kawaii o9 ~ Malevolent Eyes

10.3K 250 7
                                    

Yuweh's POV

Hay nakooo! Sa wakas nakalabas na ako ng ospital na yon. Grabe hindi ko maisip na pwede pala ako maaksidente ng ganon. Buti na lang tinulungan ako. Kung hindi deadbol beki na ako.

Medyo okay na din naman ako, 1 week lang ako nag stay sa ospital,katunayan nga nandito na ako sa school. Hindi ko kayang hindi pumasok. Sayang ang mga lessons. At sa isang linggo na yon madaming nakakabigla.

Una,nalaman kong pinsan ko ang pokerface na si Shin,isnt it great? Ang isa sa mga kaibigan mo ng ituring ay pinsan mo pala. Take note pinsang buo pa!

Pangalawa, lagi ako dinadalaw nina Venn at Pao sa ospital na talagang pinagtataka ko,kung si Argel eh okay lang,kaibigan ko sya eh. Pero si Pao at Venn? C'mon alam naman nating lahat kung ano meron samin.

Oo nga at silang dalawa ang nagdala daw sa akin dito sa ospital and Im thankful for that. Pero yung umakto sila ng sobrang bait sa akin, ang weird, I mean si Venn na halos mapatid na litid ko sa inis sa mga pang gagago at pang aasar nya tapos si Pao na halos ayaw akong pansinin at tapunan ng tingin na para bang suklam na suklam sa akin ay mga biglang magiging parang anghel? Who wouldnt think the way Im thinking right?

Pangatlo si Argel na kung anu-anong kasweetan at pag aalala ang pinag gagawa sa akin. I cant help but think tuloy na gusto nya ako. Pwede naman yon diba? Pero NO,ayoko umasa kasi ako nagkakagusto na sa kanya, pag umasa syempre mag e-expect,pano kung hindi ma-meet ang expectation? Edi masakit? Lagapak ang peg nun teh. Bakla lang ako,mahina sa mga ganyan. At pag pinagpatuloy nya yon,baka lalo ako mahulog tapos in the end ako lang pala ang nagbibigay ng kulay sa mga pinapakita nya,edi mas masakit. At ayoko masaktan,AYOKO.

"Malalim ang iniisip mo ah? Pwede ba naming languyin?" pukaw sa akin ni Amara,nandito ako sa corridor at nakapalumbaba sa railings at ang mga mata ay nakatutok sa Oval.

"Adik,iniisip ko lang yung mga nangyari nitong nakaraan" sagot ko. "Eh kayong dalawa? Bakit nandito pa kayo? Wala ba kayo balak mag recess?" dagdag ko pa.

"Mamaya na lang sigurong lunch time,mukhang kailangan mo ng makakausap eh" si Mich ang sumagot. Nginitian ko lang silang dalawa.

"Malapit na pala ang intrams ano?" maya maya ay sabi ni Mich kaya nilingon ko sya.

"Oo nga eh,gusto ko sumali sa cheerdance natin pero parang hindi pa kaya ng katawan ko" sabi ko.

"Magpagaling ka Yuweh,para ma enjoy mo naman ang mga activities natin" sabi ni Amara.

"Ano ba sabi ng PE teacher natin? Eh meron pa nga tayong sabayang pagbigkas sa English" sagot at tanong ko.

"Yung sa cheerdance pag mimeetingan pa ng klase natin, pero sa English meron ng gagawin, Congo ata at si Pao at Venn ang aayos at mag choreo" sagot ni Amara.

Nanlaki mata ko dun.

"Marunong sila?" mangha kong tanong.

"Oh see? As expected, absent minded ka nga kanina,maaaring si Venn ang uri ng taong you dont wanna hang out with pero may talento syang tinatago at ngayon nya ipapakita,the reasons? Well you'll know someday" sabi ni Amara na ikina kunot ng noo ko. Paanong nakikita nya ang ganung side ng isang tao?

"At kung si Pao naman ang tatanungin,wala namang problema,his excellent in all our subjects,maybe his cold and aloof sayo,pero like Venn,he has his reason, malaki ang maiaambag nila sa klase. They are a good person,why dont you try to give them a chance na maging kaibigan mo?" sabi naman ni Mich.

Bilib na ako sa dalawang tao,kumbaga parang sila ang nagsisilbing guide and light ko sa mga bagay bagay. They see things in a more positive ways. May nakikita sila sa tao na hindi makikita agad ng iba kung hindi talaga bibigyang pansin. Napaka swerte ko at naging kaibigan ko sila :)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now