the point na nagkaron na ako ng LSS (Last Song Syndrome) sa kantang "Because You Loved Me".

We take pictures,ang dami dami,ewan ko lang kung matapos sa isang araw lamang ang pag upload nito sa Facebook.

When the night comes,masaya at pagod kaming bumalik ni Argel sa MGM Grand Hotel.

At ano pa ba ang aasahan nyo sa bagong kasal? Syempre honeymoon. Hindi ko alam kung ilang beses namin ginawa yun sa buong magdamag,basta ang alam ko halos sikatan na kami ng bukang liwayway. And ang nakakainis lang,sobrang mahapdi na sya >_

3pm na kami nakabalik ng Pilipinas,sina Usagi,Kakyuu,Aya at Maya sumundo sa amin,kina Argel daw kami dideretso dahil may Welcome party at nandun ang lahat.

Ng makarating kami kina Argel halos mapalundag naman ako sa saya ng makitang nandun sina Pao,Venn,Amara,Mitch,Kymn,Anne at Wiwa.

Binati nila kami at nagbigay pa ng mga regalo,habang kami naman ni Argel ay ibinigay ang mga pasalubong nila.

"Kamusta naman ang mga young newly weds?" tanong ni Wiwa ng magkaka umpok na kami sa isang pahabang lamesa na para sa amin talaga.

"Syempre! Masaya at Masarap!" masiglang sagot ni Argel na ikinangiti ng lahat.

"Mukhang lumampas sa kota ah? Magkaka ina-anak na ba kami?" pabiro namang sabi ni Kymn.

"Maghintay lang kayo,dadarating tayo dyan!" mayabang pang sagot ni Argel kaya kinurot ko nga sa braso.

"Aray! Wifey naman! Ang bilis mo maglihi ah? Kanina lang natin ginawa nabuo na? Ang tapang pala ng dugo ko!" sabi ni Argel na ikinatawa ng lahat.

"Tse! Akala mo naman may matris ako para mabuntis! Adik ka!" sabi kong ganyan sa kanya na nagpadagdag sa kasiyahan namin.

"So teh anong balak nyo? Magsasama na ba kayo at ipapaalam iyan sa school?" singit ni Zee sa usapan. Syempre umiikot ang tagay,si Oreo at Khai ang tanggero na nasa magkabilang dulo ng mahabang lamesa.

"Yun nga eh,hindi pa kami pwede magsama,saka kung ipapaalam sa school? Wag na lang,baka ma expel pa kami ni hubby ng wala sa oras" sagot ko.

"Wow ah? Lumelevel up,hubby na talaga? Sige kayo na!!" buska ni Zee kaya nagtawanan kami. Napansin ko namang tahimik lang si Venn at parang may kakaiba sa kanya? Parang may dinaramdam sya? Kahit tumatawa at ngumingiti sya eh halata sa mga mata nya.

Nagpaalam muna ako saglit para mag CR,nakasabay ko si Umi. Bubuksan ko pa lang ang pinto ng CR ng bigla na naman nanikip ang dibdib ko. Kumirot na naman sya kaya bigla ako napaupo,tarantang sinalo ako ni Umi.

"Shit! Ayan na naman yan Yuweh ah? Okay ka lang?" maluha luhang tanong sa akin ni Umi. Iling lang ang naisagot ko.

"Wait lang,tatawagan ko si Argel" tarantang sabi ni Umi at kinuha ang phone nya sa bulsa nya ngunit pinigilan ko.

"H-hu-wag U-umi"

"Baliw ka ba? Hindi ka mukhang okay! Dadalhin kit sa ospital! Sabi naman sayo magpacheck up ka eh" umiiyak na si Umi. At ayokong may umiiyak dahil sa akin.

"Anong nangyayari dito?" napalingon kami sa nagsalita. Si Venn.

"Mylabs?!" gulat na sabi ni Venn,huminga ako ng malalim para mabawasan sana ang pagkirot ng dibdib ko pero lalo ata yon nakasama. Mas tumindi ang kirot kaya minabuti kong pumikit.

"Yuwehh!!"

AN ~ Mustasa? Hehe okay na ulit ang net ko kaya tuloy tuloy na ulit ang UD ko :)

Pakibasa din po yung isa kong inaUPDATE na Story, ung CHAKKA: Inibig Mo'y Pangit. Comment and Vote din po kayo dun,salamat :)

COMMENTS AND VOTES ARE HIGHLY APPRECIATED ^_^

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now