kawaii 44 ~ Almost Caught Up.

6.1K 178 10
                                    

Yuweh's POV

At ganun nga ang nangyari,nagtransfer si Venn sa school namin at sa mismong klase ko pa. Wala naman ako magawa dahil kagustuhan nya yon.

Lagi syang may dalang gamot maging si Umi, mga ready just in case na atakihin na naman ako. At hanggang ngayon wala pa din ibang nakakaalam.

Lumipas ang mga araw,masaya pa din naman,masaya pa din kami ni Argel lalo na pag sa bahay sya umuuwi. Hindi nauubusan ng katamisan sa katawan =P

"Wifey,malapit na acquaintance,ikaw date ko ah?" sabi ni Argel habang nandito kami sa garden namin at nagpapahangin.

"Dapat lang,hindi ako papayag na hindi ako no? Magwawala ako" pabiro kong sabi sa kanya.

"Talaga? Talagang magwawala ka? Weh?" parang bata nyang sabi kaya napahagikgik ako.

"Oo,magwawala ako,magwawalang kibo" at dinugtungan ko pa ng tawa. Parang inis na napa pout naman si Argel sa sinabi ko.

"Wifey naman eh!" sabi pa nya na niyakap ako. Napatigil ako sa pagtawa dahil bigla na naman ako kinilig,maya maya ay nag ring ang phone nya at tiningnan nya kung sino saka sya tumingin sa akin na parang nag aalala.

"Bakit? Sige na sagutin mo na" sabi ko at agad naman sya lumayo ng konti pero dinig ko pa din naman sya. Bakit kailangan pa nya lumayo?

"Hello Hera bakit?" agad nyang sabi na ipinagtaka ko.

Hera? Nagtatawagan sila sa phone ni Hera?!

"Ha? Hindi pwede! May kadate na ako sa acquaintance... Ha!.Sige,.Wag ka na umiyak..Oo payag na ako..Sige sige..Huwag magpapagod..Yung gamot mo inumin lagi... Okay..Bye"

Yan ang mga narinig kong sinabi ni Argel. Parang tinutusok ang puso ko,unti unti naninikip na naman at nahihirapan na naman ako huminga. Pakiramdam ko namumutla ako.

Kung tama ang pag analyze ko,may sakit din si Hera at gusto nyang si Argel ang kadate nya sa acquaintance. Hindi ko kaya,para akong lalo hindi makahinga. Hindi pwede to,hindi sa harapan ni Argel,pero anong gagawin ko? Hindi ako makaka kilos?

Nang mapalingon sa akin si Argel ay parang hindi maipinta ang mukha nya,pero napalitan agad ng pagkagulat ang reaksyon nya ng matitigan ako.

"Wifey? Anong nangyaya--" hindi naituloy ni Argel ang sasabihin dahil saktong nagmamadaling lumapit sina Umi,Aiyan,Zee,Jafu at Venn sa amin.

"Here,take your medicine" agad na sabi ni Umi at pinainom ako ng gamot. Halata namang nagtataka si Argel at Jafu sa nangyayari.

"Aiyan,Venn pakihatid naman sa room nya si Yuweh" sabi ni Umi.

"No,Im Okay Umi,napagod na naman siguro ako" pagsisinungaling ko para hindi na masyadong magtanong si Argel.

"Whats happening??! Meron ba akong hindi alam?!" sabi ni Argel na kunot noo na.

"Dude,may sakit si Yuweh" sagot ni Venn dito.

"Sakit?" halos sabay na sabi ni Argel at Jafu saka ako tiningnan.

"Venn.." sabi ko. Hanggat maaari ayokong umamin.

"Anong sakit wifey? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" parang galit na nag aalalang sabi ni Argel at muling umupo sa tabi ko.

"Oo may sakit ako hubby,over fatigue,bawal mapagod at ma stress,yun lang yon,pero okay naman daw sabi ng doctor" pagsisinungaling ko. Ayoko talagang sabihin kahit anong mangyari.

