kawaii o1 ~ Where It All Started

16.4K 329 29
                                    

Yuweh's POV

"Yuweh anak! Paki sauli nga itong kaserola at kaldero kina Manang Isyang!" Sigaw ni Inay sa labas ng aking kwarto.

Nandito ako sa kwarto, nganga,nagpapahinga, napagod kasi ako sa pagtulong kay Inay sa pagluluto ng paninda nya. Maliit lang ang kwarto ko, may isang katre,isang electric fan at isang tukador.

Tinatamad din ako mag gala dahil maulan. Hayst! Si Inay talaga utusan pa ako haha!

"Sige po Nay! Andyan na!" sagot ko at lumabas na ng kwarto.

0_0

"Bakit Nay?"

"Anong nangyari sayo? Bakit namuti buhok mo?" takang tanong ni Inay.

"Eh nay,si ate Bebeka kasi,napagtripan ang buhok ko, para daw makita ng mga tao na epektib mga materyales nya at maganda,kumbaga ako modelo nya,libre daw saka every 2 months kukulayan daw nya para ma-maintain" sagot ko na lang. Ang adik din kasi ni Ate Bebeka eh.

Si ate Bebeka ay isang bading tulad ko na may parlor sa may kanto.

"Lalo ka nagmukhang babae anak! Para kang cartoons! Maganda ah? Bagay pala sayo Puting buhok,edi pag tanda mo alam mo na itsura mo! Ay teka?! Pwede ba yan sa school mo?" sabi ni Inay. Yan si Inay, maganda na kwela pa, 37 years old palang sya,at mahal na mahal ko sila ni Tatay. Ang tatay ko ay isang hapon. Gwapo si Tatay,mapagmahal na ama at asawa. Magaling na syang magtagalog pero paminsan minsan nag ni-nihonggo sya. Kung bakit kami mahirap? Mahabang kwento basta kontento na kami sa ganito,duktor si Tatay sa isang pang publikong ospital,ang sweldo nya ay sapat lang din sa amin at mga gastusin namin.

"Nako Nay, pang apat na taon ko na sa St.Adams at madami ako nakikita dun na iba't ibang kulay ng buhok saka ang mahalaga naman nag aaral ako diba?" nakangiti kong sagot.

"Sa bagay, O sya pakisauli na to" sabay abot sa akin ng kaserola at kaldero. Kinuha ko ito at ang payong saka lumabas ng bahay.

Sya nga pala,ako si Yue (Pronounced as Yuweh) Tomoe, 16 years old, ang mga magulang ko ay sina Hiroshi at Vangie Tomoe. Sabi ni Tatay may meaning daw ang pangalan ko. Ang Yue ay Moon ang ibig sabihin at ang Tomoe ay Firefly.

May taas akong 5'2, Alam ko maliit yan para sa isang lalaki. Tama lang katawan ko, maputi, singkit at may buhok na lampas balikat na ngayon ay kulay puti na parang silver na. Bagay nga naman sa akin XD

Fourth year high school ako sa St.Adams. Okay naman ang pag aaral ko. Malaki ang tuition dun, pero dahil gusto nila na Nay at Tay na mabigyan ako ng magandang kinabukasan ay doon ako pinag aral.

Simple lang ako,makulit minsan,at syempre mabaet! Sabi nila XD

Nang maisauli ko na kay Manang Insyang ang kaserola at kaldero ay naisipan ko munang maglakad lakad kahit umuulan.

Wow! Parang ang sarap gumawa ng Music Video haha!

Natigil ako sa pag kausap sa sarili ng may makita akong bungguan. Natakot ako,lumakas kabog ng dibdib ko at nanginig ang mga tuhod ko. First time ko maka saksi ng ganito,at hindi talaga ako nakagalaw.

Sumalpok yung truck sa poste at yung kotse naman ay sa isang puno. Nakakagimbal,pati ang pagkurap hindi ko magawa. Parang napako pa ang paa ko sa lupa.

Maya maya ay dumami na ang tao,may mga pulis at ambulansya ng dumating.

Napansin kong may parang inilalabas sila sa passenger seat ng kotse. Yung sakay siguro. Maya maya bumukas ang pinto ng drivers seat. May lumabas na lalaki. Duguan,parang hirap na hirap maglakad dala siguro ng pagkahilo at natamong sugat.

Naawa ako,wala ata nakapansin sa kanya. Lalapit na sana ako para tulungan sya pero laking gulat ko ng may isang lalaking pulubi ang lumapit sa kotse.

Baliw ba sya? Baka sumabog yung kotse! Anak ng! Muling hinanap ng paningin ko yung lalaking sugatan medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita kong mejo nakalayo na sya sa paglalakad kahit hirap na hirap. Muli nilingon ko ang kotse at sisigawan ko na sana yung pulubi ng mapansin kong nakaupo ito sa drivers seat na parang tuwang tuwa pa! Baliw nga siguro yon. Bigla sumabog yung kotse.

Napaiktad ako sa kilabot at takot. Ngayon lang ako nakakita ng ganon! Shit! Kasama sa pag sabog yung pulubi!

Nanlambot ako at napaupo. Jusko! Bakit nakakakita ako ng ganito. Maya maya may narinig akong lalaking sumisigaw. Doon ko lang naalala yung isang lalaki kaya tumayo ako para hanapin sya.

Nakita ko syang nakadapa sa di kalayuan. Hindi na siguro kinaya.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya,ayoko namang deadmahin lang ang pangyayari. Natakot ako baka patay na sya. Ngunit ng pakiramdaman kong humihinga pa ito ay itinihaya ko sya.

Tang ina! Ang gwapo nito ah? Kaso duguan na ulo nya at ang dami nyang sugat. Nataranta ako ng makitang dumadami na ang dugong tumutulo. Nagpalinga linga ako,buti may mga taong nakakita sa amin.

"Kuya,Ate,tulungan nyo sya! Dalhin po natin sya sa ospital!" nanginginig kong pakiusap.

"Sige,kami na ang bahala sa kanya" sagot nung isang lalaki at binuhat na ito.

Habang tinitingnan ko sila palayo ay napadasal ako. Sana ligtas sya. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung mamamatay sya.

AN ~ Musta? Ito po ang unang chapter :) pangalawa na to, ung unang chapter1 na nagawa ko kanina ay nabura ng hndi sinasadya kaya umulit ako XD

FEEL FREE TO VOTE AND COMMENT =]

-TZEKAI=)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin