kawaii 25 ~ Family matter

7.5K 190 6
                                    

Argel's POV

"Kiss me then..."

Nagulat ako sa sinabi ni Yuweh,napalunok ako. Kung yon gusto nya talagang hindi ko yon tatanggihan! Ang tagal ko kayang pinangarap yon! At ngayon na ang magiging katuparan ng pangarap kong yon!

Dahan dahan akong lumapit kay Yuweh habang nakatutok ang mga mata ko sa maganda at inosente nyang mukha. Walang mag aakala na lalaki din ito dahil nga napaka femine talaga ng mukha nya. At ang suot nya ngayon napaka Cool! Ang astig nyang tingnan!

Pero kanina nagulat talaga ako ng dinala sila ni kuya sa mini stage at sabihing sila Tito't tita ang nagligtas at kumupkop sa kanya. Hindi ko maiwasang maging Proud.Napaka natural na talaga sa pamilya ni Yuweh ang pagiging mabaet at magiliw.

Natuwa ako dahil mukhang papabor sa akin ang sitwasyon pero nagdalawang isip ako dahil sa reaksyon ni Kuya. Lalo pa at sinabihan nya ako na mag uusap daw kami bukas.

At ngayon,inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin ni Yuweh. Muli napalunok ako ng laway ng madapo paningin ko sa labi nya.

Agad kong inilapat ang aking labi sa labi nya,hinalikan ko sya ng buong ingat at pagmamahal.

The kiss was enchanting, Hindi ko mapaliwanag dahil sa halik na yon parang lalo nagwala ang puso ko. Kung wala lang sigurong harang ay kanina pa nakalabas ang puso ko.

Sa halik na yon parang biglang nagliwanag ang lahat. Damn! I really love this boy!

Ng maghiwalay ang aming mga labi ay nagkatitigan kami. I can see Love in Yuweh's eyes, at sana hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. It gives me big hope.

-----

Kanina pa ako gising pero nakatulala pa din ako at iniisip yung nangyari kagabi. Tang ina ganon pala yong sinasabi nilang magic sa kiss ng taong mahal mo. Ang lakas ng epekto na hanggang ngayon hindi pa din naaalis sa isip ko.

Bigla bigla na lang ako mapapangiti. Shit! Para akong timang na kinikilig! Ang gay lang talaga! >_

Love is really selfless and genderless,it chooses no gender. Once na tumibok ang puso mo sa isang tao,kasehodang basurero,mekaniko,bakla o tomboy pa yan wala ka pala talaga magagawa,it is really powerful. Salamat na lang at hindi ko ito nilabanan. Dahil kung ginawa ko iyon ako lang ang mahihirapan at malamang miserable na buhay ko ngayon. Thank you Lord for giving Yuweh to me.

Kahit wala akong kasagutang nakuha kagabi mula kay Yuweh,ay sapat na sa akin ang halik na yon. Ive never kissed a guy before, but I must say,I liked it. No let me scratch that. I loved it! ^_^

Naalimpungatan lang ako sa pagmumuni muni ng may kumatok sa pinto.

"Senyorito,handa na po ang lunch"

"Sige Ate Aura susunod na ako" tugon ko dito.

Agad akong nagtungo sa CR at naghilamos at toothbrush, after that I headed down to the dining hall.

Mukhang masasarap mga nakahain ah? Iba sa mga pagkaing handa kagabe. Bigla ako nakaramdam ng matinding gutom.

Si Dad naka upo sa pinaka dulo,talagang master ang dating,si Mom sa right side,si kuya Gelo at kuya Yuri sa left side. May kakaiba sa mga tingin ni kuya. Alam ko dahil yon kay Yuweh :/

"Ijo please maupo ka,may importante kaming sasabihin ng Dad nyo" nakangiting sabi ni Mom, naupo ako sa tabi ni Mom.

"And what is that Mom?" sabi ni Kuya Gelo,nilingon ko sya at nakita ko naman na nakangiti si Kuya Yuri. Hayst kailangan ko makausap ang dalawang to.

"Well,hindi namin inaasahan na sa ganitong edad ay kaya pa pala namin, Im 48 and youre Mom is 45,and we called it a miracle" sabi ni Dad na nakangiti, at talagang pinagtaka namin.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now