"Yuweh" naaawang bigkas nila ng pangalan ko samantalang si Jafu ay nakatingin lamang sa akin na parang may binabasa sa mga mata ko,nag iwas ako ng tingin at bumaling sa mga bagong dating.

"Oh kayo,anong ginagawa nyo dito? Sunday is rest day diba?" sabi ko na lang.

"Gusto lang namin mag over night,at saka itong si Aiyan gusto uminum kaya dito na lang sana kung pwede" sagot ni Umi.

"Ganon ba? Sige kontakin ko pa ang iba sa tropa pati sina Pinsan" sabi ko saka bumaling kay Argel na titig na titig pala sa akin. "Oh ikaw Hubby? Sino yung tumawag at parang hindi maipinta ang mukha mo kanina" kunwari ay wala akong nadinig.

Para naman syang nag alangan sa isasagot,tumingin muna sa tropa bago nagsalita.

"Si Hera,she wants me to be her date sa acquaintance, I declined pero ang sabi nya,nasabi na daw nya sa Dad nya na ang date daw nya ay ako,sinabi nyang boyfriend daw nya ako,hindi na ako nakatanggi,at saka.."

I was right.. Pero huwag dapat ako mag over react kahit pa sinabi ni Hera sa Dad nya na boyfriend nya ang asawa ko. Isang gabi lang naman yon.

"At saka ano?" kalmado kong sabi.

"May sakit kasi sya,kaya naaawa din ako" dagdag ni Argel. Parang gusto ko na din tuloy sabihin na may sakit din ako,pero no,ayaw ko maging selfish.

"Then,be her date..Ayos lang naman sa akin" naka ngiti ko pang sabi para hindi na sya mag alala.

"Pero pano ka?"

"Okay lang ako,andyan naman ang tropa" sabi ko pa.

"Yuweh-sama! Argel-sama! Handa na meryenda dali! Gutom na ako baka maubos ko yun!" sigaw ni Usagi sa may pinto.

Saved by the bell! Lahat na kami pumasok sa bahay. Pero ramdam ko pa din yung bigat. Ang hirap pala. Napalingon ako kay Jafu at parang ang lalim ng iniisip nya,then lumingon ako kay Venn,ngayon ko lang napagtanto na parang namamayat na sya at nawawala na ang sigla nya.

-----

Monday 3:45 am nagising kami ni Argel ng madaling araw na yon sa sunod sunod na katok sa pinto. Si Argel na ang bumangon at nagbukas nito.

"Argel-sama! Manganganak na daw Mom mo! Pumunta na kayo sa ospital dali!" si Kakyuu pala yung kung makakatok ay wagas. Agad akong bumalikwas ng bangon at lumapit.

"Ha? Totoo ba yan Kakyuu? Sige sige saglit lang" tarantang sabi ni Argel at nagtungo agad sa closet para maghanap ng isusuot.

"Sina Inay at Itay?" tanong ko kay Kakyuu.

"Nauna na po sa ospital^o^" sagot ni Kakyuu.

"Hay! Sina Inay at Itay talaga,sige na Kakyuu,salamat,matulog kana ulit" sabi ko at nag bow lang ito bago umalis.

Bihis na si Argel kaya nagmadali na din ako magbihis.

"Shit! Ang dami pala nilang missed call wifey" sabi ni Argel habang hawak ang phone nya.

"Haha! Next time wag na natin e-silent ang phone natin pag gabi" natatawa kong sabi.

"Tara na wifey,excited na ako makita mga kapatid ko" nakangiting sabi ni Argel saka ako hinalikan at lumabas na kami ng kwarto.

AN ~ HELLO?! Musta? Natuwa ako sa mga comments nyo sa mga previous chapters,talagang affected na kayo ah? Natuwa ako dun. Maraming maraming salamat po .

COMMENTS AND VOTES? Keep them coming :)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