kawaii 20 ~ Angels In Disguised

7.9K 241 14
                                    

Yuweh's POV

Umupo na ako sa ilalim ng puno at nagsimulang kainin ang pinaka masarap na pagkain sa buong mundo ng biglang may magsalita.

"Hey cutie! Eating alone?"

"Ikaw?" gulat kong sabi. Gosh! At talagang dito pa kami pinagtagpo ng tadhana?

"Yup! Its me! Haha nakakatuwa nga eh! Ganitong ganito ko din nakilala ang isang taong hinangaan ko, dyan din sa punong yan" maligalig nyang sabi tapos umupo din sa damuhan,sa harap ko.

Ang awkward naman. Hindi ako sanay na pinapanood pag kumakain eh :/

"Gusto mo?" alok ko sa kanya,nakakahiya naman,baka masabihan pa akong walang manners kung hindi ko sya aalukin diba? Im not like that naman.

"No thanks,katatapos ko lang kumain nyan ng makita kita, ilang taon ka na Yuweh?" naka ngiti nyang sabi. Ang weird lang,dati crush na crush ko sya,pero ngayon parang normal na lang ang tingin ko sa kanya.

"Uhm 16 pa lang po" sabi ko naman at inubos na ang kinakain ko.

"Ang bata mo pa pala,kaya dapat huwag mo masyado dibdibin ang mga problema,just take it lightly para madali kang makaisip ng solusyon" dagdag pa nya.

Ano daw? Alam ba nya ang nangyari sa akin? Pero pano? Imposible naman ata yon.

"Kuya Enzo,hindi po kita maintindihan? Alam mo ba nangyari sa akin?" naisatinig ko na lamang ang katanungan sa isip ko.

"Actually wala akong alam at hindi ko alam ang nangyari,but your eyes says it all,ganyang ganyan din si Yuri noon.I know youre running away from something" sabi nya at tumingala sa mga sanga ng puno.

Nabasa nya sa mga mata ko? Ang galing naman nya. Parang si Amara at Mich lang. Hayst.Sana kase magaling din ako magtago ng emosyon para hindi na naaapektuhan ang mga nakapaligid sa akin,

Pero masisisi nyo ba ako? I just lost my bestfriends! Masakit at malungkot talaga yon. At pakiramdam ko napilayan ako sa pagkawala nila sa akin.

Pero Teka? Binanggit ba nya ang pangalang Yuri?

"Yuri? Yung magandang bakla din?" tanong ko kaya muli nyang ibinalik sa akin ang kanyang tingin.

"Yup, Yuri Mendoza,a very close friend of mine,you know him?"

"I think yes,nagpunta sila sa bahay para sunduin si Kuya Pogi, I mean kuya Gelo, but that was 3 or 4 months ago" sagot ko naman.

Para namang bigla sya na amazed sa nalaman at saka ngumiti.

"Wow! Small world,who would have thought na ang sinasabi ni Yuri na nagligtas at kumupkop kay Gelo ay ikaw pala at ang pamilya mo na kilala ko din,isnt great? Magkaka kunek tayo?" amused nyang sabi. Nahawa na din ako sa pag ngiti nya,nakakadala eh.

"Oo nga,small world" pag sang ayon ko naman.

"Kayo ng pamilya mo ang mga Hero and Angel ni Gelo,buti sa inyo sya napadpad"

Sasagot na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko. Istorbo naman XD

Agad kong kinuha ang phone sa bulsa ko at tiningnan kung sino tumatawag.

KYMN Pogi :]

calling . . .

"Ahm,kuya Enzo wait lang ah?" excuse ko at sinagot na ang tawag.

"Hello Kymn,bakit?"

"Anong bakit? Nasan ka?"

"Nandito ako sa Park eh"

"Sige,hintayin mo kami jan nina Wiwa at Ann,huwag ka aalis okay?"

"Sige,hintayin ko kayo" sabi ko at nag end na ang tawag, paglingon ko kay Enzo nakatingin lang sya sa akin. Bakit?

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now